TRQ#Chapter 4
The AllegrosWala na akong ginawa kundi magreview ng proposals at pumirma ng dokumento maghapon. They say that when you are on top, everything is easy, well they are all wrong, they do not know that one false move and you can change the lives of the people under you.
Great power, great responsibility.
Kaya hindi mo ako masisi kung pati ang paghahanap ng maaasawa ay pinalathala ko na sa mga pahayagan.
I am Air Allegro, the eldest of the 2nd generation of the the Allegro Empire. I can do whatever I want, without questions asked.
I rule. Simple as that.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. I looked at it at napangiwi nang makita ang mukha ni Noah sa screen.
"Noah" I answered.
"I am on my way to your house. Makikinood ako ng videos, you should be out of your office now. See you there"
"Noah Arcadius Allegro" I completed his name.
"Oh come on! Not my complete name! And loosen up a bit! Magte-take out na ako ng pizza!"
"Fine!" I grunted. Kasi alas-sais na din pala. And besides that I really have to watch those videos anyway. Mainam ng katabi ko ang punong-abala sa larong yun na walang iba kundi siya.
Tumawa ito. "See you! Mhuah mhuah" he said at nawala na sa linya. I don't get it. Nasanay nalang ba siyang maging beki or was it real already?
Bwisit na yun, baklang bakla na talaga umakto. But then we accept him for what he plays to be. Kahit maging Martian pa siya. We Allegros spoil him too, hindi man malinaw sa mata ng lahat but his reason to act such must be respected. Mabait siyang tao at maasahan sa lahat ng oras.
Napagdesisyunan ko naring lumabas ng office ko pagkatapos kong maibaba ang telepono.
"Going home sir?" Asked my secretary.
"Yes Luigi, go home too" sabi ko at saka siya iniwan.
Nasa kusina na si Noah when I arrived at home. May hawak na beer at kausap si Nanay Trining ang yaya ko na may beer din na hawak.
"Oh nandiyan na pala si Air" Nanay Trining said at saka inilapag ang bote sa mesa.
"Nakita ko na Nay, 'wag mo ng simplehan! Bistado ka ng nainom" I said.
Tumawa ito. "Isa lang 'nak, nakakaawa naman kasi itong si Noah, kapangit mag-pout!"
"Ay iba ka Trinity! Pinilit mo kaya akong pagbuksan kita ng isa! Intrimidita 'tong matanders na 'to, tseeeh" Noah said flipping his long imaginary hair.
The old woman chuckled.
Hinalikan ko sa noo ang yaya ko. "Bihis lang ako at isa lang ang inumin mo Nay" sambit ko.
"Kuuuu, natikim lang ako" she said.
Nailing nalang ako. At saka sila iniwan.
When I went down the stairs ay nagulat ako nang makita ang ibang lalakeng Allegro.
"NOAH ARCADIUS ALLEGRO" inis na sabi ko. I didn't know he invited all our other male cousins in the house.
"Present" he giggled at hindi na pinansin ang pagkumpleto ko ng pangalan sa kanya.
"Ano ito party?" I scoffed.
"Pinsan, may ipapanood ka daw sa amin?" Asked Kurt nakangisi ito.
I just sighed at hindi ko na sila tinignan lahat. "Umuwi na kayo" sambit ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/145813461-288-k560953.jpg)
BINABASA MO ANG
THE RIGHT QUEEN
RomansAIR ALLEGRO the man all women would dream to have, has decided to marry--- In the most practical way he thought with style. Let's find out how he was able to find the Right Queen that he can call his wife. Date started. April 20, 2018