Prolouge💕

55 5 1
                                    

Thank you po  Koreanang_Kazyang28 sa book cover. Aylabet sow mats!!😊😍

******

"Maari niya ikamatay ang ganiyang sakit Morgan" may lungkot na sambit ng isang babae na may edad na.

"Alam ko tita, pero lagi na lang ba siyang ganyan? Tita ako ang nahihirapan para sakaniya" nag-aalalang sagot ng babae na nag-ngangalang Morgan.

"Iha, nasa dugo namin ang ganyang sakit. Ngunit sa kasamaang palad ang anak ko pa ang nakamana" paliwanag ng may edad na babae.

"Hindi ba siya pwedeng uminom ng sleeping pills?" Mangiyak-ngiyak na sabi ng dalaga.

"Wala din talab iha, pati ang Gene Therapy niya" sabi ng babaeng kausap ng dalaga.

"Ano po ang pwede nating gawin?" Sabi ng dalaga, kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Wala tayong magagawa iha, hihintayin na lang natin siyang mamat-" naputol ng may edad na babae ang sasabihin ng biglang napahagulgol ng malakas ang dalaga.

"Hindi pwede! Hindi ba pwedeng ako na lang tita?" Humihikbi pang tanong ng dalaga.

"Iha, hindi pwede yang gusto mo. Ikaw ang magpapatuloy ang mga plano niyo ng anak ko, ng nobyo mo" umiiyak na din sa sambit ng babae, kasabay ng pagyakap niya sa dalaga.

"Paano ko 'yon magagawa kung wala na siya, kung wala na ang nagbibigay sakin nh lakas?" Patuloy pa rin sa paghikbi ang dalaga, kasabay din nito ang pagyakap niya sa babaeng kausap.

"Oh Mommy? MM, babe?" Kita sa mata ng binata ang pagkasabik na makita ang nobya, pero mayron ding parte sa lalaki ang pagkalungkot.

"Sige iha, anak maiwan ko muna kayo dito sa labas at may aasikasuhin lang ako?" Pag-papaalam ng nanay ng binata.

"Naiyak na naman kayo" may mapait na ngiti ang sambit ng binata. At napatigil sandali sa paglalakad ang nanay ng binata at nagpatuloy ulit ng marinig niya ang sagot ng nobya.

"Wala 'to" naiilang na sabi ng dalaga.

"Sabi ko naman sayo, na wag ka ng umiyak. Nandito pa rin naman ako sa tabi mo lagi, hindi naman literal na katabi pero lagi kitang babantayan babe. Tsaka nandito naman bestfriend natin" sabi ng binata. Kasabay ng pagpunas ng mga luha ng babae na kanina pa tumutulo ang siyang pagtulo ng sariling luha ng binata.

Natapos ang araw na 'yon ng may lungkot. Mahirap maghintay ng tao na mamatay. Kung titignan, minsan lang tayo makakita ng ganon. Masakit para sa pakiramdam na ang paghihintay mo ay hindi ang
mabubuhay ang taong mahal mo, hindi ang pagkagaling ng taong mahal mo sa malubhang sakit niya. Kundi ang hinihintay mo ay ang kung paano siya maghihirap, mamamatay ng walang gamot na magpapagaling sa sakit ng taong mahal mo.

******
A/N:
Panibagong kadramahan na naman Pamilyang Sabog! Eto na talaga, lagi ko namang sinasabi na sorry sa wrong grammars and typos. Yun lang. Salamatiiii! Godbless and Alabyu!

Voments! And be a fan!

Take Her To The MoonWhere stories live. Discover now