Simula

57 2 0
                                    

Sa kalagitnaan ng klase biglang nag vibrate ang phone ko, kinuha ko ito at iwinagayway para ipakita sa teacher ko na may tumatawag. Tinanguan naman nya ako at agad akong lumabas

~Derell calling~

Tsk ba't ba tumatawag tong bwiset na to. Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tenga habang naka-kunot ang noo.

"Oh kuya? Bakit nanaman?!" Inis kong tanong sa kanya. Nakita ko namang napalingon si juls saakin ng marinig ang sinabi kong 'kuya' napailing na lang ako.

"Oh c'mmon baby girl, i just miss you" tatawa tawa nyang sabi sa kabilang linya.

"As if naman na namiss kita no, okay na okay ako dito" maarte kong sagot sa kanya.

"Whatever. Anyway, kamusta life habang wala ako? May umaaway ba sayo?" Narinig ko pa ang pag halakhak nya.

"Kung mang-aasar ka lang din naman eh ibababa ko na to, may klase pa ako at nakakaistorbo kana. And fyi, ako ang nang aaway, ako ang nambubully, at ako ang nagpapaiyak did you get it?" Mataray kong tugon at ayun nanaman yung nakakainis na halakhak nya sa kabilang linya.

"Oh really nagkaklase ka? As if naman na nakikinig ka no?" Sarkastikong sabi nya "Okay fine good bye and see you soon"

"Okay----" hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin dahil ibinaba nya na.

Pabalik na ako sa room, hindi ko na namalayan sa sobrang irita na nakarating pala ako kanina sa pinakadulo ng classroom kung asan wala gaanong tao.

Habang naglalakad, may pumasok sa isip ko at may napagtanto shit! What did he say?! See you soon?! Omygad.

Oh well, yari nanaman ako. My fucking disaster is coming.

Nag dere-deretso ako pabalik sa upuan. Nakita kong tapos na mag disscus si sir Suarez at nag le-lecture na sila.

Kinuha ko ang notebook ko at nag lecture na rin, habang nag susulat may kumalabit saakin malapit sa bintana.

Nilingon ko si Juls at binigyan ng nag tatanong na tingin.

Ngumiti naman sya ng pagka-tamis tamis at sabay tanong ng "Anong sabi sayo ng kuya mo?" The fuck sinasabi ko na nga ba eh.

I rolled my eyes. "See you soon daw" walang gana kong sagot

"Kyaaaaah! Really? I'm so excited na"

"Psh. Kelan kaba hindi naging excited sa pag dating ng unggoy na yon?"

"Stop calling him unggoy" inirapan nya ako at binelatan pa.

Napailing at natawa na lang ako.

'Juliana Gibbs Anderson' Juls for short bestfriend ko since grade 3. May crush sa kuya ko pero ayaw nya lang aminin kahit halata na.

Well hindi ko sya masisisi kasi walang pakielam sa mundo ang kuya ko masyadong syang naka focus sa trabaho at walang time para sa lovelife. Paano ba naman kasi yung dati niyang girlfriend ay namatay, ilang taon din siyang nagluksa hanggang sa makilala nya yung girl na nag patibok ulit ng puso nya tapos in the end iniwan din sya, tapos ayun last na gf na nya yun siguro natatakot sya na maulit uli yon. Hmmm

Pag ibig nga naman, masakit na sa puso masakit pa sa ulo.

God! Ano ba tong iniisip ko.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat ko kesa mabaliw pa ako sa kung anong pumapasok sa kukote ko. Teka? Bago to ah, ako nag susulat? Mmm.

"Sir time na"

"Oo nga po sir"

"Lunch break na ho"

Heal My Wounds (On Going || Editing)Where stories live. Discover now