8

700 50 5
                                    

Pangatlong araw na namin ngayon sa San Antonio at kahapon ay hindi ko alam ang ginawa ng mga kaibigan at kapatid ko dahil mag damag lang ako nag kulong sa kwarto. Ang dahilan ko sakanila ay ang paa ko pero ang totoo niyan iniiwasan ko si Viento. Hindi ko pa siya kayang harapin lalo na yung mga sinabi niya saakin noong nakaraang araw. Ngayong araw din ang alis ni Leo papuntang Maynila at ihahatid siya nila Kuya sa amin dahil andoon ang kotse niya. 


"Mag ingat ka mamaya sa pagdri-drive." sabi ko sakanya. 


Nakangiting tumango naman siya. 


"Yes boss." at nag salute. 


I hugged him and he chuckled before ako niyakap din. Ako ang unang humiwalay sa yakap namin. I smiled at him bago siya pinagtulakan sa kotse ni kuya. Natatawang nagpatulak naman siya saakin. 


"Bye! I'll see you soon." sabi ko ng nakasakay na sa kotse. Si Kuya Campo ang nagdri-drive dahil tinatamad si Kuya Calle. 


"Yah see you soon and take care of your heart." 


Nagtaka ako sa huling sinabi niya. I was about to talk pero sinarado niya na ang pinto at dali dali naman itong pinaandar ni Kuya. I sighed tsaka nag lakad papunta sa bahay namin. I'm thankful na magaling na yung sprained ko kaya makakapag swimming na ako ngayon.


Pumasok ako sa bahay pero nagulat ako ng bumungad saakin ay ang mag isang si Viento na nanonood ng TV. Napatingin siya saakin pagkapasok ko at nailang naman ako kaya lalampasan ko na sana siya kaso kinausap niya ako.


"Eat your breakfast." sabi niya habang nakatingin padin saakin.


"Di pa ako gutom." pagsisinungaling ko. 


Kakain naman kasi ako dapat pagkapasok ko kaso nakita ko siya kaya wag nalang.


"You're lying. Kumain ka na Tierra. Just act like I'm not here with you if you feel uncomfortable." 


I timidly bit my lips tsaka tumango. Dumiretso ako sa lamesa at natuwa naman ako ng makitang bacon at hotdog ang ulam. May garlic rice din na paborito ko. 


Habang enjoy na enjoy ako sa pagkain ay napatingin ako kay Viento na seryosong nanonood ng NBA. Na konsensya naman ako dahil baka gutom na din siya at heto ako halos ubusin na lahat ng ulam.


"Uhhh Viento." tawag ko sakanya.


Napalingon naman siya saakin.


"Hmmm?" malambing niyang sabi kaya halos tumalon na naman ang puso ko. 


"Baka nagugutom ka na din. You can join me." tsaka ko tinuro yung upuan sa harapan ko. 


Napangiti naman siya saakin tsaka naglakad papunta sa table. Umayos naman ako ng upo dahil magka harap kami. 

If I CouldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon