~Thalia's POV~
please play it when the lyrics comes on with this [545] sign. :)
"I love you dear." I said.
Ngumiti nalang siya ng malungkot.
"I'll try giving my love to you too dear." saad niya.
-------
Nakalipas ang 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay namin ni tita.
Medyo kinakabahan ako pero gusto kasing makilala ni tita ko ang mga magulang ni Delton.
From what I see she's planning to be friends with them. Ewan ko lang pero sa mga nakaraang araw ay kinakausap ako ni tita ko na mag-imbita sa kanila.
Excited na excited siya. Ewan ko lang kung anong nangyari pero may sasabihin siya mamaya.
Si tito naman kanina kilig na kilig.
Medyo ok na rin sila ni tita. Yung tipong hindi na nag so-snowball fight kaldero edition.
Pero hindi pa rin mawawala ang panghampas at matalawis parin ang dila ng tita ko sa kay tito Eric. Madalas andito na si tito sa bahay, and it warmed my heart ng nakakita na ako ng father figure ko. Kasi nag-alala din siya sa akin kahit hindi man niya ako kadugo.
Nasa kalagitnaan kami ng hapunan ng bigla nalang nag *ehem* si Tita Ria at sinundan naman ng ubo ni tito Eric.
Nagulat rin si Delton, pero halatang hindi niya pinapalabas.
'Pano mo nasabi?'
Basta! Bwisit kang konsensya ka!"Ummm, anak at iho. Bago ka namin imbitahin ng tito mo sa isang event. May itatanong siya sa iyo." medyo mahina na sinabi ni tita.
May hindi ba akong nalalaman?
"Ubo ubo. Ay wait. *Coughing* So, uhh..." Medyo goofy na pagsalita ni tito, ay bigla nalang nag-iba at lumalim ang boses nito noong siniko siya ni tita Ria.
"Mahal mo ba ang pinakamamahal naming si Thalia?"
Nagulat naman ako sa tanong ni tito, alam kong naguguluhan si Ezekiel ngayon.
Naguguluhan din ako.
He asked for me to be his girlfriend. I agreed.
But then he told me, he'll try loving me.
Medyo nalungkot ako nang nalaman ko ang katotohanan, pero handa naman siyang pormahan ako at ma in-love sa akin diba?
Ang sweet naman niya kanina sa kotse diba?
Or hindi ba?
"Yes, po sir. Handa po ako." he answered with a hint of determination and positivity in his voice.
Tumango si tito at nag-tinginan sila ni tita Sherley bago lumingon sa amin. Nginitian naman ako ni tita at nagsimulang magsalita.
"Anak at iho. Napagplanuhan namin sa dadating na October 16, na kayo ay magiging bridesmaid at bestman sa kasal namin ng tito niyo. At kung pwede sana Delton, maari bang makausap ko kayo bukas ng pamilya mo? Nakilala ko ang iyong ina kanina sa grocery store. Napakabuti niya upang tulungan ako ng natumba ang cart ko. Dinala niya din ako sa bahay. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya, pwede mo ba silang makausap kung makaka abot sila sa dinner dito?" mahabang saad ni tita.
BINABASA MO ANG
La douleur exquise
Romansa!!!!!!《HIATUS》!!!!!! la douleur exquise (n.) -the heart-wrenching pain of wanting affection of someone unattainable. ------------------------------------------------- A/N: If ever na may katulad na story especially yung title, promise, Hindi ako na...