Chapter 3

29 6 1
                                    

Rule #3
Ignore

"Bakit ang tagal mo ate Averic?" Nagtatampong bungad ni Keneley sa akin.

Si Keneley ay isang batang lalaki na kasalukuyang nakikipagpaban sa leukemia na nakilala ko nung minsang sumama ako sa Blood donation Campaign ng dating pinagtatrabahuan ko. We collected any type of blood from random people then donated it to people suffering from Leukemia.

He poked my heart from the first moment I saw him. We're not blood related pero nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya. I've been dying to have a younger siblings but unfortunately, ako lang talaga ang nag-iisang anak.

Dinadalaw ko sya two times a week para i check ang kalagayan nya. Nasanay na din sya na dinadalaw ko sya kaya pag minsang hindi ako nakakapunta ng Hospital,nagtatampo sya.

"Ate Averic was waiting for the rain to tame Keneley kaya ako nalate. I bought a chocolate for you handsome Keneley." Paliwanag ko habang nakayuko upang maging magka level kami sabay kuha nung Toblerone na nasa bag ko.

He grabbed it gracefully and munched it without even saying thank you. Cute.

"Ate Averic, how's your day?" He said after he finished munching the chocolate I gave him.

Umupo ako sa higaan nya bago ako nagsalita.

"It's fine Baby. I'm fine" Tipid kong sagot. He's only 10 years old. Hindi nya maiintindihan kung magpapaliwanag pa ako sa kanya.

"I know you're not ate. Hindi ka na nagkikwento about sa araw nyo ni Kuya Elias. You're not even smiling the way you used to and..." sagot nya sabay tingin bigla sa aking ring finger bago nagsalita ulit.

"You're not wearing the amethyst ring that Kuya Elias gave you." Ani Keneley.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya. Ang bata nya pa para maintindihan tong mga ganito. Hindi ko nalang sasabihin.

"Ate, I know I'm still 10. But I know a lot about that thing naman ate. You can tell me everything. Talk to me as if I'm a boy at your age." Dagdag nito.

Napatango na lamang ako bago tuluyang nagsalita.

"Ate Averic and kuya Elias broke up 3months ago baby. Things didn't worked out kaya hindi na namin nasave yung fairytale namin." I said.

"What a sad ending naman ate. Akala ko pa naman magiging katulad ng story nila Cinderella yung fairytale nyo." Nanghihinayang nyang sagot.

"There are things kasi baby na hindi natin mapipigilang mangyari. May mga bagay na akala natin magtatagal pero made in china pala." I answered in a voice full of heartaches.

"Anong ibig-sabihin ng made in China ate Averic?" Naguguluhang tanong nito.

Ginulo ko ang buhok nya saka nagsalita ulit.

"Marupok baby. Madaling masira. Hindi nagtatagal." Sagot ko na sya namang nagpatango kay Keneley.

Niyakap ko sya habang nakatulala ako sa kung saan. Niyakap nya naman din ako pabalik.

Naalala ko tuloy yung gabi na sinama ko si Elias dito. We've been playing with Keneley tapos lumabas kami ng 11 ng gabi para lang bumili ng ice cream at mga pagkain sa labas. We were so happy way back then. WAY BACK THEN. Ang sakit isipin na wala na kami. Na hindi na mundo ko ang ginagalawan nya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking nakasabay ko papunta sa bus stop kanina. Si Mr.Payong. Yung mayabang na gwapo.

"Kuya Vesper!" Mabilis na kumawala sa pagkakayakap sa akin si Keneley at agad tumakbo papunta sa lalaking kakarating pa lang. agad naman itong lumuhod upang salubungin si Keneley.

Lost in his FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon