TRQ #Chapter 5
GOBYWe all stood up when he entered, nasa likuran niya si Noah at isang babaeng mukhang maldita.
Actually silang lahat tumayo, nakigaya lang ako. Alangan naman na nakatayo silang lahat tapos ako ay nakaupo? Eh di papansin naman ako nun diba?
Sinundan ng tingin ko ang bulto ni Air Allegro na pagkatikas-tikas naman talaga. The magazines and newspapers didn't give him justice.
His manly aura is so powerful, his face is beyond description.
He is a living perfection.
Matangkad, gwapo, magandang built, successful, powerful at higit sa lahat mayaman na naghahanap ng asawa.
Kung bakit sa kabila ng kanyang nagniningning na katangian ay ganito ang paraan niya para makapaghanap ng asawa ay hindi ko mabatid sa kasuluk-sulokan ng aking masulong na pag-iisip.
Naks, di baluktot ang Tagalog ko.. haha!
I tilted my head while observing him, I heard giggles and gasps from the other ladies samantalang ako ay napapaisip ng rason ng larong ito na sinalihan ko. Kasi sa katangian ni Air ay hindi siya mahihirapang makakuha ng asawa sa totoo lang, I know that with just one snap of his fingers, luluhuran na siya ng mga babae.
Napatingin ako sa mga kasama kong babae. Ano naman kaya ang iniisip ng mga majoga na ito? They were fluttering their lashes like there was a sandstorm in the dining. Kakaloka.
Bumalik ako sa pagiisip ng maaaring rason ng paghahanap ng asawa ni Air. Napahawak pa ako sa chin ko.
Oh shit..Baka kasi di siya dakota? Omg! Di siya Daks! Tumpak baka parang si pareng Philippine goby lang a.k.a pandaka pygmaea ang pototoy niya?
Napailing-iling ako sa naiisip. Tapos di ko mapigilang matawa.
Mabuti nalang silent akong matawa. Pero shit may nakapansin parin sa hagikgik ko. Pucha di ko maimagine kasi. Full package na sana kaso sumablay kay pareng goby.
Hahahahaha.
Matalim ang tingin na itinapon ng mga babae sa akin. Na parang bawal akong matawa.
Chura ng mga ito, kamukha naman nila ang peklat ko sa talampakan!
Ibinaling ko ang attention ko kay pareng Goby. At pati siya pala nakatingin sa akin. Lol, ano kaya iniisip niya? Na mukha akong tanga na natawa magisa? Oh well patas nalang kami. Goby naman ang kanya wahahahaha.
"Ladies, take your seats and enjoy lunch because half of you will go home after this" sabi ni Noah.
Isa pa ito, gwapo naman, bakit nagbakla pa?
But then sa sinabi niya, of course we were shocked. Pero hello? OA naman 'tong mga babaitang ito maka-react. May pa OMG OMG pang nalalaman.
Nauna akong naupo. Tahimik din lang ang katabi ko at parang nasa loob ang kulo, kagaya ko haha!
"What's your name?" Ingles ko. Mukha naman kasing kana. Tisay na Tisay eh. Sobrang puti pa, malay ko kung marunong ng Tagalog ito.
Kung ang kulay ko ay mocha siya naman ay Elmer's glue.
"Emery McGlue" she answered.
Napabuga ako ng tubig sa sinabi niya.
Jinojoke ba ako nito?
"Are you alright?" May concern sa boses niya.
"Miss Mariano? Ok ka lang?" Boses ni Noah. Nakatingin na siya sa akin habang nagpupunas ng labi.
"Ok lang po" sabi ko sabay peace sign at tinignan ko ulit si Elmer's glue.
"Emery McGlue, very very whitish name" turan ko na ikinatawa niya.
"I know you were thinking of Elmer's glue"
"Bakit mo alam?" Sambit ko. Nahihiya kunwari.
"I've grown to live with it. Lagi ako niloloko sa school. Dito na din kasi ako lumaki and almost everybody bullied me because of my name"
"Sorry, magkatunog kasi, nagulantang lang ang pakikay ko" saad ko na ikinatawa niya lalo.
Natawa na din lang ako at muli ang mga tingin ng lahat ay nakafocus sa akin. This time sa amin ni Pareng Elmer pala.
"Enjoying ladies?" Basag ni Air Allegro sa katahimikan. Naka-focus ang tingin niya sa akin or sa amin, ewan.
Tumango ako at bigla akong nahiya sa tingin niya.
"Were we too loud?" Tanong ko sa katabi ko.
"Yata, napansin tayo eh" she murmured.
Dahil hindi naman nakikisali sa usapan ang grupo ni Air, lamon ang ginawa namin ni Pareng Elmer, parang nakikipagpaligsahan nga ito sa paglamon sa akin eh. Hah! Champion yata ako sa eating contest! 'Wag siyang ano.
"Ladies, each one of you will be having a moment with Air after lunch. Doon niyo malalaman if kasali kayo sa maiiwan o mapapauwi" muli ay basag ni Noah sa katahimikan. Air and the maldita were talking, they were really close I guess pero hindi man lang ipinakilala sa amin kung sino siya.
"Sino siya?" Tanong ko kay Emery.
"Sino ka muna" bulong niya, ay oo nga pala hindi pa kami nagkakakilala.
"Mona Lisa Mariano, sorry na pareng Elmer" lahad ko ng kamay ko.
Nagisang linya ang mga kilay niya pero tumawa siya ng impit pagkatapos. "Pareng Elmer, bet na bet" bulong niya pa bago humagikgik.
"Sino na siya?" Tanong ko muli.
"Si Shanta Artemis Allegro, bakit di mo siya kilala?" Tanong niya.
"Wala kaming pambili ng magazine and ang TV namin madaming langgam kaya di kami nanonood"
Natawa na naman ito. "Kakaloka ka! Anyway siya ang nagiisang kapatid ni Air at nagiisang babae sa mga magpipinsang Allegro"
Tumango tango nalang ako at pinagmasdan muli ang maldita.
Hindi sila magkamukha ni Air. Maliban sa kutis at hugis ng mata ay wala na silang similarity.
Naramdaman siguro ni Maldita na tinitignan ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko. May sinabi siya sa kuya niya kaya pati ai Air ay napatingin sa akin. Why were they looking at me?
Instead na mailang ay sumaludo ako sa kanila. To him particularly.
Sa kung anong kadahilanan? Hindi ko alam at tumayo na ako at tumalikod.
"Mona Lisa" isang boses ang pumigil sa akin.
Hindi ko alam pero mas nawi-wiwi ako sa narinig kong pagbigkas niya ng pangalan ko.
Kilig ba ito dahil sa puno na ang pantog ko o dahil may dulot na haplos sa kalanturan ko ang pagtawag niya ng pangalan ko?
Yes, Air Allegro called my name for the first time.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
THE RIGHT QUEEN
Roman d'amourAIR ALLEGRO the man all women would dream to have, has decided to marry--- In the most practical way he thought with style. Let's find out how he was able to find the Right Queen that he can call his wife. Date started. April 20, 2018