destined

16 0 0
                                    

--------🌸

HI GUYSSSS! this is my first story plssssssss pa-support HAHAHAHA
Huwellll sana magustuhan nyooo pag pasensyahan nyo na yung mga mailng grammar basta enjoy lang sa pag babasa (kung mag e-enjoy HAHAHA)

Okkkk labyuuu

----------🌸

Yuki's pov

Ansakit na ng likod ko kaka-trabaho bwiset na mga costumer yon daming reklamo! At oo nagtratrabaho ako sa bar at dancer ako doon hindi ko yun ikinakahiya dahil hindi ko binebenta ang katawan ko Para magka pera

Kung iniisip nyo kung bakit ganto ang trabaho ko ay dahil wala na akong ibang mahanap na trabaho dahil gr.6 lang ang natapos ko

Malapit na ako sa bahay namin at hindi mo ipagkakaila na mahirap ang nakatira dito sira-sira ang bubong namin at isang bagyo nalang ay tatangayin na ito

Pero kahit ganon masaya kaming naninirahan dito wala kaming pake sa kung ano ang sabihin ng mga tao basta kami? Masaya kami kahit na mahirap ang buhay kinakaya namin ng magkasama

Pagka bukas ko palang ng aming pinto ay mukha na ni mama ang bumungad saakin

"Anak kamusta yung trabaho mo?napagod ka ba ng sobra? Heto ipinagluto kita ng paborito mong lugaw pasensya ka na anak ha? kung ayan lang ang kaya namin at hindi kayo nakakatikim ng masasarap na pagkain"

bakas sa mukha ni mama ang lungkot

"mama ok lang to payting lang tayo!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para magmuhkang malakas

Natawa naman si mama

"Ma ok lang naman po yung trabaho ko at opo sobra nakakapagod para akong binagsakan ng siyam na truck"

umupo na ako sa upuan at dali dali namang pumunta si mama sa likod ko at minasahe nya ito

"grabe ka naman nak di mo pa ginawang sampu sayang" at nagtawanan kami

"Pero mama nag sisi ka ba na ganto?" Tanong ko kay mama na halatang nag tatanong ang mga mata nya

"Anong ganto anak?" Tanong nya

"Na nagsisi ka ba na pinakasalan mo si papa hindi yung mayaman na lalake na nag alok sainyo nung dalaga pa kayo at si papa ang pinili nyo na isang consruction worker?" Tanong ko

"Alam mo anak hindi yan base sa pera o kung saang magaganda at engrandeng materyal na bagay basta ang mahalaga ay kung sino ang mahal mo nakukuha mo nga ang gusto mo may kulang naman sa puso mo sa ilang taon kong kasama ang papa mo kahit kailan hindi ko naisip at kinwestyon ang kalagayan at ang gutom dahil alam namin sa sarili namin na busog kami sa pag mamahal" naka ngiting sambit ni mama at nakita ko namang nakatingin sa amin si papa na nakangiti

Lumapit si papa kay mama at niyakap ito patalikod at halatang nagulat si mama kaya hinampas nya si papa

Ang saya nila sana makahanap rin ako ng tulad ni papa

"Anong pinag uusapan ng mag ina ko? Siguro kinukwento nanaman ni mama mo kung gaano nya ako kamahal at kung gaano ako kagwapo kaya nya ako nagustahan" natawa nalang kami ni mama palabiro talaga to si papa

"hoy fernando! Wag kang masyadong mahangin ha? At ang lamig lamig na dadagdagan mo pa bahala ka nga dyan" kumalas si mama sa pag kakayakap at pumunta sa kusina

" oh ate nandito ka na pala! I miss you ate!" Tumakbo si brylle papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit at binalik ko naman sakanya ng mas mahigpit pa

"Hay nako! Mahal yung dalawang anak mo parang ngayon lang nagkita"sabi ni mama na naka-pamewang pa

"Hayaan mo na mahal ganyan talaga yan kasi parehas sila nanggaling sayo" natawa naman kami ng kapatid ko sa sinabi ni papa at si mama ay nakakunot ang noo

The destined maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon