CHAPTER 32

19K 296 1
                                    

Nagpaalam na ako sa anak ko at dumiretso sa studio. Binati naman ako ng mga guards at prinoprotektahan mula sa mga press na laging naka abang sa harap ng kompanya.

"Ayusan niyo na si miss shan." Utos ni von pagkarating ko kaya naman agad akong inasikaso ng mga staff.

"Anong theme ngayon?" Tanong ko kay hailey na inaayos ang buhok ko.

"Autumn po, miss shan." Sagot niya sa'kin at saka ibinigay ang susuotin ko.

"Tapos na ba si miss shan?" Tanong ng assistant nila von na nasa labas ng dressing room.

"I'm done." Sagot ko saka ako sumunod sa kanya. Andoon naman ang ibang mga models na nagtatake ng shots nila.

"Shan, get ready. May kaibigan kang kasama." Sambit ni arc sa'kin kaya naman dumiretso na ako sa upuan at saka sila may kinuha mula sa likod.

"Oh sh*t!"

"Is that a real snake?!"

"OMG! It's moving!"

Sigaw ng ilang mga models kaya tinignan ko ang hawak ni arc, a snake.

"This is the friend, i'm talking about." Sagot ni arc sa'kin, nagsinghapan naman ang ibang models sa ahas.

"It's safe miss shan, don't worry." Sabat ni virk na inaayos ang lightning sa gilid.

"Let's start." Sambit ni von na nasa tapat na ng camera kaya naman umayos na ako at dahan dahang idinantay ni arc ang ahas sa balikat ko.

Nag umpisa na akong magtake ng ilang shots na kasama ang ahas. I remain calm as what my photographer said when i was in V.S Company para raw hindi matriggered ang ahas. Makikitaan naman ng kaba ang ilang mga models na nanunuod sa shoot ko.

Patuloy lang kami sa pagtake ng shots hanggang sa bumukas ang pinto ng studio at binati ng ibang staff ang taong pumasok habang kami ay naka focus sa pagtatake ng mga litrato.

"Where's the new model that kelvin is talkin about?" Tanong ng isang boses na napaka pamilyar sa'kin.

"Nagtatake po ng shoot niya, sir clem." Sagot ng isang staff sa kanya at rinig ko namang naglalakad ito.

Ang boses na yon.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, para akong kinakabahan. Sht! Siya ba ang sir clem na tinutukoy nilang lahat?! Bakit hindi ko naisip na sa kanya ang kompanya na ito.

"We're done shan, good job." Sambit ni Von at saka kinuha ni arc ang ahas mula sa balikat ko. Dumiretso naman ako sa pwesto nila mash.

"Grabe miss shan! Ang professional niyo po. Imagine, ahas na gumagalaw yon." Bungad ni mash bago niya ako abutan ng mineral water at abutan ng wipes.

"I'm use to those kind of wild animals." Sagot ko sa kanya at ramdam ko namang may nakamasid sa'kin kaya lumingon ako sa kaliwang bahagi ng studio. Nakita ko naman siyang nakatingin sa'kin. Ang mga matang iyon.

"Miss shan, nakatingin si sir clem dito." Sambit ni nessa sa'kin. Alam ko nessa. Ngayon ay kasalukuyan siyang papalapit sa pwesto namin.

Shan calm down, it's just jaxx. He's looking at me intently. Pinakatitigan ko siya ng buo. Nagmature ang katawan niya sa suot niyang suit. Nagmature rin ang kanyang mukha.

"H-hi sir clem." Bati ng mga kasama ko sa dressing room nang makalapit siya sa pwesto namin. Tinanguan niya lang ang mga ito.

"So you're the famous shan veronica that they're talking about." Sambit niya sa pormal niyang tono. Naging manly rin ang kanyang boses.

THE CAMPUS PLAYBOY'S GIRLFRIEND CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon