sorry

0 0 0
                                    

"AHHHHHHHHHH TULONG MAAWA PO KAYO! TULONGAN NYO PO AKO! AYOKO NA PO!"

Bumalikwas ako ng tayo ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko na niyuyugyog ang katawan ko

"Hey wake up it's just a dream hey i'm here don't worry" sabi sakin ng taong hawak ako habang patuloy parin ang pagbagsak ng luha ko

Minulat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng makita ko si sir hindi ko alam kung nanaginip ako pero niyakap ko sya at ramdam ko sa sarili ko na ligtas at napanatag na yung sarili ko

"It's ok, i'm here don't worry"  hinagod nya ang likod ko at hindi ko alam sa sarili bigla nalang akong kumalma at nakahinga ng maluwag

Hindi ko namalayan na tumigil na sa pag buhos ang mga luha ko at bumalik na sa normal ang pag hinga ko

Bumalik na sa katinuan ang pag iisip ko at humiwalay na ako sa pag kakayakap ko sakanya

"Ok na po ako sorry po hindi na po mauulit"

"Sige matulog ka na at babantayan nalang kita para maayos yung pag tulog mo"

Nagulat ako sa sinabi sakin ni sir nanaginip ba ako?totoo ba to?baliw na kaya sya?

"Hey stop hitting your self" at hinawakan nya ang kamay ko na katabi ng mukha ko

Hindi ko namalayan sinasampal ko na pala ang sarili ko shux nakakhiya yon! Bat ko ginawa yon yuki naman!

"Ay sorry po akala ko po kasi nananaginip ako at tsaka ok lang po ako sir matulog na po kayo pasemsya na po kayo kung naistorbo ko kayo"

"You sure?" Tanong nya at tumango naman ako agad

"Ok balik na ako sa kwarto ko if you need any help just shout my name" sabi nya at sinrado na ang pinto

'Just shout my name' nababaliw na ba sya e kung kaninang pag uwi ko galit na galit sya sakin at para pa nga syang dragon non e

'Baka ayaw nya lang may mamatay sa bahay nya' sabi ng isip ko  hmmmm oo nga naman siguro nga pero may puso parin naman pala sya hindi nga lang nya pinapakita

"Matutulog na nga ako bakit ko ba sya iniisip haist"

At pinikit ko na ang mga mata ko

........

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko sa baba parang may mga tao 

Hindi ko nalang inintindi yon dahil wala naman akong karapatan makialam kaya naligo na ako at nagbihis na madami pa akong gagawin

Pagkatapos kong mag ayos itinali ko ang buhok ko (messy bun) at bumababa na para magluto ng almusal

Pag baba ko ay agad na namula ang mukha ko ng makita na may bisita nga si sir 7 silang lalake siguro kaibigan nya ito

Titig na titig sila sakin na para bang pinagmamasdan ang mukha at katawan ko aba't bastos sila ah!

'Para kay the one to' sabi ko sa isip ko

Nagulat ako dahil biglang nagsalita ang isa sakanila na base sa pagkakarinig ko kanina ay tinatawag nila itong weston

"The one huh" saka sya ngumisi omy ang pogi napatitig ako sa nakangisi nyang mga labi bago nag sink in sakin lahat

'Narinig ba nila sinabi ko?! Nakakahiya!' Sabi ko sa isip ko at namula ang pisnge ko

"Oo narinig namin hahahaha" sabi ng isa sakanila na tinatawag nilang kurt

"Hey wanna sleep at my bed? masarap don"

sabi nung lalaki na may kalong babae at ngumisi sya yung lalaking kapag tumingin ka sa mukha nya halatang playboy at fboy ang dating nya

"Stop it rosh it's disgusting" hindi ko sya kilala pero kapag nakita mo sya napaka seryoso ng mukha nya

Rosh pala pangalan nung nang bastos saakin hmm maganda pangalan kaso pangit ng ugali

"Stop it drew and rosh stop acting like a child" sabi ni sir na nakapag patigil sa dalawa

"Hey!" Tawag sakin ni sir na agad ko naman syang tinignan

"What are you stil doing here huh? Get back to work!" Tumango ako sakanya at nagmadaling umalis habang nakayuko

bakit kagabi ang bait nya tapos ngayon pinahiya nya ako sa mga kaibigan nya anong klase

Hindi ko mapigilan magalit sa hiya na ibinigay nya saakin pero wala akong karapatan mag reklamo dahil boss ko sya at sya ang masusunod

Agad na akong nagluto ng chicken curry at marami pang ibang putahe at hininanda ko narin ang desserts na kakainin nila

"Sir nakahanda na po ang pagkain niyo"

"Sige kakain na kami"

umalis na ako at nagsimula ng malinis maka lipas ang ilang oras ay sinigaw ni sir ang pangalan ko

At agad agad naman akong bumaba para alamin kung anong nangyare

"Sir bakit po?may gusto po ba kayong ipagaw saakin?" Sabi ko at yumuko

"ANONG KLASENG PAGKAIN TO?! KANIN BABOY BA TO?!" Kinuha nya ang mangkok na pinaglalagyan ng ulam na hinanda ko

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko yung mga kaibigan nya na naka pwesto na sa kainan at nakita ko na awang awa sila saakin

"Pasensya na po sir gagawa nalang po ulit ako ng bago"

"GAGAWA NG BAGO?! SA TINGIN MO HINDI NASASAYANG ORAS NAMIN DITO?!" bigla nyang nilapit sakin yung mangkok na para bang ibubuhos sakin at ipinikit ko nalang ang mga mata ko

"Stop it." -kurt

"Don't do it damon." Sabi ni clyde

"Quit it. Have some f*cking respect." -lennox

Paulit ulit nilang sinasabi yan kay damon

Teka ang tagal naman minulat ko ang mata ko at nakatingin lang sya sakin saka nya binaba ang mangkok na hawak nya

"Get out of my sight." Sabi nya sa mahina na boses

                         Flashback

"Umalis ka sa harapan ko" sabi ng ama ng bata habang naka luhod ang bata at umiiyak

"Sabing umalis ka sa harapan ko kundi papatayin kita!" Sabi ng ama at sinampal nya ang kanyang anak

"Papa tama na po aalis na po ako sa harap nyo tama na po"

walang narinig ang ama at pinagsasampal parin ang bata hanggang sa dumugo ang pisnge ng batang babae

Ang tanging maririnig lang ay ang iyak at pagmama-kaawa ng batang babae

  End of flashback

"I SAID GET OUT!"

Pumintig ang tenga ko at nabalik ako sa sariling katinuan mabilis akong umalis sa lugar na yon at lumunta kwarto ko

Hindi ko namalayan na nagbabagsakan na pala yung luha ko nanginginig yung mga kamay ko at nanghihina ang mga binti ko hindi dahil sakanya kundi sa alaala ng nakaraan ko

Huminga ako ng malalim at nirelax ang katawan ko pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit kong ngumiti

Lumabas ako ng kwarto at nagsimula na ulit mag linis

"Hi i'm kianna girlfriend ni damon"

----------💙

Hi guys hope you like it

Pls like and follow me to keep me motivated:>

Iloveyouall:>

The destined maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon