6

647 41 4
                                    

After naming kumain ay dumiretso kami sa mga kwarto namin para mag bihis. Namili ako ng damit na susuotin ng siniko ako ni Lei sa tagiliran. Tiningnan ko siya dahil doon at nakangiti naman siya saakin.


"Haba ng hair mo ah." sabi niya at natawa silang dalawa ni Alex.


"Mahaba naman talaga buhok ko ah?" tapos pinakita ko sakanila yung buhok kong hanggang bewang.


"Gaga kunwari ka pa."


"Ano ba pinagsasabi mo?"


"Mahilig ka ba sa apoy o sa isda?" tanong ni Alex.


Nagtaka ako. Ano ba trip ng mga to?


"What?"


"Sagutin mo nalang."


"Just make me choose between Viento and Leo hindi yung kung ano ano pinagsasabi niyo diyan." inis na sabi ko.


"Oh eh di sige. Fire or Finn? Sino bet mong balatan ka ng hipon, crabs at kung ano ano pa?" asar niya.


"I would choose my Dad. Mas magaling siyang mag balat kesa sakanila."


Kinurot naman ako ni Lei kaya napa aray ako. Tiningnan ko siya ng masama dahil doon.


"Wala sa choices si Tito. Ano na dali sumagot ka na. Yung ex mo ba or yung present mo?"


"Leo's not my present and Viento yeah he might be my ex but he can never be my future at may girlfriend na siya."


"Kung ang asawa nga naghihiwalay ano pa kaya ang mag jowa?" sabi ni Lei at tinaasan ako ng kilay.


I sighed "What are you trying to say?"


"That both of you still have a chance. Alam namin kung gaano kayo nag mahalan dati and surely hindi mawawala yung pagmamahal na yun ng basta basta. First love niyo ang isa't isa and remember the famous saying?"


"First love never dies." pagod na dagdag ko.


"Exactly!" masayang sabi niya.


Umiling ako "But unfortunately that only works for me. Saaming dalawa ako nalang naman yung nagmamahal. Tsaka impossible balikan niya yung taong sinaktan siya ng sobra."


"Yun lang pero that's Apoy. Kahit ilang beses mo pa gawan ng mali yan mamahalin at mamahalin ka padin."


"And he's still human too napagod din yun at nasasaktan." sabi ko kay Lei at umupo sa kama ko.


Nagkatinginan silang dalawa ni Alex at umupo sa tabi ko.


If I CouldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon