---
"Malay mo, hindi pa huli ang lahat." sabi ko.
"Well, nobody can tell what will happen in the future. We will see." anito.
•••
THIRD PERSONS POV
Parang hiniwa ang puso niya sa sinabi nito. Para na rin nitong sinabing may pag-asa pang magkabalikan ito at si Kevin. Gayunman, walang masama kung magkabalikan ang mga ito dahil mayroong totoong relasyong sinimulan ang mga ito.
Pero bakit nasasaktan siya?
Hanggang nang maihanda na nila ang spaghetti, sandwiches, at cake sa mesa ay mabigat pa rin ang dibdib niya. Pero pinilit niyang pasayahin ang sarili dahil masaya ang lahat.
Kinantahan nila ng birthday song si Mark. Katabi niya ito. Kahit nahalikan na nina Ate Coleen, Ate Jillian, at ng mga pamangkin nito si Mark nang dumating ang mga ito ay muling lumapit ang mga ito at isa-isang hinagkan ang binata.
"Tito Mark, bakit hindi ka niki-kiss ni Tito Henry?" tanong ni Junjun, ang anim na taong gulang na panganay nina Ate Coleen at Kuya Nick. Nagmana yata ito sa katabilan ng mommy nito.
Nagtawanan ang lahat maliban sa kanila ni Mark. Nagkatinginan silang dalawa. Pakiramdam niya ay pulang-pula na ang mukha niya. Pakiramdam din niya ay hindi lang ang mukha niya ang nag-init kundi maging ang mga tainga niya.
"Ikaw Junjun, ha? Manang-mana ka sa kapilyuhan ng daddy mo at kadaldalan ng mommy mo," anito para marahil ay maiwas siya sa sitwasyon, kapagkuwan ay hinapit siya nito sa kanyang baywang.
"Kiss lang, eh" nakangiting hirit ni Junjun.
Sumabad ang ngiting-ngiting si Lola Bening habang nakatingin sa kanila.
"Pagbigyan na ninyo ang apo ko." anito. "Ako'y matanda sa sinauna at konserbatibo pero kayong dalawa na yata ang pinakakonserbatibong magnobyo na nakita ko. Wag niyo kaming intindihin kung nahihiya kayo dahil pareho kayong lalaki. Wala sa amin yan mga anak. Aba'y ang mga kabataan ngayon, kahit sa kalye, naglalampungan. Pero kayong dalawa, parang laging nagkakahiyaan." tila pagod na pagod na sabi nito.
Alam niyang hindi titigil ang mga ito sa panunukso sa kanila ni Mark kung hindi makikita ang mga ito na hahalikan niya ang binata. Anyway, gasino na lamang ba ang halik? Birthday naman ng binata.
Bago pa siya lukuban ng hiya, humarap siya kay Mark, bahagyang tumiyad at hinalikan ito sa pisngi.
Pagkatapos ay humarap siya kay Junjun. "Okay na ba, Junjun?" nakangiting tanong niya sa bata.
Ngiti lang din ang itinugon ng paslit bago nakipag-highfive kay Lalay, ang limang apat na taong gulang na panganay naman nina Ate Jillian at Kuya Jordan.

BINABASA MO ANG
[BXB] My Husband is a Soldier
Любовные романыBecause of the tragedy that happened to his ex-boyfriend and father, Henry has sealed in himself that he will never loved a soldier again. However, destiny led him to an enticing army commander, whose kindness and charisma captured his heart once m...