5th Foul

99 1 0
                                    

Her POV

Umakyat na muna ako sa taas para maglabas ng sama ng loob. Ambigat na ng ilong ko. Ang hirap magka-sinusitis.

Bawal sa pabango, sa pulbos. But here I am. Sige lang sa gamit. Hindi ko matiis.

"Sshhk!  Sshhk! " pagsinga ko. Akala ba ng lalaking 'yon di ko siya narinig? Di ko na lang pinansin. Nakakatamad magsalita.

"Hay naubos na rin." Ansarap sa feeling. Sarap magswimming! Pero kakain na lang ako. Hindi lang ako ang tao dito eh.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Paradise.

To: Kuya Brent

Kkain n. Sent!

Wala kayompake sa texting style ko. Shortcut lang.

"WAAHHH WAHHHHH WAHHH" Text tone ko yan.

(A/N:Yun po yung sa horror movies na sumisigaw hahaha)

From:Kuya Brent

Aww ang sweet mo naman bbq. Osige pasok na uli kami jan. Nandito lang kami sa labas ng gate hahahaha.


Kahit kailan talaga loko 'to eh. Sabagay manloloko naman talaga siya. Andaming chicks. Tsk tsk tsk.

Jogging daw, baka jog in place habang nag-aabang ng mga babaeng nakabrang nag-jojogging sa labas. Kamanyakan talaga ng mga lalaki di mawawala.

"Tok!  Tok! " May kumakatok. "Bakit? "Tanong ko sa kumakatok. Walakayompake kung hindi 'sino' ang tanong ko.
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Tumambad sakin ang pawis na pawis na lalaking amo panlaba. Wow sineryoso nga. Buti naman.

"Kain na raw sabi ni Aling Vicky. Masamang pinag-iintay ang pagkain." pangaral naman niya. Pano kaya ko makakababa eh nakaharang siya? Tumango na lang ako.

Nauna akong bumaba para magpunta sa hapag-kainan. Nakita ko naman na agad sila Brent at kuya Prince na nagsasandok na ng pagkain. Aba di man lang ako hinantay? At oo may kuya na. Dahil siyempre mas matanda siya samin. Ayolo maging bastos.

"Oh nandiyan kana pala Faustinnie. Dito kana sa tabi ko." sabi ni Brent. Ay hinde wala ako dito. Sige lang kain na kayo, nakakahiya kasi eh.

Hindi ako sa tabi niya umupo. Magulo at masyadong maingay 'yan kapag kumakain. Kumbaga walang manners sa pagkain. Kahit puno bibig, sige lang ang dada.

"Sabi ko dito ka eh! " nagmamaktol na sabi niya. Si Prince kumakain na walang pakialamanan.

"Maingay ka. 'Yung iniihaw niyo doon ipasok mo na dito." sabi ko habang umuupo sa katapat ng latabing upuan ni kuya Prince.   "Ay oo nga pala! Nakalimutan ko ipasok! Baka sunog na 'yun. Pero wait. Oy Cci pakuha nga sa labas 'yung inihaw mo boy labandero! HAHAHAHA!"Nabulunan naman si kuya Prince na natatawa na rin. Eww tumatalsik na yung mga kanin.

"Hahaha oo nga boy labandero ipasok mo na! Sayang naman effort mo mauuwi lang sa paglalaba!" tawanan nanaman sila maliban samin ni Ricci.

"Mga ga-"

"Sige ituloy mo." Pagputol ko sa sasabihin niya. Nakabuka parin ang bibig niya. At sa huli,  inis na umalis at pumunta sa garden.

Nagsimula na muna akong magdasal. Pagmulat ng mga mata ko. Mukhang nahiya amg dalawa sa ginawa ko. Malamang di yan nagdasal. Sumandok na ako ng kanin. "Oh ito na po mga sir! Masarap po yan kaya dapat ubusin niyo." Sabi ni Ricci atsaka umupo sa harap ko at nagdasal rin.

The Girl on Pajama Doesn't Like HimWhere stories live. Discover now