Number six

43 4 2
                                    

Sana

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula
Pero ang alam ko lang ay una pa lang nating pagkikita ay ako'y natulala.

Sana'y mapansin mo ang isang katulad ko
Na puro pagmamahal ang iaalay sayo.

Sana'y dinggin mo ang tibok ng puso ko
Na walang ibang sinisigaw kundi ang pangalan mo.

Sana'y makita mo ang halaga ko
Kasi sawang-sawa na ko sa kakaasa sayo.

Sana'y malaman mo na mahal kita
Para pag nalaman kong pareho tayo ng nadarama,
Maging akin ka na

Her Secluded WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon