Chapter 1

47 2 0
                                    

~Thalia's POV~

"What happens when he's your prince charming, but you are not cinderella?"

Edi ako ang magiging si Aurora, si Snow white, si Mulan, Si Belle, Si Ariel, Si Rapunzel, Si Pocahontas, Si Jasmine, at iba pang mga prinsesa!

"Eh kung maubusan na? At d ka pa rin minamahal?"

GOOGLE NAMAN EHHHHH, PINAPATRANSLATE KO LANG SAYO YUNG UNREQUITED LOVE IN MANY DIFFERENT LANGUAGES DI MO PA NASAGOT! PAANO TAYO NAPUNTA SA CINDERELLA NA AKALA KO MAY PRINCE CHARMING RIN! AY, TEKA... ASSIGNMENT KO SA MATH NOOOOOOO.

Lagot na to, tsk. Na off ko nalang yung laptop na pinahiram lang sa akin. Di naman ako rich kid no? Heroine nga ako ng istorya ko. At simula nga noong namatay si mommy noong 9 years old ako, Inalagaan na ako ni Tita Ria. Siya ata ang pinakamabait bukod kay mommy ko. Mag isa lang siya sa buhay niya kasi daw, wala sa mga lalaking nanligaw sa kanya ang may na reach na expectations.  

Kinuwento din sa akin ni Mommy bago siyang mamatay 4 years ago, kung bakit wala pa akong daddy. Ayun, sinabi niyang may kailangan lang daw gawin si daddy. Paulit ulit niyang sinabi sa akin na mahal niya kaming dalawa at dapat daw patawarin ko kung daddy ko. 

Malungkot ang mga mata niya, masaya daw siya na kapiling niya ako.

Ngunit mas sasaya siya sa piling ng daddy ko at ako, yun yung iniisip ko habang sinasabi niya na masaya siya sa akin. Minsan nga nagtataka ako kung ano talaga ang importanteng bagay na gagawin ni daddy. Pero, Oh well. Ganun parehas sa mga fairytales, binabalikan ng Tatay ang pinakamamahal na prinsesa at minamahal sa huli ng prinsipe. 

YIIEEEEE~

Gusto ko talaga si Delton Louís Engrandé!

*internal organs screaming*

"AHHHHHHHHHHHHHHH! KINEKELEG AKO!" sigaw ko.

"Asus! Kwentuhan mo naman ako Thalia, ano ba ang nangyari 2 weeks ago sa school at bakit ka nagkaganyan?" interesadong tanong ni Tita Ria sa akin.

"Eh kasi naman tita! Ang gwapo ng crush ko, at ang sungit. Pero Ang sweet niya sa ibang babae. Tita! Sagutin mo nga ako kung pangit ako?" sabi ko.

"Di ka naman pangit, anak. Katamtaman lang." Malambing na sinabi sa akin ng tita ko. OO, anak na ang tawag niya sa akin.

Ako kasi eh, 'katamtaman lang' ang itsura at hanggang sa may kaya lang kami ng aking tita. Kumikita siya sa maliit naming shop malapit sa school ko. Ah, kung itatanong niyo kung kanino galing ang laptop, pinahiram lang iyon sa akin ng isang manliligaw ni tita ko. Ganda niya kasi eh, at mahaba ang buhok. In fairness gwapo rin ang manliligaw. Pangalan niya daw si Tito Eric. Kaedad siya ng tita ko, siya ang isa sa mga lahat ng manliligaw na nabusted ng tita ko pero di siya daw susuko. 

True love nga naman.

Ang dami ngang mga pagsubok ang dinaanan ni tito Eric kay tita ko eh. Pero di niya naman pinapansin, di rin naman ni tita inaabuso. Sabi ni tita nga eh, sasagutin niya na daw at malapit na. Sa mga nakikita ko, masaya talaga sila sa isa't isa.

"Oh anak, sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari." Tanong ni Tita Ria.

'flashback'

"I love you Delton Louís Engrandé!!!"

Sigaw ko. Oh hah! With matching feelings pa yan.

"How many times do I have to tell you that I.AM.NOT.YOUR.SO.CALLED.PRINCE.CHARMING."

Ay wow, minsan nalang mag mahal na busted pa. Natahimik nalang ang katauhan ko.

"Alam kong gwapo ako, pero please--Stop showing how much you adore me. It's too annoying. Kita mo naman sa sobrang pagpapakita mo ng pagmamahal sa akin, nababawasan 'yung fans ko at nadadagdagan iyong mga haters mo."

Naiinis niyang sabi.

"Excuse me Mr. Engrandé don't flatter yourself too much. Alam kong mahal kita, iyon lang 'yun."

Sinabi ko yun with A-matter-of-factly voice.

"Bakit ako ha?! Sa lahat bakit ako? Why Thalia?"

Puno ng pagtataka at irita ang kanyang boses.

"Why? Kasi ngayon lang ako naging baliw na ganito, well baliw naman talaga ako. Naging mas nga lang. At bakit ikaw ang minamahal ko? Because I can!"

At ayun, iniwan ko sa ere. Wala pa namang may nasasaktan, I promise-- at the moment. Kasi, sa nakikita ko...

Mukhang ako ang masasaktan.

---------------------------------------------------

Please vote and comment, thank you so much for reading.

-PiYt

Aye Aye Goodbye!

La douleur exquiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon