Ang Dalawang Lalaki

116 2 0
                                    

Annie

Ako si Annie Torellino nasa huling klase sa unang araw ng pasukan sa fourth year college.

"Bukas na kayong pwedeng mag avail ng locker," sabi ng adviser ko na si Ms. Ruthina, pagminsan naman e ang tawag nila sa kanya ay Ms. Ruthinang Maganda.

"Annie makinig ka!" biglang sumigaw si Ms. Ruthina sa akin kasi masyado akong nawala sa isipan ko.

"Ang sinasabi ko ay P100 ang locker, naintindihan nyo ba?" sabi ni Ms. Ruthina habang naka tingin sa akin.

"Opo, Ms. Ruthina" ang sagot ng mga kaklase ko. Biglang tumunog and bell, ibig sabihin ay tapos na ang klase sa unang araw ng pasukan at nagmadali akong papunta sa silid aklatan at nilagay ko ang bag ko sa tabi ng pintuan at pumasok ako.

Naghanap ako ng libro na tungkol sa mga hindi totoo na bagay at na kita ko ang libro na ang pamagat ay White Fang.

Sinubukan kong kuhanin ang libro at may naka hawak sa kamay ko, tumaas ang ulo ko at pati din ang naka hawak sa akin.

"Pasensya na kukuhanin mo ba iyon?" sinabi ng lalaki siya may Itim na buhok, luntian na  jacket at asul na mata.

"Hi, ako si Annie at oo kukuhanin ko ito" sabi ko habang naka tulala sa lalaki.

"Ako si Josephino pasyensya na ulit" sabi ng lalaki na naka tulala din.

Josephino

"Kuya sino nanaman yang kasama mo, hay nako bakit hindi naman lalaki ang kasama mo! ...Tingnan mo kaya ang babaeng na iyan!" sabi ng kapatid ko.

Kumuha nalang si Annie ng isa pang libro at tumakbo siya palabas ng silid aklatan, napansin ko din na naiwan niya ang kaniyang sapatos.

"Jelina hindi ko pa siya kilala hindi agad ako magkakagusto sa kanya" pinag sabihan ko ang kapatid ko, at sinundan ko si Annie.

Annie

Naiyak ako sa may bintana kung saan ko nakikita ang magandang hardin ng eskuwelahan namin.

"Pwede ba akong maki upo?"  sabi nang isang lalaki. Nalaman ko agad na si Josephino iyon.

Umupo siya sa sahig at sinuot sa akin ang naiwan kong sapatos.

"S-sige, p-paumanhin na lang d-dahil na g-galit ang k-kapatid mo s-sa i-iyo" sabi ko habang naiyak.

"Ang kapatid ko talagang na si Jelina" bulong ni Josephino.

"Tawagin na lang kitang Joseph?" tanong ko, at nagulat si Josephino.

"Sige, salamat wala pa ang na tawag sa akin ng ganiyan" sagot ni Josephino o Joseph nang nakangiti.

"Annie ikaw ba iyan?" sabi ng isang lalaki na may Itim buhok at Asul na polo.

"Ako to si Eneroh kaklasi mo ako sa grade 6". Tiningnan ko ang lalaki, tumayo siya at tiningnan ang  polo at buhok ng lalaki.

"Ikaw na talaga iyan, kamusta ka na?" sabi ko.

"Maayos naman ako, sino yang kasama mo?" sabi ni Eneroh.

"Ay ito si Josephino tawag sa kanya ay Joseph, Joseph kilalanin mo si Eneroh" sinabi kong nakangiti sa dalawang lalaki. "Masaya akong makilala ka" sabi ni Joseph. "At ako din" sabi ni Eneroh.

"Hmmm maglunch kaya tayo bukas para kayo ay magkakilala, okay?" suggestion ko sa dalawa.

"O sige payag ako" sagot ni Joseph. "ako din" sabi ni Eneroh.

"Kita tayo sa may hagdanan sa first floor" maligayang sinabi ko bago ako umalis sa may bintana.

Sa bahay ko niyong gabi na iyon ay iniisip ko sila Joseph at  Eneroh, inisiip ko kung bakit kaya silang dalawa ay parang magkaaway at dahil sa pagiisip ay naka tulog na ako.

Noong gumising ako ay 6:20 na, kaya nagmadaling akong nag-ayos at sa paglalakad sa  eskuwelahan. Pawisan na ako nong naka punta na ako sa eskuwelahan.

"Ay nakalimutan ko ang pamunas ko sa bahay!" nainis kong sinabi noong natandaan ko, at may nagbigay sa kanya ng isang pamunas

"Ito gamitin mo muna" sabi ng isang lalaki.

"Joseph ay salamat pero hindi pwede" sabi ko noong nakilala ko ang boses niya.

"Bakit naman, okay lang iyan sa akin" sabi ni Joseph habang na ngiti.

"O sige, salamat ha" sabi ko habang nagpupunas ng mukha. Namula ako sa hiya mabuti lang ay nag-pupunas ako ng mukha.

"Walang ano man Annie, kita tayo mamaya" sabi ni Joseph.

"Sige" sagot ko.

Ang Crazy Fairy tale Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon