Chapter 4

32 4 1
                                    

Rule #4
Block him/her on social media

Averic's POV
Nakaabang si asungot sa may pintuan ng convenience store habang pinipigilan itong sumara.
Kahit papano naman pala may pagkagentleman din tong isang to.

Isang hakbang nalang sana ang namamagitan sa amin nung pinto nang bigla nya nalang itong binitawan dahilan upang mauntog ako sa glass door.

"Ouch naman!" Bulalas ko. Binabawi ko na yung sinabi ko na gentleman sya. Hambog pa din sya walang hiya.

Hindi nya pinansin ang angal ko at nagpatuloy sa pagtingin sa kung saan. When I traced his path of vision, nakita kong nakatitig sya sa dumaang magsyota sa harapan nya. Malungkot ang kanyang mga mata na waring pinipigilan nyang umiyak. Ang cute.

Napabuntong hininga na lamang ako at binuksan ang glass door kahit nahihirapan ako dahil ang dami nyang binili tapos hindi nya man lang ako tinulungang magdala.

Nang mabuksan ko ang pinto, binitiwan ko saglit ang aming pinamili at binatukan sya ng malakas.

"Aray! Kanina ka pa nananakit ah? Ano bang problema mo?" Angal nya. Sa wakas nagbalik na kaluluwa nya.

"Ex mo ba yung dumaan?" Tanong ko.

"Hindi no! Ni hindi ko nga yun kilala!" Mabilis nyang deny.

"Oh bat masyado kang matalim makatingin sa dumaang magsyota kanina? Naiinggit ka ba?" Pang-aasar ko.

"Hindi ako inggit.Ang pangit nga nung lalaki. He doesn't even have a thing on me." Sagot nya.

"Oh bakit mo nilalait yung lalaki kung di mo naman pala kilala?" Nagsususpetyang tanong ko sa kanya.

"Ang ingay mo. Pulutin mo na yang mga pinamili natin. Babalikan na natin si Keneley." Utos nya sabay lakad palayo sa akin.

Ang sungit talaga ng isang yun. He seems like a girl with unstoppable pms. Damn. Urgh! Ang sarap nyang sabunutan. Sa huli, wala na din naman akong ibang nagawa kundi sundan sya pabalik ng hospital.

"Wow kuya Vesper! Ang dami naman po nito." Tuwang tuwang sambit ni Keneley nang makita nya ang pagkaing dala dala namin.

Ngumiti lamang si Vesper at ginulo ang buhok ni Keneley nung yumakap ito sa kanya.Ang gwapo nila pareho. Ngayon ko lang napagtanto na magkamukha sila. I wonder, magkapatid kaya tong dalawa?

"Baby Keneley,mauna na si Ate Averic ha? I have a lot of things to do at home tonight kaya uuwi na ako. Si kuya Vesper na bahala sayo ha?" Pagpapaalam ko kay Keneley.

"Okay lang ate. Si mama na magbabantay sa akin mamaya. Ihahatid ka na ni Kuya Vesper pauwi." Ani Jude.

"Naku baby, hindi na. Ako na bahala. Magbubus nalang ako." Mabilis kong agap. Nakakahiya kaya no. May pamasahe naman ako e.

"Wala nang bus ngayon." Tipid at cold na sagot ni Vesper.

"Edi tatawagan ko nalang driver namin." At kinuha ko ng cellphone ko para idial ang number nung driver namin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit di ko nalang sinama yun kanina. Hay naku talagang nasa huli nga ang pgsisisi.

Ni loudspeaker ko ang aking cellphone para marinig nya na susunduin ako ng driver namin. I'd rather wait a long time run than to be with him in his car. Uminit na lamang ang buong pisngi ko sa narinig ko mula sa aking cellphone.

Lost in his FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon