My Girlfriend is an Alien vs. Arakawa Under the Bridge

1.8K 26 2
                                    

Warning! This chapter contains some spoilers.

Hi guys! First of all gusto ko lang idefend ang story ko sa isang anime entitled "Arakawa Under the Bridge."  I'm almost done with the book 1 nang may magsabi sakin na kapareho daw ng story na yun eto. Just to inform everyone, hindi ko alam ang story na yun. Pero dahil nacurious ako binasa ko ang unang part ng story. Meron ngang pagkakapareho sa personality ng characters, pero IBA pa rin ang story ko. Hayaan nyo po akong ienumerate ang pagkakapareho at pagkakaiba nila.



Pagkakapareho
1. Parehong Alien ang bidang babae. Ayon sa "Arakawa Under the Bridge", isang Venusian yung babae. Meaning from the planet Venus. Ayun sa story ko, isang Alien ang babae from a certain planet called Beafect.

2. Parehong businessman ang lalake. OMO. Nagulat talaga ako run. Perfect team up! Ganun din ang team up sa story ko eh. :)

3. Parehong ayaw ng bidang lalaki na may pinagkakautangan. Walanjo. Parehong pareho talaga ng attitude! Wahahaha.



Eto naman po yung MGA pagkakaiba.



1. Hindi nangyari ang story ko under the bridge.

2. Iba ang meet-up ng mga characters. Sa "Arakawa Under the Bridge", nahubuan ang lalaki ng pantalon sa tulay, tapos tinulungan sya nung Venusian na nasa ilalim ng tulay. Sa story ko, bumagsak nung spaceship ng babae malapit sa mansion nung lalaki. Dun sila nagkita.
3. May arranged marriage thing si Care Williams, ang bidang lalaki sa story ko. At the same time, may arranged marriage thing din si Michaela, ang bidang babae sa story ko. Pareho nilang tinakasan ang arrange marriage nila kaya naging magshota sila. Sa story ko, ang lalaki ang gustong makipag-deal sa babae, dahil tinakot nya ang babae na kung hindi sya papayag eh ipagkakalat nya sa buong mundo na Alien yung babae, tapos pag-eexperimentuhan nila sya. On the other hand, sa "Arakawa Under the Bridge", gusto ng alien na babae na pakasalan sya nung lalaki. Pumayag lang yung lalaki kasi may utang sya sa babae. 

4. Ang nanay ni Care ay isang scientist. Nagtatrabaho sa NASA. Walang nababanggit na ganun sa "Arakawa Under the Bridge."

5. Mahilig si Care sa Chuckie! Sa "Arakawa Under the Bridge", hindi naman.
6. May bestfriend si Care na isang nerd geek. Mahilig yun sa mga Aliens kaya di sinasabi ni Care ang tungkol sa girlfriend nya. Sa "Arakawa Under the Bridge", walang bestfriend ang bidang lalaki.

7. Hindi weird si Michaela unlike the leading lady of "Arakawa Under the Bridge." May class si Michaela at gusto nya ay prinsesa ang dapat ituring sa kanya ng kahit na sino. Samantalang ung babae sa "Arakawa Under the Bridge" ay kuntento nang manirahan sa ilalim ng tulay, kumain ng isda mula sa sapa araw-araw, at maligo sa loob ng drum! 
8. Mataas ang IQ ni Michaela. She can speak all the languages in the world and invent a lot of things. Sya ang dahilan kung bakit humahanga ang mga tao kay Care Williams, dahil sa mga inventions nito. Sa "Arakawa Under the Bridge", hindi naman pinagtuunan ng pansin dun yung IQ ng bida eh.

9. Bubbly and girly si Michaela. Unlike sa leading lady ng Arakawa na medyo boyish ang dating.

10. May superpowers si Michaela. She can absorb and copy the intelligence of other humans. Unlike sa Arakawa. Walang powers na ganun yung babae run.
11. May kababalaghang nangyayari sa boses ni Michaela, unlike sa Arakawa na hindi naman inemphasize kung marunong kumanta yung babae o hinde.
12. Naging vocalist si Michaela ng isang boyband. Hindi kumakanta ang bidang babae sa "Arakawa Under the Bridge."

13. May pinsan ang bidang lalaki na nagsisilbing magulang nito. In my story, ang bidang lalaki ay nagngangalang Care Williams. May parents sya but hindi sya iniintindi nito, sa halip, si Danica ang nag-aalaga sa kanya. Walang ganun sa "Arakawa Under the Bridge."
14. Sa "Arakawa Under the Bridge", napilitan ang lalaki na tumira sa ilalim ng tulay dahil sa pagkakautang nya sa babae. Sa story ko, dun nakatira ang babae sa mansion ng lalaki! Buhay mayaman sila dun!

15. Sa "Arakawa Under the Bridge", ang main focus nun eh yung struggle nung lalaki na manirahan sa ilalim ng tulay at magbuhay mahirap. Sa story ko, ang struggles ay more on competition in the position inside the company, and the competitions about new technologies and inventions!

16. May 3 lalaking nagkakagusto kay Michaela. Isang Alien, isang businessman at isang popular singer. Sa pagbabasa ko ng "Arakawa" eh wala naman akong nakitang ganun. Bukod dun eh may nagkakagusto pang babae kay Care, who is the twin sister of the popular singer. Wala rin sa Arakawa nun.

17. Walang taong naka-costume at nagpapanggap na hindi tao sa story ko. Yun yung "chief" ata na sinasabi sa Arakawa.

18. May-ari si Care Williams ng isang school at isang company. Dun halos lahat tumatakbo ang story ko.

19. Futuristic and musical ang theme ng story ko. Meaning, new technology. Idagdag mo pa ang mga duet nina Michaela at Care, duet nina Michaela at nung popular singer, at ang iba pang mga kanta ng band. At ibang iba ang theme ng Arakawa compared dito. Ang theme nun eh adventure, love and living the life under the bridge!


            I love anime, and I respect the story "Arakawa Under the Bridge." Pero actually hindi sya ang inspiration ko kung bakit ko naisip ang story na to. Ang inspiration ko po rito ay yung "UFO BABY" or "DAA DAA DAA!" I love their closing theme song too! It makes me wanna sleep with smile on my lips :) Yun lang!

Comments? Violent reactions? I'm open to those. And I'm very eager to defend MY STORY no matter what happens :)

 

My Girlfriend is an Alien (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon