01: Heaven Love Cortez

10 0 0
                                    

I am now busy doing my thesis..... And its not fucking easy... Kailangan ko na ba namang ipass to bukas! Tss! Tapos yung report ko pa about bullying,teenage pregnancy, Rape, pornogra------

Boooogssshhhhh!

"Ate! Turuan mo nga ako dito sa math..... Pasukan na bukas, gusto ko pag pasok ko alam ko na to.... Pleaasee."

Ay! Tangina!

"I'm busy!" Sabi ko. Bigla naman niyang sinilip ang ginagawa ko sa computer.

"Talaga ate?...... Sa DOTA?! Busy ka diyan!?" Tanong niya.

Hehehe.... Nagdodota nga po ako. (--.)


"Oo,busy ako..... Dun ka nga muna!" Sabi ko sabay siko sakanya para mapalayo siya.

"Mas importante pa sayo yang dota mo kesa saking kapatid mo!?" Naghihisterical niyang sigaw.

Tumigil muna ako sandali saka ko siya tinitigan nang matagal.


"Oo..... Pag napataas ko ang level nito,pwede kong ibenta..... Eh,ikaw, hindi naman kita pwedeng ibenta." Sabi ko sabay balik sa games.


"Dahil mahal mo ako?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung kulang siya sa bwan..... Kalalaki niyang tao,ganyan mga sinasabi niya.

"Hindi..... Dahil hindi ka pa tule,wala namang bibili sayo." Sabi ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang patayin ang computer ko sabay takbo pababa...... Tinitigan ko ang computer ko at.......

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!" Sigaw ko.

Dali dali namang tumakbo si nanay papasok nang bahay.

"Ano? Bakit? May rapist ba!? Ha!? Sabihin mo!?" Sabi niya.

Tinignan ko naman siya.

"Nay..... Pag sumigaw,rapist agad? (-_-)" tanong ko habang naka poker.

"Ewan ko!?.... Eh bakit ka nga sumisigaw?" Tanong niya.

"Pinatay ni Henz yung computer ko." Sabi ko.

Natigilan naman siya sabay.......

*paaakkkkk*

Sinapok ako..... Sarap!


"Nay! Naman!...... Pag yung utak ko naalog!.... Makikita niyo!" Sabi ko sakanya sabay tayo.

Nagpameywang naman siya.

"Oh ano!?..... Anong makikita ko!?" Singhal niya sakin.

(O.O)

(^.^)

(^_____^)

"S-syempre nay! Pag pina x-ray mo ko.... Makikita mong nadislocate ang utak ko diba!? Kayo naman.... Agad agad nag mumuryot kayo eh!.... Ganda mo nay! Hehehe!."

Kala niyo naman bagay niyo.

"Nambola ka naman!..... Hala,sige! Bumaba ka doon at patahanin mo ang kapatid mo at akoy babalik na sa karinderya...... Kayo talagang dalawa! Para kayong hindi magkapatid!" Sabi niya kaya sabay na kaming bumaba.

Hinanap ko naman agad ang maarte kong kapatid..... At nakita ko siyang nakadapa sa mahabang upuan sa sala..... Nagtataas baba pa ang balikat niya tapos nagpupunas nang mata..... Pero nakatalikod siya sakin.... Nahalata ko lang.

"H-hindi niya pala *huk* a-ako love!....  Love n-niya lang ako pag t-tuli *huk* na a-ako."

(O.O)

"Bwahahahahahaha!!!!!!" Tawa ko.

Bigla naman siyang bumangon at tumingin sakin nang masama.

"Hehehehe..... Henz,ano yung tinatanong mo kanina?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya..... Bigla naman siyang lumayo at umupo sa dulo.

"Wala! Dun ka na nga!" Sabi niya.

Lumapit naman ako sakanya..... Sabay hatak ko sakanya para mayakap ko siya.

"Sorry na..... Hmmm.... Tahan ka na." Sabi ko.

Yumakap naman na siya sakin kaya napangiti ako

"B-bakit k-kasi mas importante p-pa yung laro mo kesa sakin eh!" Sabi niya.

Hinaplos ko naman ang buhok niya.

"Hindi naman sa ganon..... Ang sakin lang, pag nabenta ko nayon.... Idadagdag ko yun para sa pambili nang bago mong mga gamit."

Bigla naman niya akong hinalikan sa lips saka siya yumakap sa leeg ko.... Natawa nalang ako,ganyan kasi siya pag nagso-sorry na siya sakin.

"I love you ate."

"Hmmm.... I hate you." Sabi ko.

Bigla naman niya akong tinignan

*Chup!

"I love you too, bunso." Sabi ko.


Saka ko siya tinuruan nang sinasabi niyang math..... Grade two na kasi siya sa pag pasok...... Pagkatapos niyang masagutan lahat, inantok na kaya pinatulog ko na...... Pinuntahan ko naman si nanay sa karinderya namin sa tabing bahay.

"Nay! Kailangan nang tulong!.... Oh kaya mo na? Alis na ko!"Sabi ko.

"Hoy! Heaven!.... Dumito ka at tulungan mo akong maghugas nang plato."

"Tss..... Akala ko lusot." Bulong ko naman.

Sumunod na nga ako kay nanay papunta sa kusina.... Pero bago ako maghugas.... Binigay ko na sakanya yung sobre ko.

"Oh,ano to?" Pagbukas niya. Nanlaki naman ang mata niya.

"Kinita ko po yan dun sa computer shop,saka po dun sa pag tututor ko dun sa anak ni mang Edwin..... Saka dinagdag ko nadin po yung kita ko nung minsang magpalinis nang bahay sila Yanyan." Sabi ko.

Naluluha naman siyang tumingin sakin.

"Bakit ka naman nagtrabaho pa?.... Sabi ko naman sayo kaya ko na eh!.... Kuhanin mo nalang ang Kalahati nang may pera ka." Sabi niya sabay abot sakin nang pera.

"Nay, hindi na po..... Saka natapos na eh! Wag nga po kayong umiyak! Ang panget eh!" Bigla naman niya akong sinapok..... Tapos niyakap.

Aray! Nagbigay na nga nang pera sinapok pa!.

"Napakaswerte ko talaga sayo anak.... Wag kang mag alala ngayong may pera na tayo..... Bibilhan kita nang bagong bag at sapatos." Sabi niya,umiling naman ako sakanya.

"Nay,wag na!..... Para sainyo yan.... Ok na ako sa bag at sapatos ko..... Atsaka bago naman yung notebook ko eh..... Dagdagan niyo nalang ang baon ko." Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko.

"Ikaw talaga..... Lokaloka ka talaga kahit kailan..... Pero salamat anak ahhhh." Sabi niya,nginitian ko naman siya,saka ko siya pinagtabuyang lumabas hahahahaha.

Hinarap ko na ang mga platong gegerahin ko...... Hayyyy..... Pasukan na namang bukas, paniguradong panibagong pagtatago nanaman nang pasa ang gagawin ko..... Hindi alam ni nanay na binubully ako dahil nga sa hindi kami mayaman.... Puro mayayaman kasi ang nag aaral sa FU ..... Halos kada araw may pasa ako..... Pero natatago naman hehehe. Ayaw ko kasing madagdagan pa ang aalalahanin ni nanay,kaya dito sa bahay napaka masayahin ko para hindi nila mapansin na may tinatago ako.


"Woooooo..... Kaya mo yan Heaven Love!.... PSH! Ang OA talaga nang pangalan ko..... Magkano nga ulit magpabago nang pangalan?.... Mabawasan nalang tong kita nang karinderya."

At sinimulan ko na ngang gerahin ang mga Plato..... Mga lumalaban pa ang mga lintek!









Im Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon