John's POV
"JJ! Bumangon ka na diyan, mag-almusal ka na dito!" Sigaw ni Mama.
Napatingin muna ko sa orasan namin dito sa sala. Dahil sa sala lang ako natutulog, isa lang kasi ang kwarto dito sa bahay namin at si Mama't Papa pati ang bunso kong kapatid na si Jonnah ang nandun.
Maliit lang kasi ang kwarto 'don. At hindi din naman kami ganon kayaman, simple lang din ang buhay namin.
"Opo" sagot ko kay Mama. 7:30 am na kasi at may pasok pa ko ng 9:00 am.
Kailangan ko pang sunduin ang babaeng pinakamamahal ko at sabay kaming papasok sa school.
Kumakain na din ako.
"Oh anak? Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong sakin ni Papa. Sabay-sabay kaming pumapasok nila Papa at ni Jonnah. Pero si Papa ang naghahatid kay bunso sa school nito. Dahil ang pinakadyosa kong jowa ang sinusundo ko sa bahay nila at sabay naming susunduin sa school si Jonnah kapag uwian na.
"Okay lang naman Pa" sabi ko. Masaya din naman ako sa course na kinukuha ko, pangarap ko talagang maging Astronaut, ang weird diba? Pero hindi naman ganon kaweird. Hahaha! Mahilig kasi ako sa mga stars.
"Eh kayo ni Ate Morie?" Pagsingit ni Jonnah sa usapan.
"Hay naku kang bata ka! Kumain ka na nga lang dyan" sabi ni Mama ng dapat ako na ang sasagot.
May ginagawa din kasi si Mama, nagbebenta siya ng mga biko, puto, at kung ano-ano pang kakanin sa umaga. Pagsapit naman ng hapon nagtitinda siya ng ice candy, coffee jelly, halo-halo at kung ano-ano pang palamig. Ang pwesto lang naman kasi Mama eh sa harap ng bahay namin, pero pag naglalako siya ng mga kakanin kailangan niyang libutin ang barangay namin para makabenta.
Minsan pag nakakaluwag-luwag nagluluto si Mama ng lutong ulam para dumagdag ang kita niya. Gustong-gusto din naman ni Morie ang niluluto ni Mama. Hindi din naman sila ganon kayaman parehas lang kami ng istado ng buhay.
Halos tatlong taon na kaming magjowa, isang taon ko siyang niligawan. Mahirap nung una kasi hindi siya yung tipo na babae na pa-easy to get. 2nd year college na kaming dalawa, 4th year highschool niya ko sinagot at 3rd year highschool ko siya niligawan. Hindi kami nagcecelebrate ng Monthsary, Anniversary lang at si Mama ang gustong gusto niyang magluluto ng pagkain kasi sarap na sarap siya.
Nagkakasundo din sila sa lahat. Si Papa naman eh minsan lang makita si Morie kasi family driver si Papa.
Sabay-sabay na din kaming umalis tatlo nila Papa, si Mama naman eh nag-aayos pa ng paninda niya, minsan tinutulungan ko si Mama pati si Jonnah tumutulong din pag may free time kami. Si Jonnah kasi 3rd year highschool na madami siya laging inaasikasong paper works, sa sobra niya atang talino gusto lagi ang mag-aral.
Naghiwalay na din kaming tatlo, at ako nagpunta sa kabilang iskinita, mga tatlong isikinita ang layo nila Morie sa bahay namin. Nang makarating na ko sa bahay nila kumatok muna ko syempre sa gate nila.
Nga pala, bago ko makalimutan magpakilala, I'm John Joenas Villaflor, 20 years old. Kapatid ko si Jonnah Cassie Villaflor, Celestine Villaflor and Jhon Villaflor are my parents.
At hindi ko namalayan nandito na pala ako sa bahay nila Morie.
"Morieee!" Sigaw ko. Medyo mabagal din kasi siya kumilos, mas mabagal pa sakin.
"Sandali lang iho" sabi sakin ng Papa niya.
"Pumasok ka muna" pag-aaya sakin ng Mama niya.
"Hindi na 'ho, hihintayin ko na lang po sya dito" pagtanggi ko.
"Sandali lang iho, tatawagin ko lang siya" pagpapaalam ni Tita. Lumabas muna si Tito para makipagkuwentuhan habang hinihintay ko si Morie.
Hanggang sa natapos na din si Morie at sabay na kaming naglalakad.
"Goodmorning babyloves!" Masayang bati ko kay Morie.
Agad naman siyang tumingin at ngumiti.
"Goodmorning din love" matamlay niyang bati.
"May problema ba love?" Nag-aalalang tanong ko.
Hindi ako sanay na ganto siya, sanay ako na mas masaya pa siya sakin.
"Wala love, iniisip ko lang yung mga paper works ko" sabi niya. Alam ko naman na nahihirapan din siya kasi leader siya sa group nila tas president pa sya sa buong campus at room namin.
"Don't worry love. Naiintindihan ko, basta 'wag mo lang kakalimutan yang sarili mo. Makalimutan mo na't lahat pati ako 'wag lang ang sarili mong kalusugan. Hindi ko kakayaning mawala ka love" sinsero at naglalambing kong sambit.
"Ang OA mo naman masyado love" at sabay kaming natawa. Kasabay nun ang pagahalik ko sa noo niya at inakbayan siya.
Masaya kaming naglakad hanggang sa makapunta na kami sa room namin dalawa. Parehas kami ng course na kinukuha, kung ako mahilig sa mga stars, sya naman sa moon. Isa sa mga goal niya ay ang makapunta kaming dalawa sa moon. Alam ko na para sa iba imposibleng mangyari, pero dahil desidido kami sa course namin kahit alam ko na may pagkamahal, eh sinikap namin na maging varsity parehas. Para hindi masyadong maging pabigat sa mga magulang namin. Volleyball player kaming parehas, dahil alam ko na kapag nagbasketball ako madami akong makakakumpetensya na kateam mates. Kaya mas pinili kong mag-volleyball na lang at saka isa pa eh mas kakaunti ang sumasaling lalaki sa volleyball. At kung tutuusin din naman eh, mas hilig at mas magaling ako kumpara sa pagbabasketball.
Naghiwalay na kami ng uupuan ni Morie, kasi may seating arrangement kami. Hanggang sa dumating na ang lecturer namin. Nakinig lang kaming lahat at alam ko sa sarili kong makikitaan kaming dalawa ni Morie na interesado talaga sa kursong kinuha. Pagtapos ng klase namin nagta-try-out kaming dalawa ni Morie ng sabay. Alam yun ng both side ng family namin. Todo support lang naman sila.
At dumating ang uwian na. Bago kasi kami magtry-out ni Morie kumakain muna kami kahit fishball man lang. Wala naman kasi siyang arte sa katawan.
"Love? Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.
"Kahit ano love"matamlay niyang sabi.
Hindi ako sanay na ganto siya. Alam ko ding may mali. Hinawakan ko ang leeg niya at sobrang init niya.
"Uwi na lang tayo love, ang init mo sobra. Sandali lang, bibili lang ako ng gamot, ihahatid na kita sa bahay niyo" sabi ko sakanya.
"Eh paano si Jonnah?" Tukoy niya dun sa kapatid ko.
"Hintayin mo na lang ako dito sa may bench, bibili na din ako ng gamot mo, isasabay ko na din dito pagbalik ko si Jonnah" paliwanag ko at humalik muna ako sa noo niya bago tuluyang umalis. Ngumiti at kumaway din muna siya.
Kasabay ko na ngayon na naglalakad si Jonnah, papunta sa school ko para sunduin si Morie at dala ko na din ang gamot na binili ko para kay Morie.
"Kuya? Para saan yang gamot na yan?" Halata sa mukha ni Jonnah ang pag-aalala.
"Ah eto, para kay Ate Morie mo 'to, may sakit kasi siya kaya sinabi ko na dun na lang muna siya sa bench maghintay" paliwanag ko.
"Ah ganun ba kuya? Kaya pala hindi siya ngayon nakasama" sabi ni Jonnah.
Tumango na lang din ako, at ngayon nandito na kami sa bench malapit sa school kung saan ko iniwan si Morie.
Binitbit ko na yung bag niya. At ihahatid ko na siya. Ipapaalam ko na lang din sa mga kateam mates namin na hindi muna siya makakapagpractice. Inihatid ko na muna silang dalawa ni Jonnah at Morie sa bahay at babalik pa ko sa school para magpractice at ipagpaalam si Morie.
******
A/N:
Sorry po sa wrong grammars and typos. Alabyu guys! Support meh! Godbless!Voments! And be a fan!
YOU ARE READING
Take Her To The Moon
Teen FictionMakakaya mo bang mabuhay pa ng normal at masaya kapag dumating ang araw na iwan ka ng taong mahal mo? Kung iniisip niyo na 'Kaya niyo', linawin ko lang muna, hindi literal na iniwan ang nangyari kay Morie ang bidang babae na nagmahal ng sobra sobra...