The ♥Game!

20.7K 338 15
                                    

MELISSA'S POV--

Kasalukuyang kong inaayos ang mga dadalhin kong gamit. Hindi naman ako excited, right? haha :)).

"Ano ba yang mga bitbit mo? para ka namang maglalayas nyan" puna ni Terenze.

"che! ang yabang ne'to, maglalayas ka dyan eh isang bag lang naman 'tong dala ko, O.A mo makareact huh."

Kasama ko din pala sila dito sa bahay, dito kasi ang usapan sa pagsundo sakin. Ayaw pa nga nila sumama pero pinilit ko sila, para naman may kasama akong kilala incase hindi ko kilala yung mga makakasama ko diba.

"Kailangan ba talaga naming sumama doon? eh ikaw lang naman ang kaibigan nila eh" reklamo na naman ni Terenze

"Wag na kasing magreklamo, basta kasama kayo" 

*BEEEP BEEEP BEEEEP*

Narinig ko na yung busina sa tapat ng bahay, keya nag-ready na akong bitbitin ang dala kong bag. Kaso nung kukunin ko na yung bag ko inagaw naman ito ni Terenze.

"Ako na!"

"tss, tutulong nalang mag susungit pa"

Pagbukas palang ng pinto ng mini coaster ay si Ashley agad ang sumalubong sa amin.

"Melissa!! tabi tayo ah daliii"

Hinila naman niya ako sa tabi ng upuan niya. Malaki ang loob ng coaster kaya sobrang kasya lang kaming lahat. Napatingin naman ako sa likuran, doon naka-upo ang grupo nila Mark. Tss, sila na talaga, sila na ang mga gwapo..haii.

"Hi Melissa ! " bati naman sakin ni Dex.

Ngumiti lang ako sa kanya, pati na rin sa tatlo, pano hindi naman nakatingin si Mark eh. 

Umupo na ako sa tabi ni Ash, yung tatlo ko namang kasama doon din sa bandang dulo pumwesto ng upo.

Tahimik langa sa coaster tanging yung music lang ng sasakyan ang naririnig ko, yung iba natutulog na nga eh. Hindi ko naman ugali ang matulog sa byahe, mas na-eenjoy ko kasi ang view kesa matulog, Malayo layo din pala ang pupuntahan namin. Kaya mag-gagabi ng huminto ang sasakyan. Yung iba nag-inat inat pa bago tumayo, mga kagigising lang kasi.

"Ok guys we're here!!" Ash-

"*yawn* Yes nakarating din sa wakas... Tsk, i miss this place" sabi naman ni Dex. 

Yung mga bagahe naman nila Hera at Maura, ayun dala ng boys nila. Samanta yung iba tulad ko sarilinga bitbit 'to. 

Kukunin ko na sana yung bag ko ng may dalawang magkaibang kamay akong nakita, kaya tiningala ko naman kung sino.

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon