Kabanata 3

17 0 0
                                    

{ABBY POV'S}

"O-ouch!" Sigaw ng isang babae, saktong pagbukas ko kasi ng pinto ng kotse ay may tinamaan

Napaawang ang bibig ko, sinuot ko ang sun glasses at agad na bumaba, nagugulat akong napatingin sa side ng kotse ko kung nagasgasan ba ito

"Ohmygad" bulong ko habang sinisipat ang kotse ko

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang okay ito.

Tinignan ko ang babae na naka-upo sa lupa, at tinutulungan ng isang... naka salamin?...naka tack-in ang white nyang polo and yung braces nya agad ang mapapansin....Guess what? isa syang lalaki! Nerd.

Napailing na lang ako. Hindi ko alam na may ganitong uri pa pala ng estudyante na nag aaral sa school na to. Sa pagkakaalam ko kasi, mga walang ganang matuto ang estudyante dito at kung meron mang gustong matuto at matatalino ay hindi ganyan. Kumbaga lumevel up na sila at sunod na sa uso hindi yung pa Nerd type pa.

Nakita ko ang mga naka kalat na nagkakapalang libro at mga papel. Napangiwi ako. Kaumay.

Napansin nilang naka tayo ako sa harap nila, kaya naman tumingala sila at tinignan ako.

Binigyan ako ng masamang tingin ng babae, kaya naman pinamaywangan ko sya habang pinag mamasdan tumayo

"You idiot!" sigaw nya sakin

Dahan dahan kong ihubad ang sun glasses, kasabay ng pag iling upang umayos ang buhok ko. Isinabit ko sa uniform ang salamin.

Tinaasan ko sya ng kilay

"Me?" Tanong ko habang naka turo sa sarili ko.

"Yes you! Stupid!" Sigaw nanaman nya sakin at dinuro ako

Kumalma ka Abby. Pangaral ko sa sarili

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, hanggang sa magtama muli ang mga mata naming dalawa. I rolled my eyes.

"Idiot and Stupid huh?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay "Eh ikaw tong tatanga tanga, alam mong mag papark ako tapos dadaan ka?! What if magasgasan tong kotse ko?" Inis na tanong ko, napaawang naman ang bibig nya at hindi makapaniwalang tumingin sakin

"Ha!" Singhal nya "Talaga namang kotse mo pa ang inintindi mo?! Paano kung mamatay ako?! Sige nga?!"

"Oh? Talaga?" Kunwaring namamanghang tanong ko "The hell i care"

Tumalikod ako at wala pang dalawang hakbang ang nagagawa ko ay hinawan nya ako sa braso.

Tinignan ko ang kamay nyang hanggang ngayon ay naka hawak pa rin sakin, padabog kong hinawi ito "What?!" Inis na talagang tanong ko

"We're not yet done! You're not even say sorry!" sigaw nya sa mismong muka ko

"Hell no" umiling ako "Why should i do that?" Mataray kong tanong "sorry your face!.. your ugly face" I let a sarcastic chuckle out.

Kitang kita ko ang pamumula ng muka nya sa sobrang galit. Tamad ko kunwaring tinignan ang kuko ko

"What?!" Galit na galit na tanong nya. Inawat naman sya nung kasama nyang nerd pero talagang ayaw nyang mag paawat.

Agad na umakyat sa ulo ko ang inis at galit, mukang hindi talaga ako tatantanan neto at kaninang kanina pa ako nag titimpi.

Sa inis ko ay humarap ako sa kotse ko at kinuha ang bottled water, binuhos ko iyon sa mga libro at papel na nagkalat

Sa sorabng gulat ay hindi agad sya nakapag react.

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko." Galit na usal ko "Don't you dare to shout at me again, or even touch me" banta ko sa kanya

Heal My Wounds (On Going || Editing)Where stories live. Discover now