31

119 16 3
                                    

HWANG EUNBI

Potangenang Dahyun to. Dinala ba naman ako sa pinakaliblib ng likod ng school?! Taena walang makakarinig sakin dito! Ano naman kaya ang gagawin nya sakin?! Iaalay nya kaya ako sa mga demonyo nya?!


"Hoy. Saan mo ba ako balak dalhin?" Harsh kong tanong para di nya mahalatang natatakot ako. Kingina.


"Sa lugar na walang sasagip sayo." Cold nyang sabi.


So ganito ang set up ko ngayon. Nakatakip ang dalawa kong mata, at nakatali ang kamay ko. Tinutukan nya nanaman ako ng kutsilyo kanina kaya di na ako pumalag. Ilang beses na din akong nadapa dahil hindi ko makita ang daan. Tapos kada madapa ako, hihilahin nya ako patayo habang hawak ang buhok ko. Tangina pag ako nalagasan ng buhok papagbayarin ko ang animalis na to.


"Bigay mo na cellphone ko." Sabi ko sakanya. Oo, kanina pa nasa kanya ang cellphone ko. Ang problema wala yun password.


"Para saan pa? Para humingi ng tulong sa pinakamamahal nyong Bangtan? Alam nyo, kayo ng GFriend, napakalandi nyo. Sa GOT7 nga, nilalandi nyo, pati ba naman Bangtan? Look at Twice. Wala kaming nilalandi ni isa." Sabi nya.

[A/N: Inuulit ko hindi ako hater ng Twice. Sorry for ONCE and BangTwice out there. I promise, sa last part ng story, papasalamatan nyo pa si Dahyun. Wala akong gagawing kontrabida na member ng Twice. Okeh? Okeh.]

"Luh. Hinihinga ko lang ang cellphone ko, nag-MMK ka na." Pabalang kong sagot.

Maya maya pa, tumigil na kami. Naramdaman kong itinulak nya ako sa puno. Tapos tinali ako doon. Sabi na eh. Iaalay na ako sa mga demonyo nya.


Tapos nilagyan nya ng takip ang bibig ko at tinanggal ang takip ko sa mata.

"Wag kang magalala. Ililipat din naman kita ng pwesto. Doon ka sa dorm ko mamayang uwian. Wag ka munang umuwi sa GFriend mo ha? Saakin ka muna."



K, takot na talaga ako.


"Aalis lang ako saglit. Dyan ka lang."


Pagkatapos binalutan nya ako ng kulay brown na tela pantakip sa buong katawan ko para hindi nila ako makita. Kinginang buhay.




❛ kabayo ↯ sinhope.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon