Chapter 2 "The interview"

17.7K 1.2K 152
                                    

TRQ#Chapter 2
THE INTERVIEW

"Bilisan mong mag sipilyo! Late ka na sa audition mo" utos ng room mate slash pinsan slash takas mental kong bestfriend na si Benedetta.

"Ang pagsisipilyo, hindi minamadali lalo na kung wala kang pambili ng listerine Ben" sagot ko matapos magmumog.

"Listerine talaga? Feeling mayaman ka Mon-Mon" silip nito sa banyo at saka pumasok. Gulo gulo din ang buhok nito gaya ko. Kulot problems.

Tinawanan ko siya. "Alam mo Ben, kung gusto mong magkaroon ng mga bagay-bagay dapat yung branded na! Mangangarap ka na ngalang eh, itodo mo na"

"Ok na ako sa oral-b" I heard her say saka nagmumog ng tubig. "Kaso wala din tayo pambili nun" dagdag niya kaya nagtawanan nalang kami.

"Ok goodluck Mon-Mon! Milyones ang premyo sa TRQ at isa sa mga gwapong-gwapong Allegro! Akitin mo ng hard at huwag okrayin si Air Allegro huh?" bilin nito saka itinataas ang palda ko.

"Mini skirt na nga wag mo namang gawing micro pa! Lilis ka ng lilis eh" simangot ko.

"Aba naman Mona Lisa, ikaw ang pumasa sa thousands of women aspiring to be Air's wife, ako nga hindi pumasa e mas alluring naman ako sa'yo! Magpakita ka naman ng konting alindog" ismid nito sa akin.

"Exactly! They must have seen something good in me at nasama ako sa top 52"

"Katulad ng?" She huffed her frustration.

Nginitian ko siya. "My million dollar smile! Di mo ba alam na alagang bayabas ang ngipin ko" pagmamalaki ko kasi totoo naman. I have the nicest set of teeth ever!

"At alagang kalamansi ang tuhod at kilikili mo?" She added.

"Oh, diba maputi?"

"Ewan ko sa'yo, speaking of Calamansi, tegi ang puno sa likod bahay" she said and handed me my clutch bag slash from U-K-tag-80. Infairness bumagay siya sa mini skirt ko parehong animalier.

"Luh? Bakit namatay?" Sabi ko at sumilip sa bintana.

"Na anthrax yata" she said waiving her hand in dismissal.

"ANTHRAX? Sa kalabaw yun tanga" I said rolling my eyes.

