"Ma'am... ma'am" maharan akong tinapik tapik sa balikat ng kung sino
"Hmm?" Nakapikit ko pang tugon
"Alas nuebe na po, may pasok pa kayo diba?"
"Mag ha-halfday lang ako ngayon" antok na antok kong sabi "Get out! Gisingin mo ko mamayang alas dose"
"Okay po" magalang nyang sagot pagkatapos ay narinig ko naman ang pagsara ng pinto.
Maya maya lang ay tumagilid ako para maging mas komportable at ipinagpatuloy ang pag tulog ko.
--
Nagising ako dahil sa tunog ng kung ano. Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis pagkatapos ay kinapa ang cellphone ko sa table sa tabi ng kama ko
Sinagot ko ang tawag ng naka pikit at hindi tinitignan kung sino ba iyon, hinayaan ko muna syang maunang magsalita
"Kanina pa ako tawag ng tawag hon, nagising ba kita?" Malambing na sabi ng kung sino.
Hon? What the fuck. Eww. Tinignan ko ito at.. hay istorbo
"Gio naman, diba sabi ko sayo ako na ang tatawag? Istorbo ka eh nagising tuloy ako" naiinis kong tugon, bumangon na ako at hinawi ang kurtina sa binta. Tumama ang sinag ng araw sa mukha ko dahilan para maiharang ko ang braso sa mga mata ko
"What? Who's Gio?"
Bigla nagising ang diwa ko dahil sa tanong nya.
"I thought you're Gio" kalmadong sabi ko
"I said who the fucking hell is Gio?!" Sigaw nya dahilan para mailayo ko ng bahagya ang cellphone sa tenga ko
"How dare you to shout me!"
"S-sorry, hindi ko na kasi matiis eh ilang araw na tayong hindi nagkikita or nag uusap man lang tapos ngayong tumawag ako may Gio ka pang binanggit" malungkot nyang tugon mula sa kabilang linya at narinig ko pa ang buntong hininga nya
Napabuntong hininga rin ako dahil sa sobrang inis "You know what? Tanga ka rin eh no? Hindi pa ba sign sayo yon na ayaw ko na? Okay fine so kailangan ko pa palang sabihin para ma gets mo, Break na tayo. Bye!" naiirita kong sagot sa kanya
Ibababa ko na sana ang linya kaso ay nag salita pa sya "Abby naman, wag namang ganto oh ilang weeks pa lang tayong mag syota tapos hihiwalayan mo na ako?" Hindi ako nag salita sa halip ay pinakinggan sya sa sumunod nya pang sinabi "So ganun ganon na lang yon? Tapos na? Nagising lang kita tapos break agad? Wow ano akala mo saken? Laruan na kapag sawa kana eh itatapo----" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sa sinabi ko
"Can just please shut the fuck up. I am so irritated to your voice! I dont even know your name duh. At kung sino ka man, i'm breaking up with you. Ni hindi ko nga alam kung pano naging tayo. Yuck!"
Kainis! panira ng araw saka yung mga ganyan salita eh gasgas na gasgas na sa pandinig ko wala na bang iba? Sad to say pero laruan lang talaga kayong mga lalaki saakin. At tsaka isa pa alam nyang 'syota' ang tawag sa relasyon namin eh ano ba ang syota? Diba pansamantala lang?
Hinagis ko yung phone ko sa kama at bumaba na para kumain. "Manang" pagtawag ko sa katulong namin habang umuupo sa kaliwang side ng table
"Oh ma'am Gaille gising na po pala kayo, akala ko ba eh alas dose ko pa kayo gigisingin?" Nagtataka nyang tanong
Tumingin naman ako sa relo ko at 11:20 pa lang " may bwiset kasi na tumawag sakin kanina eh" naiinis kong sabi
"Teka muna ma'am ipaghahanda ko kayo ng almusal" nakangiti nyang tugon
Tumango naman ako "manang sumabay kana din sakin ikuha mo na din sarili mo" pahabol ko pa at napangiti naman sya tsaka tumalikod at pumuntang kusina