The Perks of being a Gravador-I don't care.

11 0 0
                                    


Umuwi ako sa bahay nang 5:30 ng hapon.Nakita kong naglalaro ang kapatid ko ng kotseng gawa sa lata at ginawa ni papa.

"Bien!nandito na si ate!"sigaw ko at tumakbo naman sya papunta sa akin at niyakap ako.

"Ate! Saan ka galing?"sambit nya at nginitian ako.

Isang ngiti lng nitong kapatid ko eh napapawi na ang pagod ko.

"Sa palengke Bien.eh ikaw? Bat kanina kapa wala?"sambit ko at inilapag ang plastic na blue kung saan nandodoon nakalagay ang aking pinamili.

"Nandun lang po ako sa kaibigan kong si Karlos.Ate?magpapasukan na ah?nakapag-enroll ka na po ba?"sambit nya at naghalungkat sa mga pinamili ko.

"Hindi pa eh.bakit? Nakapag-enroll ka na ba? Aba! Mag ggrade 3 na ang bunso namin ah!"sambit ko at ginulo ang buhok nya.

"Opo eh.nakakahiya ate.ayokong sabihin kung sinong nag-enroll sa akin."sambit nya at nahihiyang kumamot sa bandang batok nya.

"Oh? Pano? Atsaka sino nag-enroll sayo?sige ka! Pag di mo sinabi sakin di ko ibibigay yung pasalubong ko sayo!"agad kong hinablot ang plastik maliit kung saan nandodoon ang pasalubong ko.buti nalang blue tong plastic at hindi nya nakikita ito.

"Sige na nga...hmmm..kase eh...in-enroll ako ni Cassandra."nahiya syang tumungo sa kanyang mga paa.

"Naku!"ginulo kong muli ang kanyang buhok."Binata na ang kapatid koooo!.teka nga? Diba yung magulang nung Cassandra Ylena Jimenez ay yung may-ari ng Jimenez Integrated School at Jimenez Plantation?"sambit ko at nag-ngising aso.

"O-oo ate eh."sambit nya nang nahihiya-hiya.

Grabe may admirer na pala tong kapatid ko.baka pag uwi ni ate Vhina Chasley galing sa Maynila ma-tuwa pa yon.

"Support kita dyan kapatid ko!"sambit ko at niyakap sya.

"Pero bata pa kami ate."sambit nya at nag pout.ang kyut talaga nitong kapatid ko.

"Bakit? Defensive ka naman masyado Bien.Wala naman akong sinabi na ligawan mo na ah?"pagsabi ko niyon ay napa-halakhak ako sa harapan nya.

"Si ate talaga!ibigay mo na sakin yung pasalubong mo at magluto kana please!"sigaw nya sa akin na naiirita.

Patuloy ako sa pag Hahalak-hak at pumunta na sa Kusina para mag-luto ng pritong Isda.at nagluto narin ako ng sabaw ng malunggay.

---

Natapos ko narin ito at tamang-tama naka-uwi na sila mama.naka hain narin ang kakainin.

Walang imikan sa hapagkainan dahil masyado nang pagod sila mama at papa.pag-tapos ay nag-hugas na ang kapatid ko ng mga pinggan at ako naman.nag-aayos na ng lamesa.

Pinapatuka naman ni papa ang mga pansabong nyang mga manok.
Habang nag-didilig naman ng halaman si mama.

Hindi nila nagagawa iyon sa umaga dahil priyoridad nila ang pag-sasaka.

Pag-tapos kong maglinis ay dumiretso ako sa kwarto.may tatlo kaming kwarto pero di hamak malilit lng ang mga ito.tinignan ko ang alkansya kong gawa lamang sa tubo.

The Perks Of Being A Gravador {On Going,On process}Where stories live. Discover now