{Abby's POV}
'Mabilis na natapos ang klase' yun ang sabi nila, pero para sakin usad pagong yon.
Nauna na ako kay Juls at dumeretso muna sa coffee shop.
Matapos ang mabilisan'g pag park ng kotse ay agad kong tinulak ang glass door na pull pala ang naka display. Joksing lang, agad kong iginala ang paningin sa mga taong naroroon.
Napabuntong hininga na lang ako nung makitang wala pa sya. Agad na umakyat sa level ten ang init ng ulo ko.
Padabog akong naupo at basta na lang inilagay sa tabi ang bag ko
'This is great, really great' inis kong sabi sa utak koMay biglaang nag takip sa mata ko "Hulaan mo kung sino to" parang batang sabi nya.
"Hulaan mo kung sino to" pang-gagaya ko sa sinabi nya at inis na tinanggal ang kamay nya sa mata ko "Ba't ba ang tagal mo?!" Singhal ko sa kanya
"Hey, hey! Ikaw tong matagal, kanina pa ko nandito ayun yung gamit ko oh" depensa nya
"Eh san kaba kasi galing?!" Kunot noong tanong ko at kulang na lang ay sigawan ko sya
Marahan nyang kinurot ang ilong ko, sa inis ay hinampas ko ang kamay nya "Aray!" nakangiwing angil nya
"Tinatanong kasi ayaw sumagot"
"Ako dapat nagtatanong nyan eh" nakanguso nyang sabi
"I don't know if you are inborn idiot or what, hindi mo ba nakikita tong suot ko?!" Turo ko sa uniform ko
Humagalpak sya ng tawa
"What the hell is wrong with you?!" Nakakunot noo'ng tanong ko at inis na hinampas ang table.
Hindi pa din sya tumitigil sa katatawa.
Tumayo ako at kinuha ang bag. Bahala sya, maiwan sya dyan.
Kahit kelan talaga hindi ko makakausap ng matino ang bwiset na yun. Nagtatanong tapos nung sinagot hahagalpak ng tawa. Crazy idiot. Ilang hakbang na lang ay nasa pinto na ako ng biglang sumigaw ang damuho
"BABE!! SORRY NA PLEASE"
Natigil ako sa paglalakad ng isigaw nya yun, dahan dahan akong lumingon sa direksyon nya pagkatapos ay inilibot ang aking paningin sa mga tao naroon, parang nasa akin ang spotlight dahil nasa akin din ang paningin ng lahat.
'Kalma. Abby, kalma'
Nahagip ng paningin ko ang fake na bonsai, agad kong kinuha yun at ibinato sa kanya
3 points. Bulong ko ng makitang tinamaan sya, habang nag kakamot-kamot at iniinda ang sakit ay kinuha ko ang pagkakataong iyon para lapitan sya at batukan
"DERELL!!"
"ARAY" Sabay naming sigaw
Yes. Sya nga at hindi ko alam kung bakit ako pumayag makipagkita sa damuho kong kuya, kung pwede naman na sa bahay na lang kami magkita dahil dun din ang uwi nya. Hindi ko na din isinama si Juls dahil alam kong mangingisay lang yun sa kilig
"Are you crazy?! Nakakahiya sa mga tao dito oh!" Singhal ko at inilibot ang paningin. Laking gulat ko ng makitang kami na lang ni Derell ang natitirang costumer.
"Meron ka pa pala nun?" Sinamaan ko sya ng tingin "Teka, asan na yung mga tao?" takang tanong nya nung mapagtantong kami na lang ang costumer
Binatukan ko sya "Malamang! Natakot"
"Binato mo kasi ako eh, baka akala babatuhin mo din sila" iiling iling na sagot nya
"Ano ba kasing kailangan mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko
![](https://img.wattpad.com/cover/145779673-288-k210338.jpg)