1st Foul

194 3 10
                                    

Her POV

Malalim na ang gabi at ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas kong glass door sa veranda ng apat na sulok na silid ko. Napakatahimik ng aking gabi tila bay nahihinuha ng gabi ang gusto kong mangyari.

Ngunit tulad ng posibilidad na maging kayo ng crush mo ay napakalabo.

"Hmmm~ uhm~Hmmmm~ "aking pag-huhumm habang tumutugtog sa aking silid ng River Flows In You. Buti nga at sinipag akong pag-aralan to eh. Kung hindi lang kay Channie di ako magiging inspirado upang tugtugin ito.

"Hmmm- ughh." Nakalimutan ko nanaman.Paulit-ulit na lamang ako. Kanina tuloy-tuloy na ako pero kung hindi lang dahil sa ingay sa baba. Tss. Subukan ko uli.

Hmmmmm~"Hindi ko talaga mawari kung bakit pinayagan ng aking magulang na rito ganapin ang maliit sa salu-salo kuno ng aking mabait na pinsaneh. Meron namang sariling bahay o condo si Paraiso at ng team niya.Tss.

Mga kabataan nga naman ngayon. Kawawa ang mga susunod na henerasyon.
Bumuntong hininga ako.

Heto na kaunti na lamang ay matatapos ko na rin ito "Hmmm-"

"SIKRETONG MALUPEET PEDENG PABULONG!" Abat! Padabog akong tumayo at kinuha ko ang pamana ko sa gilid.Nakakainis sila!Kanina pa sila nagsisisigaw diyan? Hindi paba sila nalalagutan ng hininga?

"MAPAPAMURA KA NANG-" Pumwesto ako agad-agad at sinentro sa puno ang pana. "OO PAKSHET KAYO MALUTONG!" pagsigaw ko sakanila at sabay na pinakawalan ang pana.

Nang dahil sa mala-siramplaka nilang tinig ay namali ako ng tipa at nakalimutan na ang mga nota! Tsk. At nagsitigilan silang lahat maliban nga lang sa music.

Awww sayang naman. Alam kong iyan ang pinakapaboritong kanta ng aking pinakamamahal na pinsan! Wahahahaha! Di niya nasabayan ang chorus hahaha! Nakatingin na sila ngayon dun sa pana sa may puno at tila gulat na gulat silang lahat base sa kanilang mga itsura ngayon.Nagkakagulo na sila at tilian ang mga babaeng kinulang ng kahihiyan sa sarili.Ang bait mo talaga Faus.

Maya-maya ay bumalik na rin sila sa dati hahaha.Nakakatawa ang mukha ni Paradise. Di alam ang gagawin.Pero lumingon agad siya dito sa may bintana ng silid ko at ilang beses umiling habang nakapamewang.

Mukhang alam na ni Paradise ang nangyari. Buti naman ano. Sawang-sawa nako sa ingay nila sa pamamahay ko. Ang ayoko sa lahat ay mga maiingay tulad ng nangyayari ngayon.

*kringgg~*

nako may tumatawag~Sino ? Sino kaya iyon? Tara sagutin natin~

Naglakad ako papunta sa ikalawang palapag ng silid ko para kuhain ang aking cellphone sa kama.

Oo tama kayo ng narini- este nabasa. Sosyal ang aking silid.May ikalawang palapag.

*kring~*

"Magandang gabi ginoong Paradise." Pambungad ko haha.

[Hoy Yrenea Faustine! Ano nanaman to aber?]

"At ilam beses ko rin po ba sasabihin sayo KUYA na wag na wag mo po akong tatawagin ang buong pangalan ko aber? Bulag kaba huh? Kitams naman po na pinana ko yung puno kase ansarap lang po panain hahaha"

Umupo naman na ko sa kama.Nakakapagod tumayo. Talagang diniinan ko ang pagkakasabi ng 'po'.

[Wag mo nga akong ma kuya-kuya at pino-po! Mas matanda lang ako ng isang araw sayo uy! I mean kase why did you do that anyway huh?]

[Siguro kanina ka pa nakatingin samin sa baba tapos may naispottan kang pogi dito? My dearest cousin alam ko namang pogi ako eh. Please stop it hanggang maaga pa.Ince-] landi naman nito?! Eww mukha niya pogi? MIA bes eh.

"At ikaw ang punong puno sa sarili mo aking pinakamamahal na kuya haha.Di kaba nagsasawa na ikaw na lang ang pumupuri sa sarili mo hmm?At ispot ba kamo?"

"Wala.Wala naman kaseng may mukhang matino sa mga tao jan."Napatingin na lang ako sa mga paa ko.Nako kailangan ko nang nailcutterin.

[Oy oy Brent!Sino kausap mo jan chicks ba pre?!] sigaw sa kabilang linya.

[Lul incest ka pre!]Sigaw naman ni Paraiso sa kausap niya. Di ba niya alam na kausap parin niya ako ha?

[Oy, oy sorry napagtripan pako nila Ricci at Prince eh hahaha.] I sighed.. The Riveros again. Minsan iniisip ko kung kapatid ba niya yung dalawang yun eh.Paano kase napakaclose sa isat isa.Tss.

"Sige na bababa ko na to nakakaistorbo na yata ko."

[And when did you became a disturbance for me Yrenea Faustine hmm?] I rolled my eyes as if makikita niya.

"Hindi ko alam? Hindi ako ikaw."

[Can you go down on the salas?I'll pick you up.]

"Ayoko nga. Ang gulo niyo diyan sa baba eh."

[Please na please? Ayoko na silang kausap dito eh T.T and I mi-miss you too.]sabi niya.

Nagpapabebe nanaman. Pero sabagay,  tagal na din naming hindi nakakapag-usap dahil sa trainings at laro nila kada linggo.

I sighed in defeat.

"Oo na."

Kahit ganyan 'yan,  mahal ko 'yan. Pinsan ko yan eh.

The Girl on Pajama Doesn't Like HimWhere stories live. Discover now