CHAPTER 18

18.1K 271 0
                                    

Pag dating ko rito sa loob ng gym ay naroon na ang dalawang team at naroon na ang pwesto ko sa tabi ng referee. Do'n ko talaga pinili para 'di ako masiksik. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang mga matang nakamasid sa'kin.

"Hi insan." Bati ni harvs sa'kin ng huminto ako sa pwesto nila.

"Hi queen." Bati naman ng ibang mga kateam nila at nang magawi ang tingin ko kay jaxx ay nakatingin din pala sa'kin at nasa kanyang tabi ay si allaine.

"Goodluck team. Hindi madaling kalaban ang kabila." Paalala ko sa kanila.

"Kaya namin 'yan shan. Kami pa?" pagyayabang ni davis sa'kin kaya napailing na lang ako.

"Yabang." Natatawang sabi ni kel sa kanya ng biglang may umakbay sa'kin.

"Hi team." bati ni draven na kadadating lang at nginitian ako.

"Papunta ka sa kabila?" tanong ko sa kanya bigla.

"Oo, sabay na tayo?" Sagot at tanong niya sa'kin kaya tumango ako at nagpaalam.

"Shanica." Bati ni travis sa'kin at niyakap naman ako bigla.

"Chansing ka na." Sita ko sa kanya na nagpahalakhak lang sa kanya.

"Noona shanica." Biglang sulpot ni drei sa harap ko.

"Drei ayokong gabi gabi kang nasa bar. Gusto mo bang mamatay dahil sa alak." sita ko sa mga ginagawa niya at niyakap lang ako.

"Sorry noona shanica." Sabi niya kaya tumango na lang ako.

"Hey axel ayaw mo ng hug? Nakayakap 'tong dalawa sa'kin eh." Pang aasar ko sa kanya kaya lumapit siya at nginisian ako.

"Syempre gusto." Sabi niya at niyakap din ako ng saglitan lang.

"Ako walang yakap?" Tanong ni draven sa'kin kaya binatukan siya ng tatlo.

"Anong yakap! Hindi ka naman maglalaro!" Sabay sabay na singhal nila sa kanya at akmang mananapak.

"Stop it guys andami ng nakatingin." Sita ko sa kanila ng mapansing halos lahat ay nakatingin sa pwesto namin even sila harvs at safy.

"Hayaan mo sila." Sagot ni trav sa'kin.

"Asan sila roxie?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Ang alam ko nauna sila eh.

"May binili lang saglit." Sagot ni axel kaya tumango ako sa kanya.

"Noona napanuod ka namin kanina. Okay ka lang ba talaga?" nag aalalang tanong ni drei sa'kin and actually i dont know if i'm okay.

"Yes i'm okay drei. Magfocus kayo sa match niyo okay." Paalala ko sa kanila at nagpaalam na pupunta na sa assigned chair ko dahil mag uumpisa na.

"The winner is the Harisson University." announce ng referee. Actually 1 point lang ang lamang ng team namin.

"Congrats team." Bati ko sa kanila ng makarating ako sa pwesto nila.

"Congrats to us, kung hindi naman dahil sa pagiging mahigpit mo sa'min ay hindi kami mananalo queen." Sabi ng isa sa team kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Group hug!" Sigaw ni davis at nag-group hug nga kaming lahat kasama si jaxx.

"Mag ayos na kayo pupunta lang ako sa kabilang team." utos ko sa kanila.

"Bakit pupunta ka pa sa kanila? Hindi naman sila kasama sa team." Sabat ni jaxx bigla kaya natahimik lahat.

"Wala kang pake." sagot ko sa kanya in my usual cold voice at nagpaalam na para umalis.

"Congrats pa rin sa'tin guys." sabi ni shai sa team nila trav.

"Hindi niyo binigay lahat ng kaya niyo." Sabat ko sa usapan nila kaya napalingon silang lahat sa'kin.

"At least in-enjoy namin ang laro." sagot ni trav sa'kin pero si drei. Hindi siya tumatanggap ng pagkatalo.

"Drei halika rito." utos ko kay drei para lumapit sa'kin at kita ko yong lungkot sa mga mata n'ya.

"Noona." Sagot niya sa'kin at bigla akong niyakap kaya niyakap ko rin pabalik.

"Anong meron sa inyo?" Nakataas kilay na tanong ni maicey sa'kin.

"Don't give me that malice look, maicey." Sita ko sa kanya.

"Joke lang eh." bawi niya agad at humiwalay na si drei sa'kin.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya at tumango lang ito sa'kin.

"Lets just meet later pero now magpahinga na muna kayong lahat." Sabi ko sa kanila at nagsipagpaalam naman na sila isa isa gayundin ako.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon