OMG

10 0 0
                                    


-------🌸

Naglalakad na ako pauwi saamin pero bago ako umuwi meron ako laging pinupuntahan na isang lugar habag naglalakad ako ay napansin ko na yung kariton at nakita ko dun si mang benito

matanda na sya iniwan na sya ng asawa at mga anak nya dahil sumama sa ibang lalake na may pera

Sa tabing kalsada nalang natutulog si mang benito dahil wala na syang hanap buhay

napariwara sya nung iniwan sya ng pamilya nya ayun nawala sakanya lahat kaya ganon nalang yung awa ko sa matandang to dito ako madalas tumatambay lagi kaming nag uusap para ko na syang pangalawang ama sa totoo lang

Parati ko syang dinadalhan ng pagkain at mga gamit

"Mang benito?nandito na po ako" pag tatawag ko sakanya

Saka naman tumayo si mang benito sa kariton na bagong ligo

"Oh mang benito bagong ligo ka ah pumunta ka po ba dun sa sinasabi ko sayong bahay?"

"Oo dun sa bakla na sinasabi mo eh hindi naman pala erickson pangalan nya eh erika daw? Tsaka ganda nga ng c.r nya eh may shower" sabi nya ng naka ngiti

"O sige na mang benito kumain na po kayo may dala akong pagkain dito masarap to!" At inilabas ko na ang pagkain sa back pack ko at inilagay dun sa paper plate

Kumuha si mang benito ng karton at binanig sa lapag at umupo na kaming dalawa dito

"Salamat talaga anak ah kung hindi dahil sayo siguro nilalangaw na yung bangkay ko dito" sabi nya habang sumusubo ng pagkain

"Mang benito naman ayoko ng ganyan na usapan at tsaka para ko narin kayong tatay kaya wag po kayong mag alala hindi ko papayagan na mangyare yon,  sige na po mang benito kumain ka na po" sabi ko sakanya habang nilalagyan sya ng tubig sa baso

"Anak mukhang masaya ka ata ngayon ah anong meron?"

"Mang benito yayaman na po tayo! Nakakuha ako ng trabaho tapos ang laki ng sweldo! Makakain narin po tayo ng masasarap na pagkain!"

"Anak bilib talaga ako sayo pag butihin mo yan ah lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo, anak kapag yumaman ka na bisitahin mo parin ako ah wag mo akong kakalimutan katulad ng ginawa sakin ng pamilya ko"

"Mang benito alam mo naman po na hinding hindi ko gagawin sayo yun tsaka kapag yumaman na ako magpapagawa ako ng mansion tapos dun na tayo titira tapos ipapahanap ko yung pamilya mo para makita mo na sila"

"Maraming salamat anak ha napaka bait mong bata ang swerte ng magiging asawa mo" sabay kindat sakin ni mang benito

"Swerte talaga sa ganda ko na ito sus sobrang swerte nya" sabi ko ng nakahawak sa pisnge ko at ikinatawa naman ni mang benito

"Nakakatawa ka talaga anak sige na umuwi ka na sainyo at gabi na baka mapano ka pa dyan oh"

"Sge na nga uwi na po ako mang benito ingat po kayo" pag papaalam ko sakanya

"Ingat ka rin anak"

At tumalikod na ako at naglakad pauwi saamin

........

Pagka bukas ko ng pinto eksaktong hinahanda na ni mama yung pagkain

"MAAAAAAA!!!!PAAAAA!!!BUNSOO!"
Sigaw ko agad na nakapag patalon sakanila

"Anak naman may problema ka ba? Pag usapan natin yan?anak alam kong gagaling ka pa wag kang susuko nandito lang kami para sayo"  sabi ni papa with matching papunas luha pa

"Oo nga anak wag naman ganito wag mo kami iwan gagaling ka pa tiwala lang sa diyos"  sabi ni mama na nanalangin pa

"Ate ipagdadasal kita at mag po-post ako sa fb ng picture mo tapos yung caption 1 like = 1 prayer ate matutulungan ka namin wag kang ganyan" sabi ng kapatid ko na nakasapo pa yung mga kamay nya sa mukha nya

Tinignan ko sila na para bang may ulo sila sa pwet ●.●

Wala na yatang matino sa pamilyang toh kundi ako lang ganern talaga ^•^

"Kailngan nyo na talagang kumain HAHAHAHAHA well may good news ako sainyo!"  Sabi ko na nakapag palaki ng mga mata nila

"Ano yun?!"  Sabay sabay nilang sabi palapit sakin

"Hulaan nyoooooo"  sabi ko na nakapag pa busangot sakanila

"Ummm....magaling ka na?" Pangunguna ng kapatid ko =.=

"Ahhhhh....hindi ka na magulo matulog?!"  Pangalawa ka pa papa gigil na talaga ako! =_=

"Ehhhh....hindi ka na binabangungot kapag wala kang katabi?!" Sabi ni mama haysss 3....2....1
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.AHHHHHHHHHH! OO NA TAMA NA! MEDYO GIGIL NA AKO EH!

And yes binabangungot po ako kapag wala akong katabi kaya lagi kong katabi ang kapatid ko kasi hinahabol ako ng nakaraan ko na malalaman nyo rin kung bakit bangungot ito para saakin

Magigising ako ng umiiyak, sumisigaw, takot na takot at pawis na pawis ganon ang epekto saakin nito

Ok balik tayo sa pang gigigil ko

"Haysssstt kayo talaga! Hindi hindi at hindi ok? Ang good news ko is pasabog talaga kaya maghanda na kayo" pag kasabi ko non ay agad silang nagtakip ng ulo gamit ang kanilang kamay

Hayssss pamilya ko talaga sila

"Hindi to bomba guys HAHAHAH"
Sabi ko at tinawanan sila

"Ok eto na nakakuha na ako ng trabaho at sobrang laki ng sweldo tsaka yayaman tayo!"

"Ate ano yung trabaho mo?!"  Tanong ng kapatid ko

"Yaya, kaso dun ako titira" sabi ko sakanila at lumungkot ang mga mukha nila

"Anak sure ka na ba dyan?" Tanong ni mama

"Opo ma sure na po ako para naman po saatin itong gagawin ko kaya wag na kayo mag alala"

"Pero anak kailangan lagi kang mag iingat alam mo naman hindi kami sanay na wala ka sa tabi namin" sabi ni papa

"Oo nga ate tawagan mo kami kapag may nangyareng kahit ano ah tsaka mag iingat ka lagi" sabi ng kapatid ko na naluluha pati si mama

"Alam ko po yun bukas narin po ang alis ko"

"Yakap nga pamilyang rodriguez!" Sigaw ni papa

"Yakap!!" Sabay sabay naming sigaw at dali dali kaming nagyakapan pamilya at nagtawanan

------🌸

Hey guysss nagustuhan nyo ba? Comment down kung ano ang gusto nyong sabihin sakin at baguhin para naman pasok sa panlasa ng mga readers ko right?

Soooo don't forget to vote

And pls follow me if you want

Labyaaaaaah galsss!

The destined maidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon