9

2 0 0
                                    

Jacob's POV

Ilang araw na mula ng maganap yung aksidente. At patuloy pa din kami sa paghanap. Mula Umaga hanggang Gabi. Mula kapatagan hanggang dagat. Hinahanap parin namin si Ezra.

"Sir! Wala po dito si Ms. Ezra! Hinalughog na po namin yung buong gubat!"

"Hindi! Imposible yun! Di siya pwedeng mawala dito. Andito siya! Kaya hanapin niyo!"

Sa sobrang pag-aalala ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Hindi nako mapakali. Umaabot nako sa punto na gusto ko na ding magpakamatay.

"Dad! Di ko na kaya! Mahal ko si Ezra! Hindi siya pwedeng mamatay!"

"Alam mo anak, parehas tayo ee. May mga oras noon ng mawala yung Mommy mo. Parang pasan pasan ko lahat ng problema ng mundo! Umabot na rin ako sa punto na gusto ko ng tapusoin yung buhay ko! Pero di ko ginawa dahil andito ka pa! Mahal kita anak. Huwag mong sayangin yung buhay mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa!"

"Dad! Mahal ko si Ezra. Napag-bago nya ko! Di ko kakayaning pati sya mawala pa sakin!"

"Jacob, ipagpasa diyos nalang natin ang lahat. Ipagdasal natin ang kaligtasan ni Ezra."

---------
Ilang araw na ang nakalipas. Ilang buong gabi narin ng paghahanap pero di ko pa din mawari kung nasaan si Ezra. Pero di parin ako nawawalan ng pagasa na mahanap ko siya.

---------
A month ago...

Office

"Dad! Gusto ko munang pumunta ng States. Gusto ko munang mag-aral ng business management para naman makapagpatayo na din ako ng sarili kong business. Masyado na kong depedent sayo Dad."

"It's up to you Jacob. It is your choice. Isa pa malaki ka na. Don't have any reasons para diktahan kung anong gusto mo sa buhay. Just be yourself. At pagpunta mo don, make a name for the Dela Vega. At pano nga pala yung paghahanap mo kay Ezra?."

"Dad! Buhay si Ezra! At pagbalik ko dito sa Pilipinas. Hahanapin ko siya at hindi ako titigil hanggat di ko siya makita!"
--------
Ezra's POV

"Uhmm~~. Asan ako? Sino po kayo?"

"Iha. Iha. Wag kang mag-alala. Ligtas ka na. Ako si Tatang Selio "

"Bakit po ako nandito?"

"Nakita ka namin ni Tatang sa dalampasigan. Nakita ka naming walang malay kaya inuwi ka muna nmin dito. Pasensya ka na ha. Barong barong lang tong bahay namin. Ako nga pala si Miko."

"Maraming Salamat po ahh. Pero kailangan ko na pong umuwi! Aray~~"

"Wag ka munang tumayo Iha. Humuhilom pa lang yung sugat mo. Baka mapano ka pa."

"Oo nga. Welcome ka nman dito sa bahay namin. Sino ka nga pala? Tsaka bakit nasa dalampasigan ka at walang malay? Buti nalang nakita ka ni Tatang"

"Wala akong ibang matandaan ee. Pero ang naaalala ko bumagsak yung sinasakyan naming eroplano. Tapos may sumisigaw ng pangalan ko... Ezra."

"Iha! Mag-pahinga ka muna. Hanggang sa may maalala ka. At bukas, pag-gising mo bibilhan ka namin ng mga gamit mo."

"Maraming Salamat po Tatang Selio. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin sa lugar niyo."

"Basta pag may kailangan ka. Andito si Miko. Siya na ang bahala sayo."

"Miko Bustamante! At your service!"

"Sige Iha. Maiwan ka na muna namin dito. Para makapagpahinga ka na din."

"Sige po. Salamat po."

Di ko pa rin lubos na maisip kung asan ako at kung bakit ito nangyari sa akin. Wala talaga akong maalala. Sino kaya yung lalaking sumisigaw ng pangalan ko.

-------
End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost Memories (Amore Serye)Where stories live. Discover now