MeRk-vs-MeRenze :)

20.8K 339 20
                                    

 AN: Hi po sa lahat :)) Maraming salamat po talaga sa mga nagt-tyagang basahin ito, salamat sa mga nag-vote =).

Sana po wag kayong magsawang sumuporta...Umm comment din po kayo, umm gusto ko po kasing malaman ang POV niyo, kung keribels lang ba ang mga pinag-gagawa ko..

-------------

MELISSA'S POV--

Inabot na ako ng madaling araw pero hindi parin ako nakakatulog. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko plus pa yung nangyari kagabi! Nagugulo ang mundo ko sa mga pangyayari. Bumangon na lang ako dahil alam ko hindi na talaga ako makakatulog. Sumilip ako sa labas at naisipan kong bumaba, at maglakad sa may dalam-pasigan. Aantayin ko na din yung pagsikat ng araw.

"Haaiiiiee lameeeg, nakalimutan ko pang magdala ng jacket!!" nakaupo lang ako sa may buhanginan habang nakatingin sa dagat. Ang sarap sa pakiramdam na pinapanuod mo ang galaw ng dagat na kalmado.

Nakaramdam na lang ako na may nagpatong sa likod ko na jacket. Pagtingala ko naman nakita ko si Mark. Yung puso ko na naman inatake na naman. Umupo sya sa tabi ko.

"Malamig gamitin mo yan"

"s-salamat"

Hindi ko alam ano ang gagawin ko, hindi ko alam ano sasabihin ko.

"Yung nangyari kagabi.." nagsimula syang magsalita.

"Ah ayun ba? um wala yun, alam ko naman na part na game yun, bawal nga KJ diba? .kalimutan na lang natin yung nangyari"

Hindi ko alam saan ko nahugot yung lakas ng loob para makapagsalita. Sa totoo ang lakas ng kabog ng puso ko kapag kasama ko sya,.

"Kalimutan~" mahina pero narinig ko paring sinabi nya.

Tumingin naman ako sa may dagat. Nagsisimula  ng lumitaw si haring araw, Ang ganda talaga pagmasdan.  Parang ang sarap sa pakiramdam.

"Ang ganda talaga, sobrang ganda" namangha ako sa paglabas ng araw.

MARK'S POV--

Pinilit ko talagang makatulog pero f*ck wala talaga! Nagpagulong-gulong na ako pero wala parin hindi pa rin ako nakatulog.

"F*ck! Ano na naman bang meron sa halik na yun at nagkakaganito ako??'

Hindi yun ang unang beses na nahalikan ko sya, pero bakit parang ang pakiramdam ay tulad lang ng unang beses ko syang nahalikan?.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Sinilip ko kung sino, nakita ko si Melissa.

'saan naman kaya sya pupunta? ang aga pa'

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon