10: Hindi mo lang alam...

5 1 0
                                    

HEAVEN

"Ibaba mo ako!.... Ayokong sumama sayo!" Sigaw ko dito kay Duke na hanggang ngayon ay buhat buhat parin ako.

Papunta kaming parking lot. Hindi niya talaga ako kinikibo.... So? I don't care! Psh! Siya pa ang may ganang magalit!?..... Musta naman ako!?

"Bakit kasama nanaman niya yan?"

"Yuck! Look at her!..... She's so dirty! Ewww"

"Malandi na talaga!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong sinasabi nang mga taong nadadaanan namin. Kaya yumuko ako at hinawakan ko sa damit si Duke.

"Ibaba mo na ako." Madiing sabi ko.

Akala ko ibababa na niya ako,kaso huminto siya at hinarap ang mga babaeng pinagbubulungan ako kanina..... Wag! Ano ba!?

"You three...." Mahinahong sabi niya sa tatlong babae.

"Yes!/Why?/What do you need?" Malalanding sagot naman nila.

"WILL BE EXPELLED!!!!" Sigaw niya. Bumagsak nalang ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

Alam ko namang gusto niya lang tumulong.... Pero kasi.....dahil sa ginagawa niya mas lalong lumalala ang galit nila sakin,lalong lalo na si Kim.

Agad din namang tumalikod si Duke at naglakad papuntang parking lot..... Hindi ko na kailangang magsalita dahil alam ko namang hindi niya ako pakikinggan...... Nang makarating na kami sa parking lot, dahan dahan naman niya akong ibinaba atsaka niya binuksan ang pinto nang black na kotse..... Wow! Ang astig nang kotse niya! Kaso hindi ko alam ang pangalan.😆

"Get in." Matigas na utos niya. Hindi ko naman siya nilingon,nakatingin lang ako sa kotse niya.

"Can you please just foll----"

"Sa tingin mo uupo ako sa loob nang  ganyang kagandang kotse kung ganito ang itsura ko.... Tanga ka ba!? Sa dumi kong t----"

"I don't care! Just fucking get in the car!!!!" Sigaw niya kaya parang takot na aso akong pumasok nang kotse niya.

Pagpasok ko sa kotse niya tinignan ko kung anong ginagawa niya..... Nilabas niya ang cellphone niya at may dinial sa cellphone.

"Bwiset ka! Kotse mo na nga ang inaalala.... Pinutol ko nga ang sasabihin mo,ganon rin pala ang gagawin mo sakin! Bastos ka! Gumagaya ka nang style! Wala kang originality!" Sigaw na bulong ko at pinakinggan ang sinasabi niya.

"Yeah..... Ok..... She's with me.... Hmmm..... I know..... Just go and excuse her to all of her teacher..... Hmmm.... I don't know....." Hindi ko na tinapos ang mga iba pa niyang sasabihin..... Dahan dahan akong lumabas sa kotse at sabay bilis nang talikod...... Sana hindi muna niya mahalata na umali----

"Where do you think your going?"

Napahinto naman ako at dahan dahang humarap sakanya at nakita kong walang emosyon ang mukha niya..... Ano ba!? Ayaw ko nga eh!

"A-aalis na ako!.... Maliligo lang ako tapos...... Papasok na!.... May cr naman dito hindi ko na kailangang sumama sayo!" Sabi ko sakanya. Kailangan matapang!💪💪💪

"What's happening to you?" Biglang tanong niya.

"Anong nangyayari sakin?!" Galit na tanong ko.... Ayokong magalit kaso hindi ko na talaga mapigilan..... Tumango naman siya.

"Ikaw pa ang may ganang magtanong niya!.... Diba sinabi ko naman na sayong kaya ayokong makipag kaibigan sayo ay dahil kay Kim?..... Dahil yung babaeng yun! May gusto sayo!..... Sinabi ko rin naman wag mo kong tatawaging baby.... Pero ano!? Sinunod mo ba? Hinde!..... Bagkus,pinagsigawan mo pa!.... Nung araw na sabay tayong kumain..... Hindi mo alam na habang kumakain ako..... Hiniling ko na sana! Sana! Matapos na ang lunch na yun!..... Pero hindi sakin umayon ang oras...... Hindi natapos..... Lalo pang humaba!.... Kaya ako nagpaalam non ay dahil nakita ko na si Kim sa may kalayuan at nakatingin sakin.... Sinanyasan niya akong umalis.... Pero anong ginawa mo!?.... Hinawakan mo pa talaga ako sa kamay! Pilit ko yung inaalis, para makaiwas na ako sa kahihiyan na gagawin niya pero puta! Nakalimutan ko nga palang linta ka!...... Halos lumubog ako sa kahihiyan nung mga panahong yun.... Pero ayaw mo parin akong bitawan!..... Pati nanay ko nadamay na...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi na ako makapagsalita dahil tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha ko.

Im Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon