Chapter 5

4.5K 103 7
                                    

Chapter 5

(PRINCESS MICHAELA'S POV)

"Aw..." sabi ni Todd.

"Damn it. Why are you kissing my girlfriend?!" pasigaw na tanong nito kay Todd. Teka. Ano raw? Kissing my girlfriend? K-kissing?

"Care, nagkakamali ka. Hindi nya ako hinahal-

"Shut up you whore." Natigilan ako sandali dahil sa salitang sinabi nya sa akin. Parang hindi sya ang Care na kilala ko. Yeah he's rude, but what he just said was below the belt. Ininsulto nya ang pagkababae ko.

"A-anong sabi mo?"

Pagkasabi niya noon ay nilingon niya si Todd na kasalukuyang pinupunasan ang dugong lumabas mula sa pumutok nitong labi habang nakasalampak pa rin sa sahig. He turned to me again.

"Let's go." sabi ni Care sakin at pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko.

"T-teka lang-"Hinawakan niya ako palabas ng canteen. Hindi ko pa rin masagap lahat ng pinagsasabi niya kanina sa akin at kay Todd. Nasasaktan ako pati ang pagkatao ko.

"Care...nasasaktan ako. Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ko sa kanya. Nakalabas na kami ngayon ng canteen at nasa may parte na kami ng school kung saan wala nang tao at malaya na kaming makakapag-usap na dalawa.

"You! Bakit ba ang landi-landi mo?" patuloy nyang paratang sa akin.

"Tumigil ka nga Care. Wala kaming ginagawang masama. Hindi kami naghahalikan!"

"Anong hindi? Kitang-kita kong naghahalikan kayo kaya wag ka nang magdeny."

"Sinabi nang hindi. Pinupunasan nya lamang ang mukha ko ano ba? Sa tingin mo ba, basta basta na lamang ako makikipaghalikan sa isang lalaking kakikilala ko pa lang kahapon? Mag-isip ka nga! At isa pa, kung nagseselos ka kapag nagkakausap kaming dalawa, dapat sinabi mo na agad para naman umiwas na ako sa kanya! Madali naman akong kausap."

"I'm not jealous. I just don't want you to show off some public display of affection with some other guy inside this school. You can flirt whenever you want but not in public! Baka mahalata ng mga taong wala akong pakialam sayo at masira pa ang plano ko." sabi nya. Sa sobrang sama ng loob ko ay nasampal ko ang pisngi nya nang di nya inaasahan.

"Ah ganon? So, wala ka palang pakialam sakin."

"..." He was dumbfounded.

"Kanina mo pa akong iniinsulto at binabastos pero hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga sinasabi mo." May mga luha nang pumatak sa aking mga mata. "Wala pala ako sayo. Akala ko pa naman magkaibigan na tayo. Akala ko pa naman, may pinagsamahan na tayo," sabi ko habang umiiyak.

"Ganyan ka ba talaga Care? Ganyan ba talaga kasama ng ugali mo? Ganyan ka ba talaga ka-selfish? Para sa kaalaman mo, nirerespeto ko ang relasyon natin kahit hindi naman ito totoo dahil kaibigan kita. Tinuring kitang kaibigan! Kahit na palagi tayong nag-aaway, kahit na malahalimaw ang ugali mo, naging mahalaga ka sakin." nanginginig na ang braso ko sa kakaiyak at patuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Tiningnan ko si Care. Nakatungo lamang siya sa may kabilang dako at hindi man lamang nagsasalita kaya pinagpatuloy ko lamang ang mga gusto kong sabihin sa kanya. "Pano ba yan, wala ka naman palang pakialam sakin eh. Ano pang ginagawa ko rito?" pagkasabi ko sa kanya noon ay nag-walk out na ako.

(CARE'S POV)

Kahapon pa kami hindi nag-iimikan, at mukhang ang seryoso nya parati. Ayoko namang lumapit sa kanya. Tss. Basta ayoko. Ano naman ang sasabihin ko? Hindi naman ako marunong makibagbati...at saka baka lalo lang syang magalit sa akin kapag kinausap ko sya. Argh nakakainis.

My Girlfriend is an Alien (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon