"Nakaka-adik ang labi mo, Mahal. Sarap." anito sabay haplos sa kanyang pisngi at humalik sa noo niya."
•••
PARANG panaginip lang kay Henry ang lahat. He had never been so happy in his life. Ngayon lang niya naranasan ang ganoong uri ng saya. Lumipas ang mga araw na magaang-magaan ang kanyang pakiramdam kahit missed na missed na niya si Mark.
Nang magpaalam siya kay Lola Bening, nangako siyang babalik din agad siya roon.
Hindi pa man niya naipagtatapat sa Mama niya ang tungkol sa kanila ni Mark ay inaasahan na niyang mauunawaan siya nito. Ayon dito, tunay na mahiwaga ang pag-ibig. Alam din daw nito na hindi hahayaan ng Diyos na maranasan uli niya ang naranasan niyang sakit noong namatay ang daddy at nobyo niya.
Araw-araw ay tinatawagan siya ni Mark mula sa Mindanao. Punong-puno ng pagmamahal at pangako ang bawat pag-uusap nila. Kapag may pagkakataon ay tine-text din siya nito. Gustong-gusto nitong umuwi na pero hindi nito maiwan ang misyon.
Ilang beses na rin niyang natawagan si Lola Bening. Bago pa siya umalis doon ay binilinan niya si Manang Gina na i-text siya kapag nasa balkonahe ito para matawagan niya si Lola Bening dahil doon lang sa bahaging iyon ng bahay nina Mark may malakas na daloy ng signal.
Mukhang bumubuti na ang kalusugan ng matanda. Sa huling checkup daw nito ay napansin ng doktor nito na hindi na ito maputla. Hindi na rin daw ito ganoong hinihingal.
At boung akala niya ay tuloy-tuloy na ang kaligayahan niya, ngunit mali siya. Dalawang linggo nang hindi siya nakakatanggap ng tawag mula kay Mark. At ang dalawang linggo ay nasundan pa ng dalawang linggo.
Nang huling tawag ni Mark ay sinabi nitong baka matagal itong hindi makakatawag sa kanya dahil pamumunuan nito ang isang company ng sundalo na magsasagawa ng retrieval and rescue operation sa mga nasalanta ng bagyo sa isang probinsiya sa Mindanao. May gumuha raw na lupa at maraming tao, bahay, at property ang natabunan. Ang isang buwang misyon ng mga ito ay tumagal. Mukhang matatagalan pa bago uli sila magkita ng kanyang kasintahan.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang isang balita ang natanggap niya. May mga sundalo raw na na-ambush. The names of the soldiers who died and got hurt were withheld from the media. Gayunman, ay pinasabihan na raw ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo.
HENRY POV
Walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sa aking nabalitaan. Parang pasan-pasan ko ang boung mundo. Palagi akong lutang at di na rin ako masyadong makakilos ng maayos dahil sa pag-aalala.
Parang biglang gumuho ang mundo ko. Muli ko na namang naramdaman ang hapding naranasan ko sa pagkawala ng dalawang tao na mahahalaga sa akin. Para na akong nababaliw kaka-isip. Nag-aalala na rin si Mama. Awang-awa siya habang pinagmamasdan akong humahagulhol.
God, why do I always have to feel this kind of pain? Sawang-sawa na ako, eh. Gusto ko lang naman ang sumaya. Payagan niyo naman ako, oh! Lahat gagawin ko, ibalik niyo lang si Mark. Please! Wag niyo siyang hahayaang mapahamak. Di ko kakayanin kung pati siya ay tuluyan nang mawala sa akin. Nagmamakaawa ako. Iligtas niyo siya. Kahit di na para sa akin. Para sa Lola niya, ayokong masaktan ito.
Iniisip ko pa lang na mawala si Mark ay parang nawawalan na ako ng lakas.
"Anak hindi mo pa sigurado kung may masama ngang nangyari kay Mark," pang-aalo sa akin ni mama.
"Ma, paano kung wala na siya? Paano kung hindi man siya patay, malubha naman ang kalagayan niya? Paano kung---"
"Ssshhh... Huwag kang mag-isip nang negatibo. Kung mahal mo si Mark, ngayon pa lang, dapat tatagan mo ang loob mo. Naranasa ko na rin yan. Mahirap, pero kailangan mong tatagin ang loob mo. Walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi siya pababayaan ng poong maykapal. Manalig ka lang, Henry anak." mahabang sabi into. Alam kung pinaagaan niya lang ang bigat na dinadama ko pero di ko pa rin talaga maiwasan ang mabahala.
"Mahal ko siya, Ma. Pinilit kung alisin sa puso ko ang takot. Pinilit kong kalimutan ang pangako sa sarili ko na hindi magmamahal ng sundalo dahil sa kanya. Pero ngayon, mukhang mawawala pa siya. Parang mamamatay ako, Ma. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Kutang-kuta na akong masaktan. Ayoko na, ma. Mamatay ako kapag mawala si Mark."
"Anak, be strong. May awa ang Diyoa. Baka hindi lang siya makatawag sa'yo. Hindi ba't sabi naman sa balita, ipinaalam na sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo? Ibig sabihin, Mark is safe."
"Sana nga." sagot ko. Pinipilit ko pa ring tatagan ang loob ko.
Nang matawagn ko si Manang Gina at tinanong kung nakarating na ba kay Lola Bening ang balita tungkol sa nangyari sa mga sundalo sa Mindanao ay sinabi nitong wala naman daw silang natatanggap na balita. Ibinilin daw ni Ate Coleen na huwag magbubukas ng telebisyon at radyo sa bahay para walang malalaman si Lola Bening kung halimbawa mang may masamang nangyari kay Mark.
to be continued....
BINABASA MO ANG
[BXB] My Husband is a Soldier
RomanceBecause of the tragedy that happened to his ex-boyfriend and father, Henry has sealed in himself that he will never loved a soldier again. However, destiny led him to an enticing army commander, whose kindness and charisma captured his heart once m...