CHAPTER 7

24.2K 394 8
                                    

Pagkahatid sakin ni jaxx ay umupo na ako sa silya ko at nag umpisa ng magturo ang teacher namin.

After a minutes ay biglang may kumatok sa pinto and i know her,  she's the SC President Cheryl Savellano. Anong kailangan ng isang to, bigla siyang pumasok at may binulong kay ma'am .

"Oh okay, Miss Mercado pinapatawag ka raw ng dean." Baling ni ma'am sakin kaya naman tumayo na ako at biglang kinalabit ako ni saf.

"Oh bakit?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Anong ginawa mong kasalanan? bakit ka pinapatawag ng dean?" Tanong niya sakin, Oa talaga to.

"Malay ko tsaka wag kang OA r'yan magkita na lang tayo sa canteen mamaya." Sagot ko sa kanya at sumunod na kay cheryl.

"Hey I'm Veronica." Pagpapakilala ko sa kanya kahit na kilala niya ako.

"And I'm Cheryl Savellano, The Campus SC President nice to meet you Queen Veronica." Pagpapakilala niya rin sakin.

"So anong kailangan ng dean sakin at pinatawag ako?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam, may sasabihin atang importante sayo eh." Sabi niya at andito na kami agad sa door ng dean.

"Thank you, cheryl." sabi ko at tumango lang siya sabay alis na kaya naman kumatok na ako ng tatlong beses sabay pasok ko sa loob at upo sa visiting chair ni kuya blake at kinuha ang mansanas sa mesa.

"Veronica? Di kita pinapunta rito para lang kainin ang mansanas ko." Sabi ni kuya blake kaya nilingon ko siya at inungusan ng mapansin kong may babae pala kaming kasama rito sa dean's office.

"Susumbong kita kay ate Jennie may babae ka rito." sabi ko sa kanya kaya naman tinaasan niya ko ng kilay.

"Anong babae? She's Allaine Agustin, the new transferee." Sabi ni kuya kaya nagtaka ako. Halos mag half month na kami pero tumatanggap pa sila ng transferee?

"Then? I dont care tsk, Bakit mo ba ako pinapunta rito?" Pagtatanong ko sa kanya. Huwag niyang sasabihing gagawin niya kong tour guide ng isang yan.

"Don't you ever dare na gawin akong tour guide niyan because i dont want." Agarang sagot ko at tumayo  na ng may pumasok na babae at isa siya sa Student Council she's Nisha Mae Adriano the SC Vice President.

"Hi Nisha Girl." Bati ko at mukhang nagulat ito sa pagbati ko o dahil kilala ko siya.

"Ah, Hi miss vero." Bati niya sakin ng nakangiti at tumingin kay kuya blake.

"Dean, pinatawag niyo raw po ako, may ipapagawa po kayo?" Tanong niya kay kuya.

"Yes, i want you to tour Allaine inside our school." Sabi niya kay nisha at bumaling sakin.

"At veronica pinapunta kita rito para ipakilala si allaine sayo since you are the Campus Queen." Sabi ni kuya blake sakin.

"Yea right, hey allaine. Don't do such bad things to me or else." Sabi ko sa kanya ng nakataas kilay.

"Veronica!? Umayos ka nga, pinapunta kita rito para kunin ang mga Final booths na ipatatayo nila." Sabi niya sakin. Ah tungkol sa mga booth na kakailanganin, sabagay 2 weeks preparation na lang pala .

"Okay, just give me my excuse letter at ipapaabot ko na lang." Sabi ko at inabot naman sakin ni kuya blake ang excuse ko.

"Then for the finalization pag uusapan niyo yan with the student council " sabi ni kuya kaya naman kibit balikat akong umalis.

Pagdating ko sa Canteen ay nakita ko na agad sila kaya naman mabilis akong nagtungo sa kanilang pwesto at pag upo ko ay tinanong agad ako ni safy.

"Oh ano? Bakit ka pinatawag ni dean?" Nag aalalang tanong ni safy sakin ng sumabat din si jaxx samin.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon