TRQ#Chapter 3
UNDERWEAR"Do you have time?" Katok ni Noah sa office ko.
"If I said none, would you believe me and just leave me alone?" Sambit ko while signing tons of documents.
Kahit hindi ko pa siya tinatapunan ng tingin I just knew he smirked.
"Oh well I have the introduction videos of the women with me, do you want to watch them?"
"Videos?" I asked at saka siya tinignan.
"Videos of the women saved in one USB" he rolled his eyes.
"Just hand the USB to me, I will watch the videos tonight" I said at saka itinuloy ang ginagawa ko.
"Ikaw ang nag-utos ng kalokohang ito but it looks like you are not into it all" sabi nito at saka umupo sa isa sa mga upuan sa harap ng mesa ko.
"Noah, I will have a wife no matter what, I have 52 women to choose from right? So Chill"
"Ah, so you were saying that you just have to pick one of these women and voila, may asawa ka na" he said sarcastically.
"They are only there for my money, I just want a wife just to be called married anyway. So what's the fuss?"
"Air, they may have applied in this game because they wanted to get rich but know that love can be learned in the process." He said kaya inihinto ko ang pagpipirma ko at tinignan siya.
"Get to know them, don't just pick the sexiest or the prettiest, these women have distinct characters in them. Hindi ko sila pinili sa libo-libo if they didn't have something"
"And what do you exactly mean by that?" I said crossing my arms.
"Just get to know them, and have fun, that's all I ask you. After all you are already investing your money just to be with them"
"Ok, I will probably watch the videos, not just I will watch the videos" sambit ko adding that probably word to make the sentence stronger.
"Fine with me" he said and handed me the red USB.
"Have fun" he said and stormed out my office.
Napatingin ako sa USB sa palad ko. At pinaikot ikot ito.
Then I put it in my pocket.
~~~~~
"Nangyari Mon-Mon?" Salubong ni Ben sa 'kin.
"Wala pa ba si Mama?" I asked her instead of answering her question.
"Dumating na kanina kaso nang malamang nategi ang calamansi mo ayun umalis ulit, bibili daw ng punla."
I sat down on our wooden sofa at nagtanggal ng sapatos. Manaka- nakang ibato ko ito dahil pahirap sa feet.
"Oi ano na?" Ben asked again at sumalampak sa tabi ko.
"Pwede ba Benedetta! Painumin mo muna ako ng tubig" simangot ko sa kanya.
"May regla ka? Nagsusungit?" Taas kilay nito sa akin.
"Pagod lang ako, sakit ng paa ko. Punyemas maging maganda" sambit ko at binuksan ko ang ref naming tubig at itlog lang ang laman. Isama mo na ang tuyo at danggit na forever nasa ref. Buti nalang binabalot ng maigi ni Nanay kaya hindi nangangamoy.
"Ganon talaga ang pagiging maganda may kaakibat na sakripisyo! Huwag magreklamo, mga aminadong pangit lang ang mareklamo"
"Ang dami mong alam" sabi ko at binuksan ang kaldero. Malamig na kanin ang nandoon. Malapit na ang katapusan ng buwan kaya alam kong wala ng pwedeng maulam na iba. Kaya kami sexy dahil wala kaming makain, yun ang katotohanan. Napupunta kasi ang sinasahod ni Mama bilang mananahi ng pabrika sa nakasanlang bahay. Well almost all of her salary. Nasanla kasi ang titolo ng bahay at lupa nang magkasakit si Papa. Then my father died just thesame, saklap lang. Scholar naman kami pareho ni Benedetta kaya walang problema sa amin at rumaraket kami sa paggawa ng mga assignment at projects ng mga tamad naming schoolmates kaya minsan may pera kadalasan wala.
Nasa last year na ako ng college. Si Ben na pinsan ko din pala I forgot to mention ay nasa third year na din. Her parents died early kaya kinupkop namin siya.
Naglagay ako sa pinggan ng kanin at binudburan ito ng mantika at asin.
"Nangyari?" Kulit niya sa akin at naupo sa harap ko matapos akong dumeretso sa hapag.
"Kailangan na naming tumira sa mansion" kaswal kong sabi.
"Waaaahhh? Hindi ka na magugutom, hindi ka na kakain ng tulad niyan" she happily exclaimed.
"At hindi na din ako makakapasok ng school! Hindi ba katangahan itong pinag gagawa ko Ben?" I asked her.
She looked at me. "Wala lang kasiguruhan pero praktikal ka nalang. Madali lang naman matapos ang laro, if you win eh hindi mo na talaga kailangang magtapos pa. Milyonarya ka na" ngisi niya.
"And if not?" Ingos ko kasi aminado naman akong magaganda ang mga kalaban ko.
"And if not then bumalik ka sa school, classmates na tayo by then" she laughed hard.
"Oh, nakabalik ka na pala Mon-Mon" bungad ni Mama at may dala ng punla ng calamansi.
"Mano po" I said, magkasunod kami ni Ben na nagmano.
"Kaawaan kayo ng Diyos at makapagasawa ng mayaman" she said. Sanay na kami, yan lagi ang mantra niya.
May inilapag ding pancit si Mama sa mesa.
"Saan galing Ma?" I asked pointing at the food.
"Kay Delia naghanda kasi ikinasal na pala sa ka-chat niyang foreigner"
Napasimangot ako. "Magyayabang lang pala" sambit ko.
Tumawa si Ben. "Akin na nga yan, di ka na sanay sa babaeng yun" she said at kumuha ng tinidor.
"Anong balita Mon-Mon?" My mother asked.
"Titira na daw kami sa mansion Ma"
Natigilan siya. Alam ko namang malulungkot ito dahil hindi pa naman kami nagkakahiwalay ng bahay eversince I saw light.
"Ma..." I trailed matapos sumubo ng kanin, wanting to console her.
"Magdala ka ng magagandang panty! Naku huwag mo akong ipapahiya, mananahi pa naman ako Mona Lisa" she blurted out.
Napabuga ako ng kanin habang humagalpak ng tawa si Ben.
"Ma naman" protesta ko. Ang sakit kayang mabulunan.
"Hay naku Mona Lisa, sinasabi ko sa'yo nakakahiyang magsampay ng panty at bra na butas-butas" sabi pa nito at saka inilapag ang kaldero sa mesa.
"Busog na ako Ma" sabi ko kasi nasaid na ang plato ko.
"Kaya nga magsaing kana, kinain mo na lahat. Hugasan mo na yang kaldero at magpapahinga lang ako ng konti" she said.
Tinignan ko si Ben at sinenyasan na sundan si Mama. Kailangan niya ng masahe sa likod. Hindi yun nagrerequest pero sa trabaho niya bilang mananahi ay alam kong masakit na ang likod niya.
Agad naman tumalima si Ben at sumunod sa kwarto ni Mama, leaving me the task of cooking dinner. Ano kayang magic gamit ang itlog ang maiimbento kong ulam ngayon?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE RIGHT QUEEN
RomanceAIR ALLEGRO the man all women would dream to have, has decided to marry--- In the most practical way he thought with style. Let's find out how he was able to find the Right Queen that he can call his wife. Date started. April 20, 2018