"Oh di natuyot! Wala siyang tagadilig" sabi niya at lumabas na ng kwarto.

~~~~

After a lot of disapproving stares sa bus at jeep ay nakarating narin ako sa bahay ni Kuya! Haha. Oh well hindi naman bahay ni Kuya ng Big Brother because infront of me was a mansion. Kung kaninong Mansion? Wapakels kasi di naman akin.

Inayos ko ang nanlalagkit kong hair and I know buhaghag be like na ako.

Hindi na ako nagtaka nang may media sa bungaran ng mansion. Isang istasyon lang yun at ang alam ko exclusive sila ang kukuha ng mga footages ng kabaliwan ni Air Allegro na'to.

At yun ay dahil sa mga Allegro din ang TV station. Oh diba sila na ang mayaman!

May mga Id pass nang ibinigay sa aming mga mapalad na nakasama sa 52, ihinatid pa ito ng isang utusang naka Chevy at hindi basta bastang messanger. Taray nila promise. Everything that money can buy nga naman.

Ang alam ko ay may mini interview na mangyayari today, background checking kumbaga. Hindi ko lang maintindihan dahil sa mga resumè na ipinasa namin may detailed background naman na kaming nailagay kasi isa yun sa requirement.

Agad akong nilapitan ng isang staff nang makapasok ako sa mansion. Nakakulay asul itong uniform gaya ng ibang pakalat kalat na staff sa loob.

"Mona Lisa Mariano?" she called me out. Nakatingin siya sa Id Pass kong nasa dibdib ko.

"Opo" I smiled a bit.

"Ikaw nalang ang hinihintay, saan ka ba galing?" She snapped at me.

"Sa bahay?" I tried not rolling my eyes when I answered. She halted and looked at me na parang ang tanga ng sagot ko. Eh di ba tanga din naman ang tanong niya?

"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi pang nightclub ang interview na ito! You are going to impress a billionaire for dick's sake" maarteng sabi nito.

"Oh diba I am going to impress his dick? What's wrong with my dress?"

She chuckled. Kung kanina ay sinusungitan ako nito bakit ngayon naman tumatawa na siya? Aning lang din?

"I am Stefani" she said at saka nilahad ang kamay.

"Mon-Mon" sabi ko and we shook hands.

"Mon-Mon talaga? Palitan mo naman ang name mo girl"

"Do I need to pretend into someone I am not?" Sagot ko. Kasi duh? Eversince paslit pa ako, Mon-Mon na ang tawag nila sa akin.

"If it will be of your advantage, why not? Remember you are 52 women eyeing for one thesame man"

"Yeah, yeah!" I answered hastily at saka pumasok sa isang VTR room na pinasukan din niya.

"Go" utos niya at tinuro ako sa isang stool na nasa gitna ng isang parang stage na may green curtain sa likod.

Lingon ako ng lingon. This is my first time at obvious naman sa reaction ko.

"Eyes on the camera Miss Mariano" utos ng isang lalake sa tabi ng camera man. Dahil madilim at nakatutok sa akin ang mga spotlights ay diko makita ang mukha niya. Pero base sa anino nito ay naka Hermes foulard ito kahit naka damit panlalake pa siya.

He must be a gay pero boses lalake naman.

Bigla tuloy akong naconcious kasi parang dinadisect ako live.

'What am I doing here?' I asked myself.

Oh right, I have to sell myself to outwit 51 women sagot ko din agad sa tanong ko.

"Introduce yourself in one sentence" sabi ng hindi man lang nagpapakilalang lalaki o gay na naka Hermes. Oh di siya na ang mayaman haha!

"I am a virgin" I curtly said.

Natawa si Stef sa isang tabi kaya napakamot ako ng ulo because come on, diba I need to sell myself so even it was awkward to say that, kailangan.

"What are you thinking right now?" The man asked.

"I was thinking about my prior answer, it came out wrongly" I honestly said.

"Why?"

"I'd like to clarify that I am a virgin by choice and not because I do not want to have sex, everybody loves sex" I said and I know I flushed. Omg lang at dahil tingin daw ako sa camera eh di inimagine ko nalang na ito si Brad Pitt.

I looked at the camera like a person and unconciously bit my lip. I haven't thought of what I answered really. I think I just made myself clear though bahala na ang makalyong paa ng besfriend ko kung may sense yung sinabi ko.

"If you win this game, what would you do with your money?"

"His money, you mean?" I questioned back. Because it will never be my money no matter what.

"However you want to call it, yes Miss Mariano, what are you going to do with the money?"

"I will spend it because didn't he want to spend it in the first place?" I asked.

Natawa ito. "Right" he answered.

"What kind of spending will those be, may I know?" Natatawang sabi pa nito.

"I do not know yet, I will tell you if I win" walang preno kong sagot.

Stefani laughed and said "The time is up Noah"

Napalingon ako kay Stef na ngingiti-ngiti.

"If there is one thing you want to tell Mr Allegro now. What will it be?" Huling tanong nito sa akin.

"I don't know.. uhm...D-does he brush his teeth very well?" I trailed at tumawa ng tumawa lalo si Stef at yung si Noah.

God this is so embarrassing.

~~~

We will finish this as soon as RID2 is done.

Kapit lang😂

THE RIGHT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon