A/N: gumamit po ako ng italian words para maiba naman yung tawag/tunog ng mga pangalan, nilagyan ko naman ng [ ] para madaling ma-identify kung italian word ba sya, tapos nanjan narin yung translation...hehe, pangit ba? Hayaan mo na!
Sana kahit na experiment story lang po ito ay magustuhan niyo po....
Enjoy reading!
Famiglia = family Reale = Royal Nobile = Noble
__________________________________________________________
"La mia Famiglia (My family), makinig kayong lahat. Ako, si Duke Ricazo D. Azerto ay pipili ng aking magiging tagapag mana sa trono!"
Mahinang bulong-bulungan ang naganap sa pagitan ng bawat naroon. Alam kasi nila na sa lahat ng naging anak ng Duke ay dalawa lamang ang nananatiling buhay o hindi itinakwil sa pamilya, si Racardo D. Azerto at si Friz D. Arzeto. Ngunit hindi nagmana ng ano mang kapangyarihan si Friz Kaya't si Ricardo lang ang siguradong mag mamana sa trono.
Maya maya pa'y may isang lalaking nag lakad papunta sa harapan ng hari.
"Mahal kong ama, alam naman ng mga taong naririto na ako ang iyong tagapag mana sa trono, kaya't bakit kailangan mo pang ipa-anunsyo sa buong Arzeto Famiglia?"
"Mukang may hindi ka yata na-iintindihan Ricardo, ayon sa batas ng [Palazzo Reyal], lahat ng kapatid, anak, apo o pamangkin ng Duke na namana ang kapangyarihan ng dugong [Reale] ay maaring mag mana sa trono. At kung papalarin na may higit pa sa isa ang nag mamana ng pambihirang kapangyarihan na ito ay mag sasagawa ng [La Battaglia Di Famiglia]."
A/N:
Sangue Reale = Royal Blood, tawag sa anak ng duke na nakapag mana ng kaspangyarihan.
Palazzo Reyal = Isang mudo kung saan ang mga Sangue Reale ang namumuno.
La Battaglia Di Famiglia = Laban sa pagitan ng mga Sangue Reale upang maging susunod na pinuno.l
"Ngutin ang La Battaglia Di Famiglia ay laban lamang sa pagitan ng dalawa o higit pang [Sangue Reale] na may kapang yarihan? Ako na lamang ang nag iisang tagapag mana...." Hindi pa man siya tapos sa kanyang sasabihin ay muling nag wika ang Duke.
"Meron pa bukod sayo ang nag tataglay ng kapangyarihan." Hindi panaman nababanggit ng Duke kung sino ang kanyang tinutukoy ay marami na agad ang nag hinala, dahil bukod sa dalawang mag kapatid ay iisa nalamang ang maaring tinutukoy nito.
"Hindi, Hindi maaring ang inyong tinutukoy ay si Frederick? Hindi ba't matagal na siyang itinakwil sa ating pamilya? Hindi siya maaring maging tagapagmana!" Madiin nyang pag tutol sa ama.
"oo, maaring siya hindi, ngunit napag alaman kong isa sa kanyang mga anak ang nag tataglay ng kapangyarihan mula sa ating pamilya, kaya't nararapat lang na magkaroon ng La Battaglia Di Famiglia."
Itinaas ng Duke ang kanyang kamay at may liwanag na lumabas mula roon, ito ay humugis ng isang simbolo. [Simbolo Ufficiale] Isa itong simbolo na sumasagisag sa buong Famiglia, at lahat ng utos sa ibabaw ng simbolong ito ay opsyal at hindi maaring suwayin.
"Ako, si Duke Rikazo D. Azerto, ay malugod na inaanunsyo ang opisyal na pag-sisimula ng La Battaglia Di Famiglia 100 araw mula ngayon."
Walang nagawa ang lahat ng naroon kundi ang sumunod sa utos ng Duke. Dahil ang Famiglia ay iisa, ano man ang sabihin ng namumuno ay siyang susundin nila.
"Kami ang iyong Famiglia ay susunod sa anu mang ipag uutos niyo Duke Rikazo D. Azerto." Sabay sabay na bigkas ng lahat ng taong nasa pag pupulong na iyon habang nakayuko ang ulo.
BINABASA MO ANG
La Famiglia
FantasySa hindi inaasahang pag kakataon, nadiskubre ng magkapatid na Earl at Samantha na sila ay apo ng isang Duke at ang pamilya nila ay isa sa apat na Nobile Famiglia (Nobel Family) sa ibang mundo. Natagpuan nalamang nila ang kanilang mga sarili sa gitn...