19

125 16 0
                                    

JHOPE



"Ito nalang bilhin natin."


"Wag yan! Tingin mo gusto ni Sinb yan? Ito nalang!"



"Pagkain ba?! O flowers?"



"Ngina kahit ano!"



"Ano ba hilig non?"



"Duct tape nalang kaya? Pantakip sa bibig."



"Hyung di ka nakakatulong! Dapat iniwan ka nalang namin sa labas e."



So ayan. Kasalukuyan silang nagtatalo dahil hindi nila alam ang dapat bilhin. Well, wala naman talagang may alam. nandito kami ngayon sa supermarket para bumili ng pagkain, tapos si Jin hyung naman, nandoon sa meat section.



"Ano bang bibilhin natin?!" Naiinis kong sabi. Punong puno na ang cart namin, pero hindi namin alam kung tama ba itong kinukuha namin.



"Ano bang gusto ni Sinb?" Tanong ni Suga hyung.



"Pagkain."



"Edi pagkain bibilhin natin. Simpleng problema, pinapalala nyo nanaman." Sagot nya at binalik sa mga shelf ang lahat ng nasa cart.



"Hyung!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw. Pinagtinginan tuloy kami. "Bakit mo binalik?!" Tanong ni Jimin.



"Ay bakit? Nakakain ba ang mga yon? Nakakain ba ang bulaklak? Ang libro? Ang lapis? Ang plastic?" Sarkastikong sabi nya at pinaikot ang mata. "Pagkain nga daw diba. Hindi gamit."



Pumunta kami sa hanay ng mga pagkain. Ayun, kahit anong magustuhan nila kukunin nila. Dalawang cart na nga ang ginagamit namin dahil masyado ng marami.



Pagkadating sa cashier, akala ko mauubusan pa ng plastic pero buti nalang hindi



"Bumili kayo ng gift wrapper?" Tanong ko.



"Kingina kabayo. Igigift wrap mo pa yan? Sisirain din naman yon kaya wag na!" Sagot ulit ni Suga hyung.



Sumakay na kami sa sasakyan. Pinarada namin yung van malapit sa dorm nila Sinb. Madaming dumadaan na tao kaya easy lang na manguha.



"Hyung! Ayun nalang!" Turo ni Jimin.



Agad naming binitbit ang isang plastic at lumapit doon sa babae. Nakatalikod sya samin. At dahil si Jimin ang pakboy , siya ang gagawa ng move.




"Miss," sabi nya at hinawakan ang balikat nung babae. "Pwede ka ba naming— YERIN?!!??"



Nagulat kaming lahat ng makita namin ang babae. Of all people, bakit si Yerin?!





#WritersBlockNanamanSiAkez

❛ kabayo ↯ sinhope.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon