Number thirteen

36 3 0
                                    

Ako, Siya, Ikaw, Sila

Ako'y gulong-gulo,
Dahil sa mga katagang binibitawan mo.
Ako'y umaasa sayo,
Dahil sa pagtrato mo sa 'kin na parang espesyal ako.

Sana naman ay linawin mo,
Ang nararamdaman mo sa isang katulad ko.
Bawat pag-uusap nating dalawa,
Wala akong ibang hiniling kundi sana tumagal ito.

Unti-unti na 'kong nahuhulog,
Lagi kang nasa isip sa pagtulog.
Puso ko'y tila parang tinuhog,
Damdamin ko'y parang hinahalughog.

Sana bukas, makalawa malaman ko na.
Malaman kung pareho ba tayo ng nadarama.
Sana bukas, malawa aminin mo na.
Aminin mo na kung ako ba o siya.

Sana naman totoo na,
Kasi sawang-sawa na ko na mapaglaruan lang ng iba.
Sana naman ito na talaga,
Kasi ayoko ng umasa na parang tanga.

Ayokong may kasama kang iba.
Ayokong may tinutukso sayong iba.
Ayokong may nagpapasaya sayong iba.
Kasi gusto ko, ako na lang.
Ako na lang at wag na ang iba.

Wag ka ng tumingin sa iba kasi narito ako't umaasa.
Alam kong di mo sinabing ako'y umasa,
Pero ano ka ba, tanggap ko naman basta masaya ka.
Iba ako, iba siya. Iba sila, iba ka.
Kaya wag mong sabihing ika'y para sa kaniya at ako'y para sa iba.
Dahil napakasakit na, walang hiya ka.

Her Secluded WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon