20

132 18 2
                                    

YERIN




Agad akong tumingin doon sa taong humawak sa balikat ko. Si Jimin?!



"YERIN/JIMIN?!" sabay naming sigaw. At aba, kasama nya pa ang buong Bangtangina!



"Anong meron?" Tinignan ko ang dalang plastic ni Jin oppa.



"Mapagkakatiwalaan ka ba namin?" Tanong sakin ni Suga kaya tinignan ko siya ng masama.



"Insulto ba yan?" Naaasar kong tanong. "Gusto mong ipakita ko kay Umji ang scandal mo para bastedin ka nya?"



"Joke lang diba? So dahil ikaw na din ang napili ng jamless pandak na to, may uutos kami sayo. Total close naman kayo ni Beagle." Sabi ni Suga.



"Ano namang gagawin ko?"



"Ibigay mo sakanya to." Inabot sakin ni Jin oppa yung plastic. "Peace offering yan ni kabayo sakanya, pero wag mong sabihin na galing samin. Alam mo naman yung nangyari sakanila diba? Sabihin mo nalang, nakita mo sa harapan ng gate nyo tas may pangalan ni Sinb. Ayan sinulat na namin."



Agad kong inilahad ang kamay ko sa harapan nila. Nagtataka nila akong tinignan.



"Bayad nyo?" Tanong ko sakanila kaya lumaki ang mata nila. "Hoy, hindi libre to no! Magsisinungaling pa ako! Paano pag di ako napunta sa langit nyan?"



"Wag na!!!! Kakausapin ko nalang si San Pedro mamaya. Mags'skype kame." Sabat ni V.




Nagroll eyes ako sakanila at naglakad na palayo.



"Hoy Sinbeagle! May nagbibigay sayo nito!" Sigaw ko pagkapasok sa dorm. Nilapitan nya ako at tinignan ang dala ko. "Nakita ko sa harap ng gate. Para sayo siguro yan. May pangalan mo eh."



Nagtataka man, kinuha nya yong plastic at nilapag sa sofa. Sinindihan nya yung TV at kinalkal ang laman. Habang ako? Ayon nakatayo pa din sa pintuan. Kinuha nya yung brownies at agad na nilantakan.



"Hindi ka man lang magaayang kumain?" Tanong ko sakanya.




"Oh, kain unnie. Ayaw mo, de wag."



BASTOS. Pero syempre, tatanggi pa ba ako? Nagaya si Sinb, at once in a rainbow moon lang to mangyari. Lubus lubusin na.

❛ kabayo ↯ sinhope.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon