Nang nasa kotse na kami ay tahimik lang si Mark. Hindi rin ako nagsalita. Ipinapalagay ko na baka may iniisip lang ito, bagay na nagapapabigat ng aking damdamin. Nainis ako sa aking sarili.
Why am I affected ? Gish!
•••
Umalis si Manang Gina kaya ako ang nagluto ng hapunan. Nagprisinta lang naman ako na ako na ang maghahanda para sa hapunan namin. Gusto kong patikimin ang maglola nang aking specialty na Sinigang.
Bonding moments na kase namin na Mama ang magluto kaya natuto na rin ako. Magkaroon ka pa naman ng Mama na napakagaling magluto.
Abala ako sa pagbabalat ng labanos sa kusina ng lumapit si Mark. Nagtama ang paningin namin kaya agad na sumikbo ang dibdib ko. Gish!
"Ang swerte ko talaga." anito bago hinila ang isang silya at umupo habang pinapanood ako sa aking ginagawa. Bigla naman akong na-conscious.
"Suwerte saan?"
"May nurse na ang Lola ko, may cook pa kami." nakangiting wika nito. Ngumiti rin naman ako.
"May maitutulong ba ako?" itinulak ko sa kanyang harap ang isang tali ng sitaw.
"Putul-putulin mo 'yan." tumalikod naman ako para tingnan ang pinapalambot kong karne. Pagbalik ko ay napasulyap ako kay Mark. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makitang nakatitig ito sa akin habang nagpuputol ng sitaw.
"Bakit? "tanong ko.
Umiling ito bago ngumiti. "Wala, I'm just amazed."
"Amazed of what?"
"Of you. Of what you're doing. Kung titingnan ka parang wala kang alam sa buhay. Pero ang totoo ay marami ka palang alam gawin tulad ng pagluluto, paglilinis, at iba pang gawaing-bahay."
"Ah, iyon ba? Tinuruan ako ng Mama ko."
"Ang suwerte ng mapapangasawa mo." anito. Napaamang naman ako.
"May nasabi ba akong mali?"
"W-wala."
"Pasensiya ka na. Baka nakukulitan kana sa akin." tumayo ito. "Tapos na itong sitaw. Aalis muna ako baka naabala na kita."
"Hindi. Huwag kang umalis." biglang sabi ko. I wanted him to stay. I wanted to talk to him all the time. Dalawa nalang ang nalalabi kong bakasyon at baka bumalik na rin ako sa Maynila sa makalawa. Dahil matatapos na ang pag-aayos ng kotse ko. Mami-miss ko siya. Gish! Landi ko. Ayaw kong isipin pero yun ang binubulong ng puso ko.
Tumingin si Mark sa akin.
"Yong kangkong. Pakihimay mo na rin." agad na sabi ko. Sumunod naman ito agad. Maya-maya ay kaswal na uli ang pag-uusap namin. Naging normal na rin ang tibok ng puso ko. Marami na kaming napag-usapan gaya ng mga kapatid nito at mga pamangkin. I thought I started to know him better through his stories.
"Masaya ang pamilya namin kapag nagkakasama-sama kaming lahat. Two years ago, umuwi si kuya ko kasama ang pamilya niya galing Korea. Masayang-masaya noon si Lola. Pero two days pag-alis ni kuya ay nagkasakit si Lola. Na-confine siya sa ospital. Doon na nagsimula lumala ang sakit niya at pabalik-balik siya sa ospital." pagkukuwento niya."At isa sa dahilan kung bakit kinukulit niya na akong mag-asawa na ay para daw magkita-kita na kaming magkakapamilya. Dahil kapag kasal ko na ay siguradong uuwi uli si kuya ko."
Bumalik na naman ng mabilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Tumalikod ako at hinulod ang gabi sa kaserola ng niluluto kong sinigang bago nagsalita.
"Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa. Marami naman diyang magagandang babae at saka thirty ka na pala at sa sunod na araw eh thirty one ka na." ani ko.
Natawa ito ng mahina. "It's not that easy."
"Bakit naman?"
"Wala, eh"
"Wala ka talagang girlfriend? Boyfriend?" tanong ko. Kahit na sinabi na nito na wala siyang kasintahan, hindi ako gaanong kumbinsido dahil guwapo na ito dagdagan mo pa na mabait. Umiling naman siya.
"Kung mayroon, hindi na kita inalok na magpanggap na maging boyfriend ko." ani niya.
"Bakit?" kumunot naman ang noo nito. "Anong bakit?"
to be continued..
••
Sorry short update 😂😂

BINABASA MO ANG
[BXB] My Husband is a Soldier
RomantikBecause of the tragedy that happened to his ex-boyfriend and father, Henry has sealed in himself that he will never loved a soldier again. However, destiny led him to an enticing army commander, whose kindness and charisma captured his heart once m...