07: Baby!~

4 0 0
                                    

CLYDE

"Clyde..... Bakit ang gwapo mo?"

"Ganon talaga~.... Maganda ang Mommy at Daddy ko eh!." Nakangiting sagot ko.

"Buti nalang hindi mo kamukha ang kakambal mo!"

"Hoy Clyde! Kaya nga kambal eh!.... Magkamukha tayo! Tanga neto!..... Atsaka tigil tigilan mo nga yang pagkakausap mo sa sarili mo!..... Mukha kang baliw!" Sigaw nang epal kong kakambal.

Tinignan ko naman siya nang masama..... Nandito kasi kami ngayon sa bench malapit sa gate.... Hinihintay namin ang mahal na Duke.

"Alam mo ang epal mo!.... Tumigil tigil ka nga! Eh sa gusto ko eh!...."

"Epal nga ako.... Eh,ano naman.... Hindi naman tanga!" Sabi niya at dumila pa.

Isip bata ang puta!

"Hoy Brent!.... Ilayo layo mo nga sakin yang panget na yan!..... Babasagin ko talaga ang mukha mo,isa pa!" Sabi ko sakanya.

"Putangina kayong Gago kayo ah!..... Kung magsisigawan kayo siguraduhin niyong wala ako sa gitna niyo!!!!" Masamang tumingin samin si Brent.

Eh,kasalanan naman niya eh! Bakit kasi diyan siya pumesto!? Isa rin tong kulang kulang eh!.

"Oy! Si Heaven oh!" Biglang sabi ni Cloud. Kaya napatingin kami..... At nakita kong nakangiti siyang naglalakad papasok.

PSH! Talagang maganda siya simula elem...... Kaso na turn off ako nung minsang hindi bumili nang pagkain eh.... Parang walang wala siyang pera.... Saka nung minsang magsandals.... Ayoko kasing nakikita ang paa nang babae eh!

"Uyyyy~.... Wag mong titigan Clyde! Baka matunaw~." Pang bubwisit ni Cloud.

Sinaman ko siya nang tingin.... Si Brent naman nagpipigil nang tawa.

"Hahaha.... Oo nga Clyde..... Lagot ka kay Duke.... Isusumbong kita." Sabi ni Brent.

Tatayo na sana ako nang may marinig akong sumigaw na nagpatigil saaming lahat.

"BABY!!!!!!~" malakas na sigaw ni......

DUKE?!!?!??? Nagkatinginan tuloy kaming tatlo...... Napatingin naman kami sa tinatawag niya.... At nakita naming si Heaven pala..... Na napahinto pa talaga..... Tapos dahan dahan siyang lumingon kay Duke na nakangiti naman..... Akmang tatakbo si Duke papunta sa kanya nang bigla siyang umatras at nagmamadaling tumakbo papasok nang pinaka campus namin.

Halos matawa kami nang makita naming biglang lumungkot ang mukha niya...... Hahahahaha basted!.... Kaya nagpipigil ang tawang nilapitan namin siya.

"Bro, ok lang yan...." Sabi ni Brent.

"Oo nga~.... May next time pa naman!" Sabi ni Cloud.

"Yup! Better luck next time!" Sabi ko.

Bigla namang naging blangko ang mukha niya.

"Yesterday..... We're ok." Sabi niya. Atsaka nagsimulang maglakad.

What?! Ibig sabihin.... Nagkatinginan nanaman kaming tatlo. Atsaka namin siya hinabol.

"Ibig sabihin.... Siya ang kasama mo kahapon?!" Tanong ni Brent.

Bigla namang huminto si Duke at tumingin sa langit.... At...... Ngumiti.

"Hmmm.... " sabi niya atsaka tumingin samin at naunang maglakad.

"Malakas ang tama nito...." Sabi ko.

"Ang pangit niya pa lang kiligin.... Mukha siyang naka high!" Sabi ni Cloud.

Im Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon