Ang Pagkakasundo at muntik na pagka matay

18 0 0
                                    

Joseph

Na kita ko si Annie at ang kapatid ko, si Jelina, na nag-aaway.

tapos natakot ang kapatid ko at nadapa siya pero merong padating na kotse grabi ang bilis nito!

Tumatakbo ako papunta kay Jelina pero itinulak siya ni Annie...

Nabangga siya at natusok niya ang kanang panuro daliri niya sa isang bato...

"Jelin okay ka lang??!!" tanong ko sa kanya na nag-aalala.

"Opo kuya pero si Ate Annie..." nagsimula siyang umiyak.

"Meron pa siyang pag-asa dalhin natin siya sa ospital." sabi ng lalaki na nakabangga "Ako pala si Viktor tawagin nyo na akong Vik."

Nagmadali kami sa ospital at noong naka dating na kami ay dinala namin siya sa E.R.

"Kuya sorry po sorry na kuya" ilang beses nang sinabi ito ni Jelina na nag-aalala na ako na masyadong masama ang pagka gulat niya.

Nag-iisip ako hanggang lumabas ang doktor. "Maayos naman siya pero meron siyang coma..." biglang sumingit si Jelina. "Dahil po ba ito sa pagkabangga?!"

"Hindi naman pero pasensya na pero... Mas malala" sabi ng doktor. "Sa pagkaka tingin namin siya ay nalason."

Sa tingin ko mula ito sa bato na naka tusok sa kanya kanina.

"Tito Jose kailan na po ako pwedeng tumingin para malaman kung anong klase ng lason ang nalagay sa kanya" sabi ng isang lalaki na parang isang taon na mas malaki kay Jelina.

"Ah ito pala si Kenneth ang pamangkin kong nagtapos noong senior highschool. Kenneth sumama ka sa kanila" sabi ng doktor.

"Ah kamusta na kayo ako ay isa sa mga taong natulong sa doktor at nag-iimbistiga sa mga lason o problema sa katawan ikaw ay?" sabi niya kay Jelina satingin ko ay maganda silang magkasama.

"A-a e ako s- si j... Jelina ako ay ah... ako ay nagtapos na din ngayon ng senior highschool" nahihiya niyang sinabi.

"Jelina" tawag ko sa kanya ng matigas na boses.

Jelina

Ay grabe alam kong ngayon ko lang siya nakilala pero masaya talaga ako pagkasama ko siya satingin ko ako ay maygusto sa kanya...

"Jelina" sabi ni kuya, natakot ako kasi alam mo naman si kuya protective sa akin.

"Bakit po kuya?" sabi ko sa pinaka malambing kong boses.

"Alam kong may gusto ka sa kanya," sabi niya ng seryosong boses pero ngumiti siya, "Sige basta wag mong babasta-bastahin at... Wag mong mamadaliin."

OH... MY... G!!! Hinayaan ako ni kuya, hinayaan ako ni kuya na maki sama sa isang  lalaki!

"Salamat po kuya at opo hindi ko mamadalin at bbstahin!!!" sabi ko tumawa naman siya.

"Mamadalin at bbstahin?" tanong niya.

"Ah... alam mo naman ako, hehe" nahihiya kong sinabi.

"Ah kuy..." hindi ko natuloy.

"Saan ba tumama si a... Ate Annie" sabi niya, hindi ko napansin nandito na pala kami.

"D... Doon s... Sa bat... Batong iyon" sagot ko.

Tiningnan niya ito at may kinuha siyang plastik at may inilagay.

"Ito ay karayom na masyadong tinusok o nilagay sa mga antidepressant na gamot na mga Demerol at Monoamine Oxidase" sabi niya at bumalik na kami sa ospital.

Pagpasok namin sa opisina ni Doc. John Santiago ay sinabi niya sa amin na nagising na si Ate Annie.

"Okay na po ba siya? Meron po ba siyang paraan para mabuhay?!" tanong ko agad.

"Pasensya na pero kalahating pag-asa lang ang meron siya para mabuhay" sagot ni Doc. Santiago.

Pumunta na kami kay Ate Annie at gising nga siya pero mahina.

"Hi Ate Annie sorry kase e naman kasi a... well a gusto ko sanang sabihin sorry kasi hindi agad ako nagisip na wala ang mangyayari sa amin ni kuya. Una akala ko na hindi na ako mapapansin ni kuya kasi kasama niya ikaw at akala ko din na... Na mawawala na sa akin ang matalik kong kaibigan at hindi na ulit kami magsasaya, pero mas gumanda ang aking buhay at mas tumalino ako... Dahil... sa iyo" sabi ko nang malungkot at nahihiya.

"A... alam k... ko ang g... gany... yan a... at pas... yensa din a... ak... ako sa nang... yari" mahina niyang sinabi.

"Annie hindi ko nasabi sa iyo pero pinsan ko si Jodette, binati ko lang siya dahil pumasa siya sa scholarship niya" sabi ni Kuya Eneroh, tumawa na lang nang mahina si Ate Annie.

"Ito kumain ka" sabi ni kuya at binigyan niya ng mansanas si ate.

Kumagat siya dito sa prutas na ito, nilunok niya at... bumagsak siya sa kama at nabitawan ang mansanas.

Nakita ko ang heart meter ito ay tuwid!!!

Hinila kami ng mga nurse sa labas ako ay nasigaw, halos kalahating oras na at satingin ni kuya na wala na siya kaya naiyak na siya.

Dumating si Doc.

"Masaya kong sinasabi na siya ay mabubuhay na ngayon inalam lang namin kaya kami nagtagal, pasensya na" sabi niya.

Ang Crazy Fairy tale Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon