09: Lagot na! lintek!

4 0 0
                                    

BRENT

Ano bang nangyayari kay Duke ngayon?.... Natapos na ang isang linggo,at ngayon ay Thursday na.... Panglimang araw na rin naming hindi nakikita si Heaven..... At alam naman naming iniiwasan na niya kami.... We know that Duke followed her that day.... Pero nang bumalik si Duke, mainit na ang ulo niya..... Muntik na nga niyang masuntok si Kim.... Buti nalang napigilan namin agad...... Masyadong malaki ang naging epekto ni Heaven kay Duke. Gaya ngayon....

"Duke may reg----"

"Fuck you!" Biglang sigaw niya sa babae..... Hindi pa nga niya pinatapos no!? He's not in the mood since that day happened..... Sa dumaang apat na araw, nawala ang Duke na palaging nakangiti kay Heaven.... Were very thankful that Heaven came to his life.... Pero ngayon... PSH! Back to basic.

"Pasensya na~" sabi ni Cloud.

"Oo nga!.... Wala siya sa mood! Sino ba naman kasing gaganahan diyan sa itsura mo!?.... Mukha kang papel na kinulayan nang kinder!..... Panget nito!.... Pero akin nalang yang Chocolate!..... Sisikmuraan kita pag hindi mo binigay yan! Ano!?" Natakot naman ang babae kaya binigay na niya ang chocolate kay Clyde.

Si Cloud naman lumayo nalang sakanya..... Psh! Hindi ko alam kung patay gutom ba tong kakambal niya o sadyang patay gutom lang. Nakakahiya siya! Totoo man!

"Duke..... Gusto mo bang p-puntahan natin si Heaven sa room n-nila?" Biglang tanong ni Cloud. Bigla namang huminto si Duke.

"N-no, I-i don't want." Sabi niya pero halata mo namang hindi yun ang gusto niyang sabihin.

One thing that I notice to Duke.... He's very easy to read when it comes to Heaven..... Pero sa ibang bagay hindi mo siya kayang basahin.

"So..... Pwede na tayong pumasok?" Biglang tanong naman ni Cyde.

Etong Mongoloid na to!.... Hindi talaga niya kayang makiramdam! Yung turnilyo talaga nito maluwag! Sa labas yata nang matres nang mommy nila to pinagbuntis eh!

"Tara na nga!.... Yung turnilyo mo aayusin natin." Sabi ko sakanya binelatan lang naman niya ako atsaka niyakap ang chocolate.

"Pasensya ka na sa kambal ko ah...... Hindi pa kasi siya hinog eh!" Sabi ni Cloud habang tinatap ang likod ko.

Hayyy.... Napansin ko namang nauna na nang naglakad si Duke..... At parang may black aura na nakabalot sakanya..... Sana naman maging ayos na sila ni Heaven..... Pati kami at ibang tao nadadamay sa pagiging highblood nang Du-Ke eh.


HEAVEN

Panglimang araw ko nang iniiwasan si Duke..... At panglimang araw naring may nangyayari saking masama. May benda nga ang paa ko at hindi ako makalad nang maayos.... Pero kayang kaya pa naman.... Nung minsan kasi may nanulak sakin sa hagdan at namali ako nang bagsak.... Kaya eto! May benda! Ang saya saya!. At alam ko namang sila Kim ang may gawa dahil nakita ko siyang nakangiting nakatingin sakin nun.

Tungkol naman kila nanay at Gia.... Sinabi kong namali lang ako nang bagsak sa hagdan,sabi ko nadulas ako. Naniwala naman sila nanay,pero si Gia ayaw maniwala.... Alam naman daw niyang si Kim, ang may gawa eh, tapos lolokohin ko pa daw siya?.... Eh,alam naman na pala niya.... Nagtatanong pa,tanga rin eh!.

