Chapter 1.3

2.4K 20 0
                                    

Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko ng matapos ko ng iayos ang sarili ko. Sa wakas ay makakatulog na rin ako ng walang gumagambala sa akin. Pumunta na ako sa kama at inayos ang aking comforter. Pumikit na ako.

Nagdaan ang ilang minuto at hindi ako makatulog! Kinuha ko ang cellphone kong nasa bedside table at tinignan ang oras. 11:30pm na at siguro naman ay ayos lang magpuyat dahil wala namang pasok bukas.

Napagpasyahan kong pumunta ng banyo nang makaramdam ako ng ihi. Pikit mata akong pumunta doon at sinimulan na ang dapat simulan. Napahikab ako.

Umalis ako ng banyo at may nakita akong pigyura ng lalaki. Binalewala ko iyon at nagdive sa kama.

"Denise," wait, pigyura ng lalaki?! Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon. Ito din yung lalaki kagabi! The naked guy! Naked pa rin siya ngayon! Wala ba siyang pambili ng damit?

"W-Wag kang lalapit sa akin!" Umatras ako ng umatras hanggang sa naabot ko ang seradura ng pinto. Pinihit ko iyon at hindi mabuksan. Bakit ganun?

Kinalampag ko na ang pinto ko at ayaw pa rin mabuksan. Tumawag nalang kaya ako ng tutulong sa akin? Pero nasa table yung cellphone ko! Tinignan ko ang lalaki at malapit na ito sa akin. Im fairness ha, ang laki ng ano niya. Hihi.

Eh, ano ba, Denise! Rereypin ka na kung ano pa ang nasa isip mo! Kahit gaano pa kagandang lalaki o kaganda ang hubog ng katawan niyan ay dapat huwag kang magpadala sa bugso ng damdamin!

"Tulong! Tulong!"

"Walang tutulong sa'yo, Denise. Sa mundong ito, tayong dalawa lang ang tao. Bakit hindi tayo magpakarami?" Pakarami ka mag-isa mo! Agad kong binato sa kanya ang bagay na nasa gilid ko. Huli na ng marealize kong bra ko pala yun. Aish.

"Wag ka sabing lalapit!" Nasa harap ko na siya kaya napaupo ako at tinakpan ang mukha ko. Nasa harap ko din yung ano niya! Yung ano niya!

"Paanong hindi ako lalapit, inaakit mo ako? Una ay hindi ka pa nakasuot ng damit panloob at pangalawa ay hinagisan mo ako ng bra mo." Kinapa ko ang dibdib ko. Namula ako. Wala nga pala akong suot na bra. Napatingin ako sa kanya at ang gwapo talaga niya. Hindi ka bibigay, Denise! No, Denise!

Tinapat niya ang mukha ko sa kanyang mukha at sinimulan akong dampian ng maliliit na halik sa labi ko.

"Huwag kang mag-aalala, Denise. Nasa loob ka ng panaginip," aniya at hinalikan ulit ako. Ngayon ay mas malalim ito kaysa kanina. Ang sarap niyang humalik.

Napakapit ako sa balikat niya nang itinaas niya ako at naglakad papuntang kama. Talaga bang gagawin namin iyon?

Itinulak ko siya kaya napahinto siya sa paghalik. Tinignan niya ako ng matiim at hinaplos ang aking labi.

"Sino ka ba?"

"Ako si Ferrel." Pagdaka'y hinalikan niya ulit ako at napunta ako sa realidad.

Once Upon A Demon's SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon