"Oh eto pa, yan favorite mo yan diba" nakangiting sabi ni Manang habang nilalagyan ako ng ulam sa plato
"Okay na yan" pigil ko nang makitang lalagyan nya pa ng isa pang putahe
"Ang payat payat mo na iha, tignan mo nga yung katawan mo"
"Diet" simpleng sabi ko sabay ngiti.
"Aba eh baka mamaya matanggal ang letrang "T" dyan sa diet mo"
"Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko" sagot ko naman
"Eh kung ganon bakit ngayon ka lang nagising? Ano nanaman bang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka? At hindi mo nanaman pinasukan ang pang umagang klase mo." Sunod sunod na tanong nya kaya napairap ako at hindi na sumagot
maya maya ay nagsalita nanaman sya "bakit nga pala wala ang Kuya mo? Isa pa yon" tanong nya at napailing pa
Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot. Mabilis kong tinapos ang pagkain at dumeretso sa school dahil baka humaba pa ang pag-uusap namin.
"Hey"
"Good morning"
"Hi abby"
Rinig kong bati ng ilan sa mga nakakasalubong ko ngunit hindi ko binigyan ng kahit tingin man lang.
"You're late" salubong ng teacher ko matapos kong pumasok sa loob ng classroom
"As always" sabi ko habang inaayos ang bag ko
"Oh what ever, i need to talk to you later"
Kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin "For what?"
Bumuntong hininga sya na para bang nauubusan na ng pasensya "Just shut up your mouth and stop asking. Follow me on the faculty after this class"
"Okay" walang ganang sagot ko at padabog na naupo.
Nagsimula ang klase ngunit walang pumapasok sa utak ko. Tinignan ko ang orasan at napahikab sa sobrang antok at kawalan ng interes. Nakatingin ako sa labas ng binta habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay ng biglang may dumaan at agad na nakuha ang atensyon ko.
"Ikaw na kasi, nakakahiya eh"
"Omg. But how?! I don't even know his name. He's a newbie"
Tumayo ako, dumaan sa harapan habang nag didiscuss si ma'am at walang sabi sabing lumabas ng classroom at sumilip sa corridor para makita kung sino yung mga nag uusap. Hindi ko ugaling makisawsaw or makichismis pero ang isang to ang nakaagaw ng atensyon ko.
"Attention seeker" pahabol na sabi ng nasa unahang kaklase ko, ngunit di ko na muna pinansin iyon
"Ms. Cassadina! Where are you going?!" Dinig ko pang sigaw ni ma'am
Pinagpatuloy ko ang paghahanap, ngunit nabigo ako. 'Hindi ko na naabutan, badtrip.'
Bumalik ako sa loob at muling naagaw ang atensyon ng lahat
Nasa gitna na ako nang may maalala, bumalik ako malapit sa pinto.
'Attention seeker huh?'
Pinamaywangan ko ang kaklase kong babae, ngunit tinaasan nya ako ng kilay.
"What did you say?" Inis na tanong ko
"You heard it right? Kailangan ko pa bang ulitin?" Naka taas pa rin ang kilay na tanong ni Chloei
Since kating kati na ang kamay kong manakit at hindi ko na kayang pigilan ang inis ko ay hinayaan kong dumapo ang kamay ko sa pisnge nya.
Isang malakas na sampal ang inabot nya, sa lakas ay tumabingi ang kaniyang ulo ngunit hindi pa man sya nakakabawi ay hiniklat ko na ang mahabang buhok nya at sinabunutan, nakita ko sa katabing table ang gunting at biglang napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/145779673-288-k210338.jpg)