"Waaaaaa!!!!! Konti nalang!" Sabi ko habang dahan dahang umaakyat sa hagdan.... Malapit na sana ako nang biglang may mahulog na kulay green sakin na madulas.... Ang baho pa!

"Bagay na bagay talaga sayo ang may ganyan..... Akalain mong may ikapapangit ka pa pala!?" Sabi niya sabay tawa. Tinignan ko naman siya.

IBIGAY NIYO NA ANG LAHAT!!!!! KULANG PA BA!? IBUHOS NIYO NA!!!! Gusto kong isigaw yan kaso.... Baka gawin nga eh~ mahirap na!.

"Don't you dare think that Duke will help you... Manigas ka! Hindi niya to malalaman.... And don't you dare tell this to him!..... Dahil kung sasabihin mo.... Bahala ka~, baka mapaalis ang kapatid mo sa school.... Dahil KAMI lang naman nang pamilya KO ang MAY ARI nang school na pinag aaralan nang kapatid mo..... At ayoko naring lalapit lapitan mo siya dahil baka pati karinderya niyo ipasara ko." Nagmamagaling na sabi niya. Tinitigan ko naman siya.... Kaya dahan dahan siyang lumakad papunta sakin.

"What? Bakit nakatingin ka lang?.... Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya    kaya umiling nalang ako.

"Ano pa bang ineexpect ko!?.... Psh! Wala kang kwenta!.... Girls,umalis na nga tayo dito." Tinawanan muna nila ako bago sila umalis. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makalayo na sila.


Ano ba talagang ginawa ko at naging ganito ang highschool life..... Pati nanay at kapatid ko nadamay na nila!? Kulang pa ba ang ginawa nila saakin noon?.... Ngayon nga pati ang ibang tao may ginagawa narin sakin eh! Kung hindi ka bubungguin titisudin ka naman! Wala pa naman akong kasama ngayon... Sabi kasi nang driver ni Gia kanina.... Hindi daw siya makakapasok dahil may gagawin daw sila nang family niya.

"Ang lagkit ko na!" Sabi ko at dahan dahang naglakad naman pababa nang hagdan. Habang pababa ako nang hagdan nakita ko namang padaan sila Duke sa building na to! Kaya dali dali akong bumaba..... At tumakbo papunta sa likod nang hagdan.

"Aray~" mahinang daing ko. Bwiset naman! Pag ito namaga.... Humanda yang hagdan na yan!

Narinig ko namang may pinag uusapan sila.

"Duke sa taas lang ang room ni Heaven." Sabi ni Cloud.

Hinintay ko naman ang sasabihin ni Duke.... Hindi ako umaasa na pupuntahan niya ako,gusto ko lang marinig kong pupuntahan niya ako dahil paniguradong lagot nanaman ako kay Kim pagnagkataon.

"Yeah.... I know.... " sabi niya lang.
Hayyy.... Salamat naman. Nang sumilip ako sa daan. Malayo na sila kaya dahan dahan akong lumabas sa likod nang hagdan at dahan dahang naglakad papunta sa Cr. Hayyy.... Naaawa na ako sa sarili ko ah!

Pag ako yumaman! Hu u kayo sakin!😒😋😎..... Nakakasira lang kayo nang buhay! Bat hindi pa kayo mamatay!!!!!

Malapit na ako sa Cr.... After 10 thousad hours, malapit na talaga ako nang bigla akong matisod..... Syempre pipikit ako! Ayoko ngang makitang tatama ang mukha ko sa sahig!..... Masyado nang masakit ang paa ko kaya hindi ko na magawang iharang ang mga kamay ko para maiwasan sana ang malakas na pagbagsak ko.

"What the hell happened to you!?"

Bigla akong nagmulat nang mata at dun ko lang nalaman na hawak hawak na pala niya ako sa bewang... Hindi man lang siya nandiri sakin..... Hindi ko magawang tumingin sakanya..... At isa lang ang nasa isip ko.

Lagot na! lintek! 🙏😫





Im Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon