CHAPTER 22

18.7K 247 0
                                    

"Baby sabi nila rox dito na raw sila mag eenroll?" tanong ni jaxx sa'kin magkasama kami na nakatambay rito sa garden.

3months before ng may nangyari sa'min ni jaxx at hindi pa nang gugulo si allaine.

"Yup, dito raw sila eh sabi niya." sagot ko sa kanya. Siya ay nakahiga sa lap ko ngayon na nakatingin sa'kin.

"Tara sa canteen baka andoon na sila." Sabi niya sa'kin kaya tumayo na siya at inaya rin akong tumayo at sabay pumunta sa canteen.

"Jaxx, veronica over here." tawag ni safy pagdating namin sa canteen kaya dumiretso na kami ro'n.

Habang kumakain kami ay may isang kumpol ng magkakaibigan ang tumakbo diretso sa pwesto namin kaya nagtataka kaming tumingin sa kanila.

"Why?" tanong ni harvey sa kanila at lahat kami ay nag aabang sa sagot nila.

"Kuya jaxx please help us po, si allaine po kasi nahimatay tulungan niyo po kaming dalhin sa clinic." Pakiusap nung naka red dress.

"Nahimatay naman pala bakit hindi niyo pa dinala sa clinic? may mga kaklase naman kayong lalake." pagtataray ko sa kanila at nagulat na lang ako ng tumayo si jaxx.

"Ano? Bakit?" agad niyang tanong sa mga babaeng 'to.

"Where are you going?" kunot noo kong tanong kay jaxx ng akmang aalis.

"Pupuntahan si allaine baby, she need help." Sagot sa'kin ni jaxx.

"Sasama ako." sagot ko sa kanya at sabay kaming pumunta ro'n kasunod sila safy sa likod namin.

Pagdating namin sa room ay pinapaypayan nila si allaine at agad pumunta si jaxx sa pwesto niya para buhatin at dalhin sa clinic habang kami naman ay nakasunod sa kanya.

"What happened?" tanong ng school doctor na sa'kin nakatingin.

"She passed out." Sagot ni safy at tumingin ako kay jaxx na may pag aalala sa mukha na halata naman.

"Jaxx lets go, okay na siya rito." Sabi ko kay jaxx pero hindi niya ako nilingon.

"Let's wait until she wake up baby." Sagot niya sa akin ng hindi nakatingin at nag uumpisa na kong mainis.

"I SAID LETS GO!" sigaw ko sa kanya kaya sinabe ng school doctor na umuna na kami pero tumanggi siya.

"Baby, don't be selfish." Sagot sa'kin ni jaxx kaya sa sobrang inis ko ay umalis na 'ko ro'n, tinatawag niya ako ngunit hindi ko na pinapansin.

***
Isang linggo na ang nakakalipas ngunit mukhang walang balak si jaxx na suyuin ako at nababalitaan ko na lagi silang magkasama ni allaine base sa mga kwento ni safy sa'kin. Mula kasi no'ng umalis ako sa clinic ay hindi ako pumasok.

"Hello ate jennie?" sagot ko sa tawag ng fiance ni kuya blake.

"Napag isipan mo na ba yong offer ko na mag model ka?" tanong niya sa'kin. Ilang araw niya rin akong kinukulit.

"Hindi pa ate jen." Sagot ko sa kanya. Sa america kasi ang model agency nila.

"This is a big shot veronica kaya ikaw ang pinili ko. So I'll call you na lang para sa sagot mo." Sabi ni ate jen at um-oo na lang ako hanggang sa nagpaalam na siya na ibababa na ang tawag.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon