Chapter 2.1

2.2K 14 0
                                    

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako sa kwarto. Umupo ako sa hapag-kainan at kumuha ng maaalmusal.

"Tingnan mo nga ang sarili mong bata ka." Tinignan ko si mamang may hawak-hawak na tablet at siya ay nakatingin sa akin. Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa full-mirror. Nakita ko ang isang babae ng may magulong buhok, hindi maayos na pagkakaribbon, naka-uniform nga pero may pajama sa loob. Ang pinakamalala pa ay may sipilyo pa sa bibig. Napangiwi ako. Agad-agad akong tumakbo papuntang kwarto. HIndi pa pala ako naliligo!

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay mama. Isinuot ko ang helmet sa ulo ko at dali-daling pinaandar ang wave. 

----

Napakagat-labi ako nang makita ang orasan sa main gate. 8:09am na pala at 8:00 ang umpisa ng klase. Second semester na ngayon kaya hindi ko alam ang schedule. Dali-dali akong tumakbo papuntang room namin. 

"Sorry sorry." Hindi ko na inalam kung sino ang nakabunggo ko at makakabunggo ko. Kahit hingal na hingal ay pumasok ako sa room. Nakita ko si Mr. Agoncillo na nagdidiscuss. Buti nalang at nasa likod ang pintuan namin. 

"Denise dito!" rinig kong bulong ni Shiela, isa sa kaibigan ko. Buti nalang at pinagreserve niya ako ng pwesto. Nakipagbro-fist ako sa kanya at kinuha ang textbook ko. 

Kahit kailan talaga ay nakakatamad magdiscuss si Mr. Agoncillo. Pero kakayanin ko hangga't may buhay pa ako!

"Himala ata at nalate ka. Dati ay lagi kang on-time kung pumasok." Inismiran ko lang ang nagsalitang si Shiela. Bumalik naman siya sa paglalaro sa kanyang cellphone.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto at bumukas ito. Lumitaw rito ang isang napakagandang lalaki. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya. Nagimpitan naman ng tili ang mga babae (well sampu lang kaming babae) at nagsikuhanan ng mga cellphone para picturan ang nasa aming harapan. Nakisali din ang katabi ko at kinurot pa ako. Tinignan ko ng mabuti ang lalaki. Parang pamilyar siya sa akin.

"And you are?" Tumigil si Mr. Agoncillo sa pagsusulat sa whiteboard at tinignan ang lalaki. Para talagang pamilyar siya sakin eh.

"Shivanter Pal---"

"FERREL?!" Napatayo ako sa gulat ng makilala ang nasa harapan namin. Ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Maging si Shiela ay nakikita kong nagtatanong ang matang nakatingin sa akin. Pero hindi iyon ang kaso dito, totoong tao siya? I mean, hindi siya gawa ng malikot kong imahinasyon?

Nakita kong napakunot-noo ang lalaki sa harap ko. Buti naman at may damit na si--- Erase! Erase! Nanlaki ang mga mata niya.

"Larren?!" Nagusap-usap ang mga kaklase ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Ang naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na pagkabig ng dibdib ko. 

Larren? That's my second name.

Once Upon A Demon's SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon