2

754 45 9
                                    

Belleza started talking about her life simula pagkabata niya hanggang sa ngayong 19th birthday niya. Pinasalamatan niya din yung mga importanteng tao sa buhay niya pati yung boyfriend niya na nasa gilid ng stage halatang proud na proud sakanya.


Tiningnan ko si Kuya Calle at seryoso siyang nakatingin sa stage. Haha! Selos na. Bumalik ako ng tingin kay Belleza pero pinalitan na pala siya ni Lei. 


"Now let's here an welcome speech from the one and only Fire." nag ngitian silang dalawa bago kinuha ni Viento yung mic. 


"Uh hello? You guys know that I'm not quite fond of public speaking so I'll just talk for quite a bit. I really miss my friends, my family and of course this place. Andaming memories dito na nagawa eh." 


Napalunok ako noong sinabi niya yun. 


"But anyway I'll stay here for a month tsaka babalik ulit ako sa States to finish my degree. Sayang tuition ang mahal kaya mag aral sa abroad HAHAHAHA. That's all guys, I hope you'll enjoy this party." ngumiti siya bago binalik kay Lei ang mic. 


Nag salita ulit si Lei ako naman ay tulala padin. Iniisip ko kasi kung kasama ba ako sa memories na yun. Pero I doubt it yung mga alaala namin ay nagdudulot ng sakit sakanya for sure so nakalimutan niya na yun. 


"Apo sit besides Agua." nagulat ako sa sinabi ni Mamang at di ko napansin na nasa likod na pala namin si Viento. 


Kala ko hindi niya susundin si Mamang. Pero nagulat ako nung gumalaw bigla yung upuan sa tabi ko at umupo siya doon. 


"Where's Legna, Mamang?" Legna-- his girlfriend.


"Ewan ko doon." 


"Mamang inaway mo na naman ba?" 


"Kasalanan ko ba kung hindi kami magka-vibes na bago mong syota?" masungit na sabi ni mamang.


Bumuntong hininga namin si Viento sa tabi ko. "Si Tierra lang naman ata yung naging ka-vibes mo Mamang eh." tsaka kinamot niya yung kilay niya.


Nagulat ako noong banggitin niya second name ko. Kala ko kasi hindi ko na maririnig ulit yun sakanya. 


"Buti alam mo kaya balikan mo na si Agua." 


Sabay kaming napatingin kay Mamang.


"Mamang hindi po pwede yun. May girlfriend na po si Viento." sabi ko pero mukhang walang pakialam si Mamang.


"She's right Mamang. I'm planning to marry Legna after I graduate college." Seryosong sabi niya kaya pinanlakihan siya ng mata ni Mamang.


Ako naman ay pinisil ko ang labi para pigilan ang umiyak. Ganon siya ka-seryoso sa bago niya, Tierra. 

If I CouldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon